Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, October 22, 2007

shooting star

after a very long time ay nakaapak uli ako sa beach! sa la union kasi nag semender ang ictus at sumama naman ako. wehehe! pero hindi pa rin nagbabago na tahimik lang talaga ako pag kaharap ko ang mga ictusian. nabibingi na nga ata sila sa katahimikan ko eh. wahaha!

dahil tahimik nga lang ako, most of the time ay pinakikinggan ko lang ang mga hiritan nila. ewan, ang lalakas lang nila mangasar sa isa't-isa. wahaha! buti na lang walang pikon sa kanila kundi gulo na aabutin nila.

bukod sa panonood at minsan ay pagkasangkot sa kanilang hiritan, siyempre nagswim rin sa dagat. para saan pang beach ang pinuntahan? hehehe! ang saya magpatangay sa waves pero ngayon ko lang nararamdaman yung sakit ng katawan ko. hehehe!

actually, nagsalita naman pala ako pero sa gabi lang ako nagsasalita. wahahaha! totoo ang kasabihang nagpapalakas ng loob ang alcohol. pero di naman madaming alcohol. may kasabihan rin kasing drink moderately. wehehehe!

pero ang pinakamasayang naganap sa lahat ay nakakita na rin ako sa wakas ng shooting starrr! yehey! yehey! hindi pa kasi ako nakakakita kahit nakapagstar gazing na kami noon. pero, pero, pero! hindi naman ako nakapagwish. hahaha! sayang. oh well, sana makaspot pa uli ako ng shooting star...

naging masaya naman ang semender. although yun nga di pa rin ako nagsasalita. wahahaha!

0 comment(s) :

Post a Comment