Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, October 14, 2007

breath of fresh air

it was actually a spur of the moment decision na sumama sa enggsoc semender and talents night yesterday sa antipolo. before ng accounting exam, nagpaalam ako kay james na hindi ako aattend ng meeting para dito. bigla ko lang kasing naramdaman na kailangan ko ng break. kaya ayun kahit wala akong kasamang cs enggsoc people na kayear ko at kahit wala akong gamit panglangoy sama pa rin ako.

maganda yung view sa lugar. kita ang metro manila at sabi ni jenny pati laguna de bay. pero dahil mahina naman ako sa geography, hindi ko mapinpoint at saka gabi yun kaya di ko rin makita. wahahaha! masaya naman yung talents night. muntik na mabreak ng current batch of applicants ang record ng batch namin. 20 kasi sila. 25 kami! hehehe! meron din akong natutunang bago. ang super bentang banana shake cheer. sayang wala akong dalang gamit. nakapagpool games sana ako. hindi rin tinantanan ng mems ang karaoke machine. hanggang sa huling sandali bago umalis ay kumakanta pa rin ang mga tao. imagine from 12:00am - 7:00am ay hindi nauubusan ng pilang kanta yung machine. come on. hindi na rin nakatulog ang marami kasi... walang matutulugan dun sa lugar. sinadya ata nila talaga yun para makapagbond ang mga tao.

kaya ayan, abnormal nanaman ang oras ko. wahahaha! anyway, worth it naman ang punta ko. nakalayo sa mga dapat isipin and for a change, not with the usual people i'm with. it's not that i don't like the company of my friends. sobrang saya ko nga pag kasama ko sila. minsan lang i need a breath of fresh air.

0 comment(s) :

Post a Comment