after 2 loooong exams sa (bwisit na) accounting 1 at (bat ganon ang exam sa) eee 8, dumiretso ako ng ictus upang makikanta dun sa harana kay maria. on the way there, nabanggit ko na "malapit na mag-awitan. masaya nanaman ang buhay" tapos nagreact si angel. "masaya ka dun?" ang sagot ko "oo, masaya ako pag kumakanta." ewan, masaya talaga pag kumakanta.
may anticipated mass before nung event. namention ni fr. jboy ang magis kaya nagmala-ateneo ang tema ng misa. hehehe! magaling yung kumantang choir nung misa. hindi ko alam kung sino sila basta magaling sila. hehehe! mini concert pala yung naganap na harana kay maria. nakacostume galore pa yung mga ibang choir. hehehe! tapos basta parang handang handa sila with their "o" voices. pinakauna pang kinanta ay the prayer. kamusta naman sa gradioso nilang kabosesan. nakakaintimidate lang. pero kahit papaano ay mukhang ok naman yung kinanta namin na iyung-iyo na ngayun-ngayon ko lang natutunan. after nun ay napasama kami ng aking co-app na si beth sa pagkain ng dinner kung saan hindi nanaman kami umimik. wahaha! napuputulan talaga ako ng dila pag di gaano kakilala ang mga tao sa paligid.
dahil meron akong memory gap, hindi ko na maalala yung pangalan ng kinainan namin. basta middle eastern food kaya medyo maonion and this means hello bad breath. pwede ng excuse ng di pagsasalita. wahaha! wala naman rin kasing masasabi kaya tahimik na lang.
nakauwi na ako't lahat, may lss pa rin ako ng iyung-iyo alto part kaya weird pa pakinggan. wahaha!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment