.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, December 22, 2007

caroling ends today

actually, kanina pa talaga (sunday na kasi ngayon. hehehe!) this is probably my first and last caroling sa ictus. hehehe! well at least naexperience ko rin. :D

here are a few things that i will remember sa caroling:

1. traffic na nagtrigger ng mga car games
2. pag-solo ng intro sa hey santa
3. pagka-stuck sa parking nung caroling sa mga lawyers
4. lechon bread sa bahay nina miggy
5. bahay na may badminton court sa loob
6. most words out of helen game (kung alam lang nila...)
7. ang mahiwagang dart board
8. bahay na may studio sa loob
9. pagkawala sa makati
10. ang zum-zum, pu-pu-pu-pum at la-la-la-la ni julian sa diwa ng pasko!!!

... and here are some pictures.

yey! sayang, kung andito pa ako next year gusto ko uli magcaroling... :D

Friday, December 21, 2007

ms engg overnight














miss engg ang pinaka sa pinaka sa lahat ng events sa engg week. hindi ito dapat mamiss kaya maaga pa lang ay bumili na kami ng tickets. pero dahil wala pa ring ticket ang ibang kaibigan, pumuslit kami from lantern parade para pumila sa bilihan ng tickets.

grabe! mga 2 hours ata kami naghintay bago makapasok ng f.i. tinubuan na ako ng ugat di pa rin nakakapasok. tsk tsk. di talaga magaling esc sa crowd control/event handling. pero sobrang reklamador rin ng engg students kaya basta laging magulo ang lahat ng events. wahahaha!

nakakatuwa lang ang pambato ng enggsoc na si alan dahil ang bibo niya. tipong nagfly-flying kiss siya sa enggsoc always. hehehe! in fairness sa mga winners, mukha talaga silang binabae. hehehe! i love ms alchemes!!! waaaah! ang pretty/gwapo niya. hehehe!

as usual benta ang mga awards. mrs engg, ms talikodgenic and of course, ms thank you for joining. hehehehe! buti nga nawala na yung ms kurimaw eh. hahaha!

after ms engg, enggsoc party naman. pero parang nagsarili na lang rin kaming cs people + steph's cousin patice kasi ang dami ng tao dun sa place ng enggsoc. hehehe! steph ordered a pitcher of zombie kaya required uminom lahat para walang malasing at wala naman talaga. then diretso overnight sa bahay nina steph. yehey! largest overnight turn out so far. hehehe!

bago matulog, naglaro muna ng mga kalokohan. ang p-m-s, forecasting of futures at para sa mga matatag at gustong abutan pa ng sikat ng araw, ang paglitanya ng mga hinangaang tao. hehehehe! promise, wala na talagang lalabas mula dito...

pagkagising kinabukasan, magic sing naman! whooo! pero corny mga tao ngayon. nakasampung kanta na ako, wala pa ring umaagaw ng mic. hehehe! tapos jollibee for lunch. yehey! dahil bitin sa naging dinner nung enggsoc party, todo extra rice ako at maling desisyon dahil may caroling pa later that day. at before going to caroling, nag red ribbon muna kami nina dy at kristel. continuation of topic before going to sleep. wahahaha! adik lang eh. then off to caroling which is another story. the end!

Monday, December 17, 2007

a post

let me start my story with the students mass nung sunday. maganda yung homily ni father.

"When our hearts become accustomed to the absence, we become less conscious of the time. And as the day of arrival approaches, our hearts begin to beat a little faster and we become excited."

then he translated it to something like this.

"Bumibilis ang oras kapag nasasanay na ang puso."

tagos. hahaha!

after ng students mass ay nag scholars school naman ako. it was my first time to meet the scholars kasi never pa ako nakapag-scholars school nung app pa ako. our activity was about giving up something. tagos muli. wahahaha!

dahil may caroling uli nung evening, naghintay na lang kami ni kc sa tambayan. so from 3:00 - 7:00 pm ay nasa tambayan lang ako. so to kill time, i tried studying for the exam sa eee9 the next day.

when 7:00 pm came, caroling mode na uli. hehehe! that night we carolled sa isang party ng mga chinese. i'm guessing business party siya kasi they were talking about sales etc, etc. it reminded me of the company where my parents used to work for. hehehe!

nagdecide akong magsleep-over na lang sa bahay nina ice kasi parang mas makakapagpahinga ako if i slept over at her house. may simbang gabi kasi ng 4:00 am the following day. pero turned out na hindi rin! may emergency kasi na nangyari sa dad ni pat kaya we went to medical city after arriving at ice's house. pero ok na naman ata yung dad ni pat kaya yehey!

mga 1:30 na kami nakabalik sa bahay ni ice at kamusta naman kailangan namin magising ng 3:00! kaya parang mga 30 minutes lang ata yung tulog ko. hahaha! so ayun, simbang gabi. ang daming tao kahit sobrang aga ng misa. may librang breakfast din after. bibingka at puto bumbong. yehey!

after makapagalmusal tulog muna sa tambayan. tapos 8:30 pumunta ng cs building dahil akala ko may 192 pa kami. but no! akala ko lang pala yun kaya pumunta ako sa lib para subukan mag-aral pero nakatulog ako for almost 1 1/2 hours doon. grabe, dapat mahiya ako eh. pero dahil sobrang inaantok pa rin talaga ako, hindi ako nahiya sa ginawa ko. hahaha! nang magising, pumunta na lang ako ng enggsoc para gising ako habang nagaaral.

pagdating doon, may libre uli na tanghalian. yehey for me!!! aral tulog aral habang ginagawa ang aming maarteng'g tambayan. tapos lumipat kami ng eng'g theater kung saan hinohold yung singengg sensation na event din ng enggsoc. ngayon ko lang narealize na medyo stupid yung decision na doon magaral dahil medyo di makakapagconcentrate pag doon.

then exam na! nahirapan ako sa exam kasi hindi ako nakapagaral talaga ng matino as seen in my narration. hehehe! bawi na lang sa mga susunod na exam. after the exam, nood naman kami ng indakan at dahil anime ang theme, hindi ako makarelate most of the time. hehehe! meron ring time na natutulog na ako sa upuan ko. hahaha! tama ba namang gawing last performance ang enggsoc? hehehe! pero aliw ang performance ng enggsoc. hindi naman kami super nagkalat or anything.

after announcing kem as still the undefeated champions, umuwi na ako and slept on my own bed at last! hahaha! next stop... MS ENG'G!

Saturday, December 15, 2007

conversations over pizza

GO JULIE! you really looked like aaliyah sa claim to fame. galiiiiiing! i am now your fan. seryosong feeling ko dapat may place tayo.

after watching claim to fame, nagkaayaan to eat dinner and we ended up eating sa yellow cab. grabe! i really miss the people sa cs. hahaha! masaya talaga makipagkwentuhan sa kanila kasi parang anything goes. walang stupid opinion. mababaw ang kaligayahan. wahahaha! kaya nga kagabi, isa-isa naming nacover ang different topics na bigla na lang sumusulpot. from childhood na napunta sa economic situation ng bansa na napunta sa politika na napunta sa home room na napunta sa english. hahaha!

word for the night: limerence... "i limerence you" WAHAHAHA! nice one dy.

para kaming mga high sa yellow cab. nakakahiya pero it was a fun night. kaya nga 12:00 na kami nakaalis doon. hahaha! good times... good times...

Thursday, December 13, 2007

awitan 2008

[ang tagal ko na pala hindi nakapagpost... boo helen! boo! hehehe! plakda na rin kasi from practices and caroling. notice wala diyan about acads. that's another boo helen! boo! anyway, here's another post...]

this year's awitan was the most stressful of all for me kasi ako ang head. grabe, STRESS kung STRESS! hahaha! tama si jemmy, ang titigas ng ulo ng mga nag-awitan this year at siyempre kasama ako sa mga magugulong bata. hahaha!

pero in a way, i'm proud of what we have accomplished considering na super limited ng funds and resources namin. tipong total reliance on noteworthy and wala talagang tutok na tutok na professional guidance. kami-kami lang talaga and may i add na walang auditions na naganap so basta you can sing, kami bahala magimprove ng boses mo. hahaha!

we placed 6th daw overall. hindi ako makapaniwala. hahaha! mataas siya than i expected kaya super thankful na ako. saka marami din nanood sa amin this year compared to the previous years kaya sobrang thankful ulit ako. masaya rin ako kasi si katropa-wopa joanne ang head ng jpia at first sila. way to go ho-anne!!!

ayun gusto ko uli magpasalamat sa lahat ng sumuporta at nanood at nag-goodluck at lahat lahat na especially to my cs friends na naaway pa daw. ako na ang humihingi ng tawad sa naganap.

thank you at tapos na rin ang awitan with somehow good results. so now, i can officially say na retiree na ako ng awitan. hehehe! good luck sa next batches! eng'g soc, cute!

Saturday, December 08, 2007

going into depression

yesterday was a very special day. birthday ni daddy and anniversary din ng parents ko. last year, i missed it because of the awitan practice pero this year, i made it a point to be there for the most part of the day. we celebrated this day with the family sa village sa paranaque. this is the place where most despedidas and coming home sa family takes place which made our migration feel really near kaya ayun nadepress nanaman ako. i didn't want to feel this way during my parents' special day pero i can't help it. i still feel bad about leaving lots of things behind when we migrate especially my friends. grabe! ayoko na. i don't want to be depressed anymore.

Wednesday, December 05, 2007

cutter stress

grabe! i have been feeling stress the past days but definitely not because of academic matters. parang side effect na lang ang pagka-stress dahil sa acads. puro dahil sa extra-curricular and in effect napapabayaan na ang acads. ohnooo! pasaway!!! anyway, this is what happened to me the past days...

last saturday and sunday were my first ictus caroling days. though nakakapagod, masaya naman kasi it is for a good cause and i get to interact with my new orgmates pero siyempre di pa rin nasisira ang reputasyon ko bilang tahimik na tao.

on the way home from the caroling saka ko lang narealize na hindi pa kami nakakagawa ng assignment sa 192! yehey! so ayun online agad ako pagdating ng bahay but dahil nakalimutan kong paubos na rin pala ang prepaid internet ko, hindi rin ako gaano nakatulong. grabe! nakakahiya kina maryann at denise kasi pinag-ol ko pa sila. huhu! bawi na lang ako next time guys. pero di pa rin ako nakatulog agad kasi may ginawa pa ako for the ictus exhibit. wehehe!

the following day, monday, i had to go early to school para tumulong sa exhibit ng ictus. i felt that edel was already on a panic kaya i decided to cut my 192 class and cut pictures instead. wahahaha! after finishing the exhibit and attending the blessing, punta naman ako ng enggsoc dahil kailangan naman daw gumawa ng directory. so parang nagaart class na lang ako the whole day and because i only had more or less an hour of sleep, bangag na bangag ako. nakakatawa nga kasi feeling nina angel and denise may deep problem ako concerning an issue in my life. it came to a point na nagdradrama talk na kami. wahahaha! natatawa pa rin ako hanggang ngayon dahil seryosong dahil lang kulang ako sa tulog kaya ganon ako.

dahil ang sama na talaga ng pakiramdam ko, i again cut my eee 9 class meaning wala akong ipinasok na klase that day. come on! but still i proceeded with the awitan practice til 9:00pm. i had a constant mood swing that night. one minute ang happy ko, the next minute ay and sungit ko naman. sinabihan ko naman sila na masama pakiramdam ko. sana nagets nila na kaya ako nagkakaganon ay dahil sa kasamaan ng pakiramdam.

pag-uwi, KABLAG! tulog agad sa kama.

the following day napasarap naman ang tulog at nalate sa eee9 lab. hahaha! pero abot pa rin naman at ang saya dahil nalaman ko na ang lab mate ko na si eden ay may kaparehong kapalaran tulad ko. naiintindihan niya ang nararamdaman ng isang batang isang taon na lang ay tapos na pero di matatapos. at siyempre nagchikahan kami sa harap ng lab teacher namin. wahahaha! pasaway.

after nito ay sacrifish naman sa ictus. kumain kami ng lugaw. hehehe! habang kumakain, naalala ko yung version namin nito noong highschool na "lugaw for a cause." hehehe! ito ang unang araw ko in a long time na hindi kumain ng lunch together with cs friends. ang lungkot... i really miss having lunch with them on a regular basis.

my next class was natsci1 and i really need to keep myself interested in this class. yun nga lang, hindi talaga eh. ang hirap talaga magconcentrate pag large class lalo na at nadiscuss na most ng lesson sa physics series. ay grabe! ngayon ko lang narerealize kung gaano ako maghahabol.

last na kwento na ito. hahaha! last night was carstuffing. hindi ko first time maexperience mastuff sa car kasi enggsoc tried to join 2 years ago pero hanggang practice round lang kami. sumabog kasi yung window ng kotse after magpractice nung isang org. scary! this year, sa ictus naman ako pinasok pero walang nagbago dahil hanggang practice round lang uli ako nastuff. hehehe! alam niyo na ang dahilan kung bakit.

pero i was really touched with what one of the alumni said after nung first round at hindi kami yung pinakamaraming napasok, she said something like... "only 27 went in but look how many we are here. look how many are willing to sacrifice for the kids" basta mas ok yung version niya. wahahaha! basta that night was meaningful kahit 2nd place lang kami. doon ko nalaman na hindi ako nagkamali at sumali ako ng ictus. yack! ang drama na. wahaha!

so there that was what happened to me the past days and may i just mention na wala pang kalahati ito ng semester. hahaha!