Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, March 09, 2007

birthday bash

due to insistent public demand, nilibre kami ni maryann, rodrey and elaine dahil magkakalapit ang birthday nila at halos sunod sunod hehehe! buti na lang tatlo sila dahil 16 kaming palamunin.

the 16 include...
1) maryann: (unang celebrant) na sobrang goddess na talaga dahil inuwi ang red ribbon (makes things more beautiful)
2) rodrey: (pangalawang celebrant) na nasa spotlight for the past few days dahil sa kanyang nakaraan with... oo, siya... hahaha!
3) elaine: (pangatlong celebrant) na ang birthday wish ay pedicab... improvement! hehehe!
4) reggie: na nagmukhang class adviser naming 16 dahil sa kanyang pormal na kasuotan
5) julie: na nag-ala madame auring sa pagbasa ng horoscope ng tatlo for the day
6) jaymee: na himalang nandoon at magtatanggol sa amin sa dilim
7) alvin: na nahanapan na rin namin (after 3 years) ng maaasar
8) hannah: na siyang natagpuan naming maaasar kay alvin
9) pedro: na ayaw pa daw nung chocolate mousse pero said na said ang plato
10) steph: na nasa meeting na may patok jeep-like sounds
11) dy: na tahimik dahil sa kanyang inner lagnat... awww
12) mark: na sobrang natuwa sa pagkakaroon ng banyo doon
13) kristel: na cool na cool with her new red eyeglasses look
14) david: na tumayong aming camera man
15) denise: na nilalamig... BRRRRRRRRRRR!
16) at ako! hehehe!

sa bora grill naganap ang kanilang panlilibre. hindi ko inaakalang may nageexist na ganong lugar malapit sa up at medyo parang kainan sa boracay yung itsura ng lugar. hahaha! kulang na lang white sand beach, feel na feel na talaga ang summer ahahaha!

sulit na sulit naman yung libre nila. parang walang tigil nga ang pagdating ng pagkain eh. hahaha! tipong di tumitigil sa paggalaw yung mga tao dun dahil ang bilis maubos ng kanin. hahaha! nakaramdam rin ako ng pagod sa tuloy-tuloy na pagkain... parang nanumbalik nga ang feeling sa chocolate buffet eh. hahaha!

siyempre, hindi nawala ang picture taking at sa lahat ng maaaring makaligtaan dalhin, camera pa talaga ang nakalimutan. hahaha! mabuti na lang at techy world na ngayon at may camera na sa cellphone. after niyan ay uwian na dahil marami pa ring mga deadlines. mabuti na lang at may dumaan na ikot na wala halos laman doon sa sakayan at nagkasya kaming lahat sa iisang jeepney. hehehe!

pagdating sa vinzons, nagpaalamanan na at nasaid ang laman ng jeep. hehehe!

anyway, kung nababasa niyo man ito...

HAPPY BIRTHDAY GODDESS, RODNEY AND JOYJOY! hehehe! sa uulitin! :)

next stop: semender! sama lahat! the more the plentier!

5 comment(s) :

  1. awww... onga sana may semender!!! tsaka excited na ako na may magbirthday ulit! next victim... hehehehe

    ReplyDelete
  2. waiiit nakalimutan kong icomment at gusto kong ihabol, bentaa ang pedicab!!! hahaha. with matching bells or pwedeng alternative mga cans na lang o bote na nakasabit... at may nakasabit na just *arried. wahaha

    ReplyDelete
  3. WAHAHAHAHAHAHA!!! shiet! hanggang wedding eh... wahahaha! maganda niyan, si elaine pa nagpepedal... wahahah!

    ReplyDelete
  4. cool.. san makikita yung bora grill?

    ReplyDelete
  5. uhm... alam ko lang puntahan. hehe!

    ReplyDelete