Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, April 11, 2006

morning blabbing

di umabot ng eight hours tulog ko ehehe! ako lang kasi ang tao sa bahay tapos sarado ang lahat ng pinto. eh kailangan ng ninong ko na mag email so sumisigaw siya sa labas ng bahay namin, haha! buti narinig ko kundi mamaaos siya, mahirap kasi akong magising eh.

so ayun, pagkagising ko, binuksan ko ang pinto at kahit wala sa kamalayan, kaya ko palang magbukas ng computer hanggang mag dial for internet connection. ano yun?! basic instinct ko na sa dalas ng pagcocomputer at internet?! hahaha!

talking about basic instinct, napansin ko na basic instinct ng isang tao ang maging defensive. hahaha! kagabi nagbabasa ako ng the art of war. yes, you're reading that right. nagbasa ako! woooh! haha! going on, sabi sa libro, dapat daw para manalo sa kahit anong laban, ikaw ang nasa offensive side. so kung basic instinct ng tao ang maging defensive at nananalo ang offensive side, ibig sabihin ba nito people are meant to be defeated?! haha! onoes, sana walang bumara sa akin dito na ito'y isang fallacy of some sort dahil di ko naman pinagisipan ang argument na iyon masyado. haha!

pero meron akong isang line na nagustuhan sa foreword. nakasaad dun, "the true object of war is peace." hehe! it's always nice to hear two extreme things in one sentence. parang ano yan eh, we treasure happiness because we know sadness. hahaha! ang labo. basta maganda yung extremes na nagsasama sa isang sentence.

0 comment(s) :

Post a Comment