Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, March 17, 2006

badtrip

test tomorrow sa physics 71! ang stupid ko talaga! hindi ako nakakuha ng sample exam! nung isang araw ko pa pinapaalala sa sarili ko na kumuha pero look at me now!!! wala akong sample exam sa kamay ko! argh! naalala ko na lang siya kanina nung nakasakay na ako ng jeep ng katipunan... eh hello?! alangan namang bumalik uli ako ng u.p. para lang sa sample exam! argh talaga! naaasar ako sa sarili ko!

ang badtrip pa kasi di pumasok yung dalawa naming kagrupo sa mul9 so wala kami halos napractice today!!! eh balita ko medyo heavy yung weight ng performance exam namin dun sa grade namin! napaka insensitive nila... kung sila gusto nilang bumagsak... ako ayaw ko noh! and of all things! ayaw kong bumagsak sa MUSIC!!! bwisit!

isa pang kakabadtripan! di ko alam na may meeting ngayon sa acm!!! argh! nakakahiya na talaga sa kanila! ilang meeting na namiss ko?! sabi na kasing dapat di na lang ako nanominate dun... para tuloy wala akong kwentang tao... dyahe!

hay... tama na nga yang negative things! anyway, dalawang linggo na lang, konting tiis na lang... tapos na ang lahat ng test ngayong sem... pwera na lang kung magreremovals man ako sa isa sa mga subjects ko ngayon (na ayaw kong mangyari!!!) ehehe! sana maayos ang kalabasan ng lahat ng exams ko...

0 comment(s) :

Post a Comment