wala na kami sa bahay pero wala pa rin kami sa lagro. nasa bahay pa kami ng ninong ko. hahaha! napakahirap talaga maglipat. parang lahat ng gamit ko hindi ko na alam kung saan nakalagay. shietness! gusto ko nang matapos tong paglilipat na to para makasettle na rin utak ko. parang ang sabog kasi ng utak pag sabog rin ang gamit. hehehe! excuses...
anyway... ngayon ay sinisumlan na namin ang aming mp sa cs150. recursive descent parsing ang gagamitin namin. exciting! hahahaha! wala. nakakaaliw lang na nagegets ko na ngayon ang mga ganyang bagay samantalang more than a semester ago... napaka lost kid ko talaga.
naguusap rin ngayon ang ninong ko at ang aking ina tungkol sa mga accounting stuff. debit, credit, t-account, adjusting entries. haaaay. ako'y naiinggit nanaman. mukhang kumpara sa cs ay mas masaya pa rin ako sa accounting kasi at least may mapagtatanungan ako anytime at saka lumaki na ako sa buhay na ganon. aysus! nagdrama nanaman ako.
mabuti pa tong kinakapatid ko, panood nood na lang ng tv. palibahasa summer na ng mga kabataan. ibang iba talaga ang college. hahaha! nanood siya ng "once upon a matress" ngayon. ito yung version ng disney ng "the princess and the pea" na ayon sa aming pinagaralan nung highschool ay parang ineemphasize daw ang burgis class dahil napakaarte ng prinsesa. hahaha! may isang katiting na pea lang di na makatulog. garaaabeeee! hahahaha! natuwa talaga ako nun nung diniscuss namin yung nung highschool kasi parang isinasaksak nga naman sa ulo ng kabataan na dapat maarte ka pag prinsesa ka. hahahaha! kulit.
grabe! matagal na ata uli bago ako makakakapginternet. mabuti rin siguro yun para makapagfocus para sa upcoming exam sa cs150. medyo nakakatakot kasi open everything at sinabi pa sa amin kung ano ang lalabas sa exam. ohnoes! imagine, magdedesign kami ng sarili naming filipino programming language. at take note daw na hindi tagalog kundi filipino. hahaha! paano kaya kung cebuano or ilonggo or bisaya shiet! wala akong alam na ibang dialect. huhuhu! basta kailangan talaga paghandaan yan.
hayyy. kaunti na lang... malapit nang matapos ang lahat. sa ngayon, tiis muna. :)
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
tungkol sa moving out, grabe i know the feeling. di pa nga kami nakapayos diba. hehe.
ReplyDeletesuperrr! andito na kami sa lagro at shiet! walang katapusang boxes ang kailangan ayusin... dammit!
ReplyDelete