.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, April 04, 2006

yesterday

akala ko, my day would end normally yesterday. but i was all wrong. ang daming nangyari kahapon. grabe, hanggang ngayon di pa rin ako makarecover sa mga events. parang pagod pa ako at hirap mag isip. nakakaloko.

nagsimula ang araw ko kahapon sa lunch out namin nina dy, jaymee at dc. dapat marami pang mga kasama. kaya lang panay di pinayagan o di kaya naman ay may gagawin. sayang. pero ang masasabi ko lang, ang bait ni dy... nilibre niya kami tapos siya pa nag-aya! nakakahiya nga eh kasi hindi naman kami talaga naguusap dati. sa y!m na lang. ayun, maraming napag usapan. marami rin akong nalaman tungkol sa mga tao sa computer science. yung iba hindi ko ineexpect na ganon pala. basta, magulo! up to 2:30 kami sa pizza hut. pero di pa natatapos dun food trip namin. dumaan pa kami ng choco kiss kahapon. tapos kumain kami ng cake! ang inorder ko, choco chip cheese cake kasi i thought it was an interesting flavor. parang oreo cheese cake.

after nun, hinatid ko sina jaymee at dy sa destinations nila sa up. si dc kasi nauna na sa amin papuntang crs. tapos after ko silang ihatid dumiretso na ako papuntang cs department para sa acm meeting na siyang magiging dahilan ng maraming bagay na mangyayari sa akin later on sa gabing iyon. kung ano ang mga bagay na yun, ayaw ko nang ilagay dito. ang alam ko lang, siguro isa siya sa mga gabing hindi ko makakalimutan. para siyang isang stone na tinapon sa lake na tahimik at biglang maraming ripples na nagawa.

Saturday, April 01, 2006

meeting old and new people

kakagaling ko lang ng megamall. hehe! kakapagod magskate... ang sakit pa rin ng paa ko hanggang ngayon. in fairness, ngayon na lang uli ako nakapagskate after about a decade?! shiesh! pero fun naman! hehe! at least once lang ako nabagsak sa floor...

nakakatuwa pa kasi may unexpected person pa akong nakita. about a meter away dun sa kinatatayuan ko 15 minutes after i first stepped into the rink... nakita ko ang aking long lost highschool kabarkada... si leanne! hehe! nagdalawang isip pa akong lapitan kasi may twin sister siya na si maan... eh sa tagal naming di nagkita naghehesitate ako kung siya nga yun... although alam ko naman yung difference nila... still... mahirap nang sumablay ehe! pero nung medyo nakita ko na ang kanyang familiar mannerisms and all... yun na nilapitan ko na siya... at sa gitna ng rink ay nagsigawan kami... "leanne!" "helen!" hehe! parang mga baliw... well ganon talaga pag matagal di nagkita... miss ko na rin yun... hehe! last time i saw her kasi... christmas time pa... uber tagal na. tapos wala pa kaming balita about her sa yahoo groups... hehehe! anyway... wala kaming masyadong napagusapan kasi we were with two different sets of people. eh i don't wanna keep her from her friends naman kaya konti lang napagusapan namin. besides, feeling ko magkikita kami before summer ends. hehe!

so yun, ang kasama ko ay mga 2nd year cs people. sina david, kristel, james, alvin, hanna, dc and van... later on humabol si rj arce. hehe! at first... medyo manginig nginig paa ko pag apak sa ice. hehe! kinakabahan kasi ako... ayokong sumemplang. bukod sa masakit, nakakahiya na yung mga batang years younger than me ay kayang mag spin and all samantalang ako ay sumesemplang. ehehehe! pero later on naka adjust na rin. yun nga lang, narealize ko na totally nakalimutan ko na kung paano magskate. as in parang i had to learn it all over again. heheh!

after ng skating, wala na halos nangyari sa amin... naupo na lang kami sa bench dun sa may bench (tm) hehe! nagkwentuhan na lang kami at nagkulitan. hehe! ang saya rin pala kausap ni kristel. don ko lang rin nalaman na we almost have the same hs background. ang mas masaya dun, may mas matanda na sa aking babae sa cs batch! bwahahahaha! yeah! i thought this day would never come... i'm sooooo happy... haha! babaw.

hayyy... sana maulit... sana mameet ko buong batch! hehe! uber friendly eh noh?! pero its always nice to meet new people. malay mo, may mas matanda pa kay kristel?! hehe! jokers... ang totoo niyan... matagal ko nang inaasahan na mangyari yun kasi maraming misconceptions about people sa batch and what better way to correct these than to make everyone know each other a little better!!! hehe! (kung may batch rep man na magbabasa nito... sana matupad ang munting pangarap na ito... ehehe! tamang gawing pangarap ang bagay na ito?! hehe!)

Monday, March 27, 2006

three in one day

three finals in one day! can anyone beat that?! 2 majors, 1 absurdly hard g.e. and just one and a half day to study. with my mega cramming powers, i was able to beat the evil forces of illogical scheduling of exams.

akala ko masisiraan ako ng bait sa pagbasa ng isang dangkal ng readings pero buti na lang, nakayanan ko pa. mataas pa pala ang threshold ng utak ko sa mga ganong bagay. hehe! medyo matino naman ang pagsagot sa exam mapuwera sa physics kasi parang naubos lahat ng formula sa utak ko pagbasa ng number 1 kaya umabot ako sa paggamit ng dimensional analysis at pagshade ng letter b para lang makasagot sa mga tanong.

i'm so happy. i'm freeeeeeeeeeeeeeeeeeeeee!!!!!!!!!!! my time is back in my hands!!!!

Sunday, March 19, 2006

laro++

although masakit ang ulo ko ngayon at gustong gusto ko ng matulog... kailangan kong magpost ng tungkol sa araw na ito. hindi ko talaga ineexpect na mageenjoy ako sa laro++! kahit na nakakapagod at naging cause siya ng aking headache ngayon kaya di ako makapagaral, uulit ulitin ko ang araw na ito. nakakatuwa kasi kahit mababaw ang laro at konti lang ang pumunta, para sa akin, naachieve namin yung sa tingin ko ay dapat mangyari at ito ay ibond ang mga members. well, in this case, ang nabond lang ay yung mga andon.

pagkatapos ng laro++ ay yung pangyayari na gusto ko sanang takasan, ang miting de avance. in fairness, may na plot akong plan of action para gawin ito. balak ko sanang magpasundo right after nung laro++ para lusot sa miting de avance. haha! pero nakakahiya naman kaya di ko na lang tinuloy. as expected, maraming tinanong sa amin at hindi ako makapaniwalang nakasagot ako sa mga tanong nila. pero ang di ko talaga makakalimutan na tanong (pero ineexpect ko na itatanong rin) ay yung sa current scholastic standing namin. hahaha! siyempre ang aking award winning na answer ay... "honestly, ako ang pinakabano sa kanilang lahat... nagkaron na kasi ako ng bagsak, 4 at incomplete... actually lahat ng grades naexperience ko na... pero ok lang naman" hahaha! ewan, pero this fact doesn't bother me at all kahit pa yung mga kasama ko nung iniinterview kami ay mga ubod na tatalinong mga tao.

pero kanina ang mga sumusunod na feeling na ito made my day:
1) kahit alam mong patapon ka compared sa mga taong nasa paligid mo still there's a tiny voice inside you telling you na you stand a chance,
2) you know what to say kahit na you're unprepared,
3) people whom you deeply respect agree with what you're saying,
4) someone quotes what you say and
5) you feel important

i would like to end this post with the conversation i had with someone the day i was nominated for the acm council

me: "errr, someone, nanominate ako sa position ng acm council"
someone : "talaga...?! sana wag kang manalo"

Friday, March 17, 2006

badtrip

test tomorrow sa physics 71! ang stupid ko talaga! hindi ako nakakuha ng sample exam! nung isang araw ko pa pinapaalala sa sarili ko na kumuha pero look at me now!!! wala akong sample exam sa kamay ko! argh! naalala ko na lang siya kanina nung nakasakay na ako ng jeep ng katipunan... eh hello?! alangan namang bumalik uli ako ng u.p. para lang sa sample exam! argh talaga! naaasar ako sa sarili ko!

ang badtrip pa kasi di pumasok yung dalawa naming kagrupo sa mul9 so wala kami halos napractice today!!! eh balita ko medyo heavy yung weight ng performance exam namin dun sa grade namin! napaka insensitive nila... kung sila gusto nilang bumagsak... ako ayaw ko noh! and of all things! ayaw kong bumagsak sa MUSIC!!! bwisit!

isa pang kakabadtripan! di ko alam na may meeting ngayon sa acm!!! argh! nakakahiya na talaga sa kanila! ilang meeting na namiss ko?! sabi na kasing dapat di na lang ako nanominate dun... para tuloy wala akong kwentang tao... dyahe!

hay... tama na nga yang negative things! anyway, dalawang linggo na lang, konting tiis na lang... tapos na ang lahat ng test ngayong sem... pwera na lang kung magreremovals man ako sa isa sa mga subjects ko ngayon (na ayaw kong mangyari!!!) ehehe! sana maayos ang kalabasan ng lahat ng exams ko...

Monday, March 13, 2006

unexpected semester

malapit na matapos 2nd year life! wohooooo! kala ko i'll never make it to the end. pero look! i'm still standing! yun nga lang medyo nag lilimp na ako... hahaha!

maraming nangyari the previous semester. first of all, i gained a lot of new friends. most of them coming from g10. masasabi ko na mas naging close block namin kahit papano this sem. almost lahat kasi magkakaklase sa cs 32 at math 157. hehe! ang dalawang subjects na ito ang lagi kong niloolook forward kada-linggo kasi masaya siya before dumating ang teacher. walang tigil na tawanan! todo laugh trip... hehe!

pangalawa na nangyari ngayong sem ang pagsabak ko sa mga unexpected things. una na dito ang pagsali sa awitan at pagkapanalo ng third place. pangalawa ang isang malaking joketime na pagkanominate sa akin sa acm council. pangatlo ang pagkakasali ko sa cs32 quiz bee na ako lang magisa against teams of two's. pang-apat... homn... wala na akong alam. hehe!

third in my list ay ang pagsasaayos ko sa pagaaral ko. hehe! well hindi naman talaga siya maayos to the max pero its a good start na rin for this year. medyo mas masipag ata ako ngayon compared to the previous years noh!!! promise... kahit ako nagugulat sa sarili ko kung gaano ako nagseseryoso minsan sa pagaaral. hehehe!

so these were the highlights of the semester. in fairness, akala ko magiging dull ang buhay ko dahil medyo nagkawatak watak nga kami ng tropa wopa this sem pero nooooo! it was the most colorful semester so far. i hope next sem would be as fun as this one. i hope nandito pa ako next sem... kahit na alam ko in the deepest chambers of my heart na hindi talaga para sa akin ang cs... ok lang dahil it's nice to be around fun people and things!!! yey!

Tuesday, March 07, 2006

see you around team leader

bukas, huling araw na namin sa c.w.t.s. 2, hindi ako mapakali kasi nalulungkot ako. isang taon ko rin silang nakasama sa tawanan at damayan. obviously, hindi ko makakalimutan ang mga araw that i've spent with these people.

nung isang araw, tinawag kami ni sir andre para i measure katawan namin nina jaymee at angelica... has something to do ata with i.e. club. tapos nabanggit niya na minention daw nung isang junior instructor na ayos daw grupo namin. bukod sa totoong may ginagawa, nag-au2tomatic belaying kami. at get this, gusto daw niya pumasok na maaga bukas dahil excited daw siya sa helicopter!!! gusto ko sanang itanong kay sir andre "ok lang kayo kuya? anong nakain niyo?! ha? ha?" ehehe! pero kahit ganon yun, medyo mamimiss ko rin yun. kahit na hindi naman talaga close grupo namin sa kanya. kahit na hindi na kami gaanong nagkita ngayong semester. mamimiss rin namin yun kasi kami ang ever-loyal fans ni master rappeler. ehehe!

i can't imagine my third year (yes, i wish na mag third year ako) without c.w.t.s. masyado na siyang na instill sa sistema ko na parang kulang na pag wala siya. hay, nakakalungkot talaga. mamimiss ko talaga everything about c.w.t.s. sa totoo lang i always look forward to wednesdays (kahit na minsan ay may test pa kami sa c.s. 32) dahil sa kanila.

it's hard to say goodbye to friends. kaya see you around na lang team leader kahit na alam nating it wouldn't be the same. thanks for the happy memories.