.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, April 12, 2006

habang naghihintay ng y!m

grabe... antagal maginstall ng yahoo messenger ah! haha! magiisang oras na ako dito... tsk tsk! oh well, ganon naman talaga sa dial up. i need (well actually di naman talaga siya need... it's more of a want) dsl connection!!! hehe!

habang naghihintay, ako'y kasalukuyang nakikinig ng til my heartaches end ni ella mae saison. napakapangsawi ng kantang ito at nakakatanga kasi gustong gusto ko siya kahit na never ko pa naman naexperience ito. pero ayaw kong makarelate dito one day. haha! sa totoo lang ayokong magkaroon ng heartache. (shucks! ang cheesy ng sinusulat ko today... impluwensiya ito ng mga pinakikinggan ko!) haha! tapos na maginstall ang y!m! haha! tatapusin ko na rin tong post

Tuesday, April 11, 2006

morning blabbing

di umabot ng eight hours tulog ko ehehe! ako lang kasi ang tao sa bahay tapos sarado ang lahat ng pinto. eh kailangan ng ninong ko na mag email so sumisigaw siya sa labas ng bahay namin, haha! buti narinig ko kundi mamaaos siya, mahirap kasi akong magising eh.

so ayun, pagkagising ko, binuksan ko ang pinto at kahit wala sa kamalayan, kaya ko palang magbukas ng computer hanggang mag dial for internet connection. ano yun?! basic instinct ko na sa dalas ng pagcocomputer at internet?! hahaha!

talking about basic instinct, napansin ko na basic instinct ng isang tao ang maging defensive. hahaha! kagabi nagbabasa ako ng the art of war. yes, you're reading that right. nagbasa ako! woooh! haha! going on, sabi sa libro, dapat daw para manalo sa kahit anong laban, ikaw ang nasa offensive side. so kung basic instinct ng tao ang maging defensive at nananalo ang offensive side, ibig sabihin ba nito people are meant to be defeated?! haha! onoes, sana walang bumara sa akin dito na ito'y isang fallacy of some sort dahil di ko naman pinagisipan ang argument na iyon masyado. haha!

pero meron akong isang line na nagustuhan sa foreword. nakasaad dun, "the true object of war is peace." hehe! it's always nice to hear two extreme things in one sentence. parang ano yan eh, we treasure happiness because we know sadness. hahaha! ang labo. basta maganda yung extremes na nagsasama sa isang sentence.

Thursday, April 06, 2006

it's just a phase

i'm in a phase that i don't want to be in. pero di naman siya yung kalunos lunos na pakiramdam. in fact maraming tao ang gustong nasa phase na ito. wirdo lang ako kasi ayaw kong nagkakaganito ako. kanina, i was browsing my playlist sa winamp. tapos bigla kong naisipan na gumawa ng isang cd kung saan ilalagay ko yung mga gusto kong kanta. hindi ko alam kung bakit ngayon ko lang ito ginawa haha! pinapakinggan ko siya ngayon pero nasa 5th song pa lang ako. haha! kamusta naman.

while browsing, i found a certain song na siyang kinatutuwaan ko ngayon dahil sa isang certain line. yung line na yun ay "am i just seeing what i want to see." feeling ko this best describes what im going through right now. hay. sana matapos na itong phase na ito a.s.a.p. pero paano ko tatapusin kung... hay. ewan! feeling ko gugulo nanaman ng buhay kong natahimik last sem. tulad ng sabi ko sa isang kaibigan, sana matigil na itong katarantaduhang ito. i need to convince myself na its just a phase at tulad ng sabi sa kanta nakikita ko lang ang gusto kong makita kaya dapat stop na! hehehe!

Tuesday, April 04, 2006

yesterday

akala ko, my day would end normally yesterday. but i was all wrong. ang daming nangyari kahapon. grabe, hanggang ngayon di pa rin ako makarecover sa mga events. parang pagod pa ako at hirap mag isip. nakakaloko.

nagsimula ang araw ko kahapon sa lunch out namin nina dy, jaymee at dc. dapat marami pang mga kasama. kaya lang panay di pinayagan o di kaya naman ay may gagawin. sayang. pero ang masasabi ko lang, ang bait ni dy... nilibre niya kami tapos siya pa nag-aya! nakakahiya nga eh kasi hindi naman kami talaga naguusap dati. sa y!m na lang. ayun, maraming napag usapan. marami rin akong nalaman tungkol sa mga tao sa computer science. yung iba hindi ko ineexpect na ganon pala. basta, magulo! up to 2:30 kami sa pizza hut. pero di pa natatapos dun food trip namin. dumaan pa kami ng choco kiss kahapon. tapos kumain kami ng cake! ang inorder ko, choco chip cheese cake kasi i thought it was an interesting flavor. parang oreo cheese cake.

after nun, hinatid ko sina jaymee at dy sa destinations nila sa up. si dc kasi nauna na sa amin papuntang crs. tapos after ko silang ihatid dumiretso na ako papuntang cs department para sa acm meeting na siyang magiging dahilan ng maraming bagay na mangyayari sa akin later on sa gabing iyon. kung ano ang mga bagay na yun, ayaw ko nang ilagay dito. ang alam ko lang, siguro isa siya sa mga gabing hindi ko makakalimutan. para siyang isang stone na tinapon sa lake na tahimik at biglang maraming ripples na nagawa.

Saturday, April 01, 2006

meeting old and new people

kakagaling ko lang ng megamall. hehe! kakapagod magskate... ang sakit pa rin ng paa ko hanggang ngayon. in fairness, ngayon na lang uli ako nakapagskate after about a decade?! shiesh! pero fun naman! hehe! at least once lang ako nabagsak sa floor...

nakakatuwa pa kasi may unexpected person pa akong nakita. about a meter away dun sa kinatatayuan ko 15 minutes after i first stepped into the rink... nakita ko ang aking long lost highschool kabarkada... si leanne! hehe! nagdalawang isip pa akong lapitan kasi may twin sister siya na si maan... eh sa tagal naming di nagkita naghehesitate ako kung siya nga yun... although alam ko naman yung difference nila... still... mahirap nang sumablay ehe! pero nung medyo nakita ko na ang kanyang familiar mannerisms and all... yun na nilapitan ko na siya... at sa gitna ng rink ay nagsigawan kami... "leanne!" "helen!" hehe! parang mga baliw... well ganon talaga pag matagal di nagkita... miss ko na rin yun... hehe! last time i saw her kasi... christmas time pa... uber tagal na. tapos wala pa kaming balita about her sa yahoo groups... hehehe! anyway... wala kaming masyadong napagusapan kasi we were with two different sets of people. eh i don't wanna keep her from her friends naman kaya konti lang napagusapan namin. besides, feeling ko magkikita kami before summer ends. hehe!

so yun, ang kasama ko ay mga 2nd year cs people. sina david, kristel, james, alvin, hanna, dc and van... later on humabol si rj arce. hehe! at first... medyo manginig nginig paa ko pag apak sa ice. hehe! kinakabahan kasi ako... ayokong sumemplang. bukod sa masakit, nakakahiya na yung mga batang years younger than me ay kayang mag spin and all samantalang ako ay sumesemplang. ehehehe! pero later on naka adjust na rin. yun nga lang, narealize ko na totally nakalimutan ko na kung paano magskate. as in parang i had to learn it all over again. heheh!

after ng skating, wala na halos nangyari sa amin... naupo na lang kami sa bench dun sa may bench (tm) hehe! nagkwentuhan na lang kami at nagkulitan. hehe! ang saya rin pala kausap ni kristel. don ko lang rin nalaman na we almost have the same hs background. ang mas masaya dun, may mas matanda na sa aking babae sa cs batch! bwahahahaha! yeah! i thought this day would never come... i'm sooooo happy... haha! babaw.

hayyy... sana maulit... sana mameet ko buong batch! hehe! uber friendly eh noh?! pero its always nice to meet new people. malay mo, may mas matanda pa kay kristel?! hehe! jokers... ang totoo niyan... matagal ko nang inaasahan na mangyari yun kasi maraming misconceptions about people sa batch and what better way to correct these than to make everyone know each other a little better!!! hehe! (kung may batch rep man na magbabasa nito... sana matupad ang munting pangarap na ito... ehehe! tamang gawing pangarap ang bagay na ito?! hehe!)

Monday, March 27, 2006

three in one day

three finals in one day! can anyone beat that?! 2 majors, 1 absurdly hard g.e. and just one and a half day to study. with my mega cramming powers, i was able to beat the evil forces of illogical scheduling of exams.

akala ko masisiraan ako ng bait sa pagbasa ng isang dangkal ng readings pero buti na lang, nakayanan ko pa. mataas pa pala ang threshold ng utak ko sa mga ganong bagay. hehe! medyo matino naman ang pagsagot sa exam mapuwera sa physics kasi parang naubos lahat ng formula sa utak ko pagbasa ng number 1 kaya umabot ako sa paggamit ng dimensional analysis at pagshade ng letter b para lang makasagot sa mga tanong.

i'm so happy. i'm freeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!! my time is back in my hands!!!!

Sunday, March 19, 2006

laro++

although masakit ang ulo ko ngayon at gustong gusto ko ng matulog... kailangan kong magpost ng tungkol sa araw na ito. hindi ko talaga ineexpect na mageenjoy ako sa laro++! kahit na nakakapagod at naging cause siya ng aking headache ngayon kaya di ako makapagaral, uulit ulitin ko ang araw na ito. nakakatuwa kasi kahit mababaw ang laro at konti lang ang pumunta, para sa akin, naachieve namin yung sa tingin ko ay dapat mangyari at ito ay ibond ang mga members. well, in this case, ang nabond lang ay yung mga andon.

pagkatapos ng laro++ ay yung pangyayari na gusto ko sanang takasan, ang miting de avance. in fairness, may na plot akong plan of action para gawin ito. balak ko sanang magpasundo right after nung laro++ para lusot sa miting de avance. haha! pero nakakahiya naman kaya di ko na lang tinuloy. as expected, maraming tinanong sa amin at hindi ako makapaniwalang nakasagot ako sa mga tanong nila. pero ang di ko talaga makakalimutan na tanong (pero ineexpect ko na itatanong rin) ay yung sa current scholastic standing namin. hahaha! siyempre ang aking award winning na answer ay... "honestly, ako ang pinakabano sa kanilang lahat... nagkaron na kasi ako ng bagsak, 4 at incomplete... actually lahat ng grades naexperience ko na... pero ok lang naman" hahaha! ewan, pero this fact doesn't bother me at all kahit pa yung mga kasama ko nung iniinterview kami ay mga ubod na tatalinong mga tao.

pero kanina ang mga sumusunod na feeling na ito made my day:
1) kahit alam mong patapon ka compared sa mga taong nasa paligid mo still there's a tiny voice inside you telling you na you stand a chance,
2) you know what to say kahit na you're unprepared,
3) people whom you deeply respect agree with what you're saying,
4) someone quotes what you say and
5) you feel important

i would like to end this post with the conversation i had with someone the day i was nominated for the acm council

me: "errr, someone, nanominate ako sa position ng acm council"
someone : "talaga...?! sana wag kang manalo"