Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, August 30, 2006

outreach: the reaching out

outreach namin ngayon sa enggsoc kaya absent ako sa pagsit-in sa eee8 lecture... haha! labo! ayun, sa tambayan kanina, naglipat kami ng pansit from bilao to styro. ang daming pagkain! tipong parang may army ng pansit na nasa styro at tower ng sandwich sa mga lamesa! sa dami nga ng sandwich ay meron kahit members!!! hahaha!

after nun, nagisip kami ng mga games for sixty kids. unang naisip siyempre ay ang "the boat is sinking" after niyan... halos puro nakakaloko na yung suggestion.

(suggestion 1) sagidi-sagidi-sa-popo: siguro kinabukasan na... hindi pa rin umaabot sa pangsampung bata!!!
(suggestion 2) bring me: imagine 60 kids nagdadasaan papunta sa m.c. shieeeet! choas!
(suggestion 3) longest line: so san naman aabutin ang linyang yan?! sheeesh!
(suggestion 4) palayok: ang laman ng palayok ay yung pagkarami raming sandwich! hahaha! [it's raining bread... alleluya! it's raining bread... amen!]
(suggestion 5) sack race: wala kaming sako tapos sabi nung isa kong orgmate yung lalagyanan na lang daw ng loaf bread... kasya naman daw dun siguro yung mga bata! hahaha! ano sila fetus?! suskoooo!

pagkatapos ng nakakagagong session na ito, dumating na ang 2:00 at ayun, sumakay na kami ng inarkilang jeepney papunta sa orphanage. pagdating dun, di pa ready yung mga kids kasi may iba pang org na naghahandle sa kanila. tamang tama naman para makapagset-up kami.

ilang sandali after ng set-up nagsimula ng dumating ang mga kabataan. ang cucute nilaaaaaaaa! lalo na yung 3 little girls with the same little dresses! hehehe! cute cute! naramdaman ko nanaman ang pagnanais ko na magkaron ng kapatid... *sigh*

nung medyo marami rami na sila, nagsimula na kami ng "program" na di na rin nasunod dahil napakakulit ng mga bata!!! hehehe! pero ayos lang dahil bata naman sila. sobrang di namin sila makontrol. tipong takbo sila ng takbo tapos parang lumalaki yung ulo ko pag umaakyat sila sa kung saan dahil feeling ko lagi mahuhulog sila... woaaaahhh! tapos ayun, may isang bata... binasa yung name tag ko tapos sabi sa akin...

bata: "ate ate! pangalan mo ba ate helen?"
ako: "oo... galing mo naman! nabasa mo name ko!"
bata: (smile) "ate alam mo ba dati may social worker dito dati na ang pangalan ay ate helen rin?"
ako: "talaga?! hehehe! ang galing naman nun!"

ang galing noh? pero ayun, napaisip ako nasan na kaya yung helen na yun... tapos naisip ko siguro nangibang bansa na at nagnars... pero ayun naamaze rin ako na alam niya yung terminong social worker kahit parang 7 years old pa lang siya. ako nalaman ko na lang yan nung grade 5 ako! wahahaha!

mga 5:00 na kami natapos. grabe! kapagod! naramdaman ko nanaman yung pagod ng pagbabantay ng mga pinsan kong bata... pero masaya naman ang pakiramdam. kumbaga... wala yung pagod sa naidulot na kabutihan.

2 comment(s) :

  1. bata: (smile) "ate alam mo ba dati may social worker dito dati na ang pangalan ay ate helen rin?"

    Hehehe... ako rin kailan ko lang nalaman yang word na yan... Pero nakakalungkot isipin kasi nga, kailangan niya talagang malaman ang salitang yan nang sobrang aga... kumbaga sa atin "mama" at "papa", sa kanila, "social worker."

    ReplyDelete
  2. grabe! lalo mo akong pinalungkot T_T

    tama ang sinabi mo! huhuhu!

    ReplyDelete