Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, April 01, 2006

meeting old and new people

kakagaling ko lang ng megamall. hehe! kakapagod magskate... ang sakit pa rin ng paa ko hanggang ngayon. in fairness, ngayon na lang uli ako nakapagskate after about a decade?! shiesh! pero fun naman! hehe! at least once lang ako nabagsak sa floor...

nakakatuwa pa kasi may unexpected person pa akong nakita. about a meter away dun sa kinatatayuan ko 15 minutes after i first stepped into the rink... nakita ko ang aking long lost highschool kabarkada... si leanne! hehe! nagdalawang isip pa akong lapitan kasi may twin sister siya na si maan... eh sa tagal naming di nagkita naghehesitate ako kung siya nga yun... although alam ko naman yung difference nila... still... mahirap nang sumablay ehe! pero nung medyo nakita ko na ang kanyang familiar mannerisms and all... yun na nilapitan ko na siya... at sa gitna ng rink ay nagsigawan kami... "leanne!" "helen!" hehe! parang mga baliw... well ganon talaga pag matagal di nagkita... miss ko na rin yun... hehe! last time i saw her kasi... christmas time pa... uber tagal na. tapos wala pa kaming balita about her sa yahoo groups... hehehe! anyway... wala kaming masyadong napagusapan kasi we were with two different sets of people. eh i don't wanna keep her from her friends naman kaya konti lang napagusapan namin. besides, feeling ko magkikita kami before summer ends. hehe!

so yun, ang kasama ko ay mga 2nd year cs people. sina david, kristel, james, alvin, hanna, dc and van... later on humabol si rj arce. hehe! at first... medyo manginig nginig paa ko pag apak sa ice. hehe! kinakabahan kasi ako... ayokong sumemplang. bukod sa masakit, nakakahiya na yung mga batang years younger than me ay kayang mag spin and all samantalang ako ay sumesemplang. ehehehe! pero later on naka adjust na rin. yun nga lang, narealize ko na totally nakalimutan ko na kung paano magskate. as in parang i had to learn it all over again. heheh!

after ng skating, wala na halos nangyari sa amin... naupo na lang kami sa bench dun sa may bench (tm) hehe! nagkwentuhan na lang kami at nagkulitan. hehe! ang saya rin pala kausap ni kristel. don ko lang rin nalaman na we almost have the same hs background. ang mas masaya dun, may mas matanda na sa aking babae sa cs batch! bwahahahaha! yeah! i thought this day would never come... i'm sooooo happy... haha! babaw.

hayyy... sana maulit... sana mameet ko buong batch! hehe! uber friendly eh noh?! pero its always nice to meet new people. malay mo, may mas matanda pa kay kristel?! hehe! jokers... ang totoo niyan... matagal ko nang inaasahan na mangyari yun kasi maraming misconceptions about people sa batch and what better way to correct these than to make everyone know each other a little better!!! hehe! (kung may batch rep man na magbabasa nito... sana matupad ang munting pangarap na ito... ehehe! tamang gawing pangarap ang bagay na ito?! hehe!)

0 comment(s) :

Post a Comment