Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, August 25, 2006

love moves

tulad ng sinasabi sa kanta, "love moves in mysterious ways" hops! tandaan natin na God is love. hehehe! bakit ko naman nasabi na "God moves in mysterious ways?"

[intro: sa totoo lang, malungkot talaga ako ngayon. hindi ko alam kung dahil lang ba magiging "ber" months na o sadyang pinapalungkot ako ng ilang bagay. di nga ata halata kasi tawa lang ako ng tawa. adik talaga.]

nasabi ko ito dahil...

1) bigla kong nakausap ang aking mga mga long lost friends. sina relia at joanne. tapos ayun, nakakatuwang balikan ang aming mga good old days as freshies and sophies. daming kabalbalan na pinaggagagawa. tapos ayun kahit na sobrang tagal na naming di naguusap parang wala pa ring pinagbago. sobrang miss ko na kaya sila at gusto ko silang makitang muli... hay kailan kaya yun?

2) minsan nakakatuwa na kahit di ka nagsasabi sa kaibigan ay nararamdaman nila na may problema ka. ayun nung naglalakad kasi ako sa may beta way, medyo napapaisip ako sa aking problema tapos bigla kong nakita sina angel at denise from afar. eh di siyempre hinanda ko na ang aking ngiti. tapos hindi ko inaasahan na sabihin nila kahit pabiro lang na "tol, pasensiya ka na ah, hindi ka namin matulungan sa problema mo..." sobrang natuwa ako nung sinabi nila yun.

3) kahit feeling ko sobrang dami ko ng kaibigan, patuloy pa rin ang pagbigay Niya sa akin ng mga panibagong kaibigan. minsan talaga, makakatagpo ka ng mga taong kahit bigla mo lang nakausap ay parang matagal na kayong magkakilala. minsan naman, may mga taong hindi mo nakakausap dati dahil takot ka sa kanila tapos bigla ka nilang kakausapin at sasabihin mo sa sarili mong, "bakit ka nga ba natatakot sa kanya eh ok naman siya?" basta kahit papano ay gumagaan ang pakiramdam ko pag may mga bago akong nakikilala.

sana dahil sa mga dahilang ito at marami pang ibang dahilan ay matapos na ang nararamdaman kong kalungkutan. yehey!

0 comment(s) :

Post a Comment