sabi nila pag nagpapagupit daw ang tao, may problema o di kaya turning a new leaf sa buhay. nagpagupit ako kanina. hindi dahil problematic ako. hindi dahil may bagong chapter sa buhay ko. ang dahilan? inutusan lang ako ng nanay ko na magpagupit. mukha na daw kasi akong bruha. hehehe!
so nagpagupit na nga ako kanina at everytime nagpapagupit ako, nagwowonder ako kung paano nachichika nung mga customers yung mga nanggugupit sa kanila. iniinitiate ba nung manggugupit ng buhok yung conversation? o yung customer? kasi kung yung manggugupit ng buhok ang nangchichika, there might be something wrong with me. hindi kasi nila ako chinichika. most of the time pag nagpapagupit ako, pinapanood ko lang sila manggupit ng buhok. hehehe! tapos habang nanonood ako iniisip ko kung kinakabahan ba sila pag pinapanood sila? kasi kung kinakabahan sila, baka makalbo nila ako ng di oras. wahahaha!
natatandaan ko tuloy nung bata ako. nagexperiment ako. ginupit ko yung bangs ko kasi humaba na siya. edi ginupit ko na nga. eh hindi pantay. so gupit ako ulit. gupit ako ng gupit kasi di naman ako barbero para magawa kong pantay. hanggang sa sobrang ikli na niya na tumayo na siya. wahahaha! nagalit sa akin nun yung nanay ko. kaya ayun mga isang taon rin ako nakaheadband na makapal para matago yung nakatayo kong buhok sa may noo. hehehe!
so ayan na nga. may bago akong gupit. pero parang pareho lang rin sa mga gupit ko dati so it's not at all exciting. saka na ako magpapakaadventurous sa hairstyle pag matanda na ako. wahahaha!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
hehe, walang pic? :)
ReplyDeletenaku, edi pano yun, lagi akong may new leaf kasi lagi akong nagpapagupit? :D
sorry wala eh. i'm not that vain you know? :P
ReplyDeleteuhm, applicable lang ata yan sa babae...? hehehe! pero kung gusto mong isipin na ganon eh di lagi ka ngang may new leaf...