akala ko, my day would end normally yesterday. but i was all wrong. ang daming nangyari kahapon. grabe, hanggang ngayon di pa rin ako makarecover sa mga events. parang pagod pa ako at hirap mag isip. nakakaloko.
nagsimula ang araw ko kahapon sa lunch out namin nina dy, jaymee at dc. dapat marami pang mga kasama. kaya lang panay di pinayagan o di kaya naman ay may gagawin. sayang. pero ang masasabi ko lang, ang bait ni dy... nilibre niya kami tapos siya pa nag-aya! nakakahiya nga eh kasi hindi naman kami talaga naguusap dati. sa y!m na lang. ayun, maraming napag usapan. marami rin akong nalaman tungkol sa mga tao sa computer science. yung iba hindi ko ineexpect na ganon pala. basta, magulo! up to 2:30 kami sa pizza hut. pero di pa natatapos dun food trip namin. dumaan pa kami ng choco kiss kahapon. tapos kumain kami ng cake! ang inorder ko, choco chip cheese cake kasi i thought it was an interesting flavor. parang oreo cheese cake.
after nun, hinatid ko sina jaymee at dy sa destinations nila sa up. si dc kasi nauna na sa amin papuntang crs. tapos after ko silang ihatid dumiretso na ako papuntang cs department para sa acm meeting na siyang magiging dahilan ng maraming bagay na mangyayari sa akin later on sa gabing iyon. kung ano ang mga bagay na yun, ayaw ko nang ilagay dito. ang alam ko lang, siguro isa siya sa mga gabing hindi ko makakalimutan. para siyang isang stone na tinapon sa lake na tahimik at biglang maraming ripples na nagawa.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment