Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, November 24, 2007

b.s. org

awitan practices has finally started last friday. nung very first meeting namin (na natuloy...) muntik na akong maiyak sa enthusiasm na nakita ko from the members. sheet! wahaha! ang melodramatic ko na talaga. hahaha!

ayun so for the first day of practice, we had sab to teach us. yehey for hyper teacher sab. come on. may class siya from 4-6 pero from 6:30 til 9:00 ay hyper-hyperan siya. kamusta naman? hahaha! pero ayun buti nakuha namin si sab to teach us kasi magaling talaga siya magturo. as in tipong kahit hyper siya ay papakinggan mo pa din. nyahaha!

the following day (which is kanikanina lang), ay nagCLA naman ako. hehehe! it was nice to see the kids again. super story telling ulit kanina at lumabas ang pamulatan powers ko. haha! pero nabother ako dun sa isang bata kanina. kasi paiyak na siya tapos tinanong ko kung bakit. nawala daw kasi yung lapis niya at baka daw mabugbog siya ng nanay niya. di ko alam gagawin ko. umuwi na kasi lahat ng bata kaya di ko na mahahabol kung sino man yung nakakuha nung lapis niya. wala rin naman akong lapis para ipangpalit sa nawala niya. kaya sinulatan ko na lang nanay niya. ewan ko kung bakit yun ang ginawa ko. basta sana hindi siya nabugbog o kung ano man...

hay grabe! tulad ng sinabi ko dati, kahit medyo napapagod ako sa mga pinaggagagawa ko, ok lang dahil gusto ko naman...

0 comment(s) :

Post a Comment