Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, November 10, 2007

mindoro oriental

when i went home last wednesday night from the acm meeting, nagulat na lang ako dahil aalis na daw kami and were off to monte vista. ohnooo! ang pagkakaalam ko kasi, thursday morning pa ang alis papuntang mindoro. pero hindi! nagdecide sila bigla na magstop-over na lang sa monte vista the night before para kaunti na lang ang ibiyabiyahe namin in the morning. so fine! tinambak ko na lang yung gamit ko dahil di ko pa naayos at nagmamadali na ang lahat umalis lalo na ang mga pinsan kong atat magswimming. hahaha!

umalis kami ng 9:00pm sa cainta at dumating ng 11:00pm sa calamba, laguna. at dahil nga gusto talaga nila lumangoy, hatinggabi na ay nagswimming pa mga pinsan ko sa pool. yes! mga pasaway lang. hahaha! 2:00am na kami nakatulog lahat then by 5:00am gising na uli, breakfast at mga 7:00am off we go to the seaport para sumakay ng ship to mindoro. ang sarap sumakay sa barko. hahaha! we were watching out for dolphins pero wala kaming nakita... sad :(

the view from the ship

we arrived mindoro oriental around noontime. sa naujan ang place ng mga nanay ko. when we got to naujan, nagsimula na ang mga kwento nila about people and places. hehehe! nakakatuwa lang. parang nabring back sa childhood nila mga nanay ko at kapatid niya.

doon kami sa naujan nagstay for 3 days and 2 nights sa bahay nina abel at afoy, mga kapatid ng lolo ko. hehehe! ang cute ng bahay nila. pangarap kong magkaroon ng ganitong bahay.


entrance to the garden

bahay kubo...

me and my cousins: (back) aaron & i
(front) maru & aica
(photographer) ica

me and the poso

nung first day, nanghuli kami ng isda at naglolokohan na yung nahuli namin ay siyang hapunan namin. hahaha! ang nanay at tatay ko ay umasa sa huli ko eh 3 lang nahuli ko kaya sakto lang sa amin ang huli. hahaha! ang kulit! dinayo rin namin ang dagat pero di kami gaano nakalangoy dahil malakas ang current. kaya ayun literal na nagpadala na lang kami sa daloy. hahaha!

come fishiees!!!

my first catch! whoohoo! ang liit!

look ma! i'm floating!!! ~ pahinga sa duyan after fishing

the following day, sinubukan namin sumakay ng dalawang bagay. una, ng bisikleta. oo, hindi ako marunong sumakay ng bisikleta... at hanggang ngayon ay di pa rin marunong. hahaha! turuan niyo ako please!!! pangalawa, ng kalabaw. pero di ko na sinubukan kasi buntis siya at baka bigla siyang mapaanak pag ako ang sumakay. wahahaha! dumalaw rin kami sa ibang mga kamag-anak. grabe! parang isang street puro kamag-anak lang namin yung mga nakatira. hahaha! ang saya!!!

kinagabihan, naglaro kami ng mga pinsan ko ng black jack kung saan nanay ko ang bangka. ang masasabi ko lang, wala na akong allowance sa naganap. hahaha! masamang maging bangka ang magulang. boohoo!

uwi na uli ng maynila ng ika-third day pero di nagtapos dito ang fun and excitement dahil habang nakasakay ng ship ay biglang may dumaan na isang kumpol ng dolphins! yahooooo! hehehe! darnit! ang cute nila. gusto ko magkaron ng pet dolphin. hahaha!


splash na lang nila ang nakita sa ibang dolphins. hahaha!

dito nagtatapos ang aking sembreak. this was a perfect way to end it. in the province with my family. awww.

0 comment(s) :

Post a Comment