medyo late na ako nakauwi nung friday dahil nagaya si elaine sa sm north. besides doing what i had to do, we ate dinner sa tokyo tokyo and played sa arcade. unexpectedly ay maraming sumama kahit na maraming deadlines for the next week at kahit na ang dahilan ng pagpunta doon ay trip trip lang. siguro, people just wanted to unwind before sumabak sa final 3 bloody weeks of the semester. hehehe!
when i got home i had to sleep early dahil 6:15 daw yung departure ng bus for the field trip sa geog 1 the following day. before sleeping i had to take a painkiller dahil sobrang sakit ng puson ko.
i arrived school a few minutes after 6:00. hindi ko ineexpect na maraming students sa field trip. i even saw some computer science students pero by face ko lang kilala yung iba. nakita ko rin agad si julie. we left u.p. around 6:30 na and arrived subic ng 10:00. ngayon ko lang narealize na matagal yung biyahe namin pero dahil tulog lang ako most of the time, hindi ko na napansin yun.
pinick-up muna namin yung tourist guide tapos nagrolling tour muna kami sa subic. actually, third time ko na sa subic. yung unang punta memorable dahil first time ko na makapag-jetski. yung pangalawa naman memorable dahil may kalokohang ginawa ang pamilya ko. hehehe!
11:30 nakarating na kami sa pamulaklakin trail. nakapunta na ako dito nung second trip namin. may demonstration muna from the aetas tapos mayroong 2 trails na pwede mong tahakin. isang maikli (nakalimutan ko na yung exact length) na nilakad namin nung second trip and yung isang mahaba na 1.5 kilometers na siyang nilakad namin yesterday. sa gitna ng trail ay masama na ang pakiramdam ko dahil second day ng monthly period ko yesterday. medyo namumutla na nga daw ako sabi ni julie pero dahil ayaw kong mawala in the middle of the forest, kailangan kong ituloy ang laban. hehehe! around 12:00 kami nagstart and 2:30 na kami natapos. at this point ay wala pa kaming lunch at may nawala pa ata kaming classmates. 3:00 na lumitaw ang nawawala naming kaklase at dahil di naman ako close sa mga classmates ko, di ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
3:15 na ata kami nakapaglunch sa rali's grill (na included dun sa binayaran namin). masarap naman yung pagkain pero based sa nakita namin sa menu ay mukhang mahal yung kinain namin. we then headed sa mangrove. sobrang ganda ng view at napakapeaceful nung lugar. gusto ko na lang sana manatili doon forever pero we had to move forward.
the next stop was sight seeing ng mga fish. ang linaw nung water kaya kitang kita yung fishes. hindi talaga ako fond sa fish dahil medyo alien-looking sila for me pero kakaiba yung mga fish doon. hehehe! habang nagvieview ng fishes ay gusto ko na sana tumalon sa water dahil mainit at masarap sana lumangoy. 15 minutes lang kami doon dahil late na kami sa schedule at may final stop pa kami. ang final stop... duty free.
1 hour ang binigay sa amin for shopping pero dahil wala naman kaming pera, sobra sobra yung isang oras. bumili lang ako ng ilang pasalubong na chocolate and candies (hehehe! parang ilang araw lang ang nakakalipas na sinusumpa ko ang chocolate) tapos natripan namin ni julie na pumunta sa national bookstore. umikot kami saglit tapos sakto lang ang pagbalik sa bus dahil umalis na rin kami kaagad. a few minutes after 6:00 kami nakaalis. habang pabalik sa manila ay sumakit nanaman yung puson ko and to add to that, nagkamigraine pa ako. binali wala ko lang dahil akala ko mawawala lang rin naman yung pain pero palala talaga ng palala. 9:30 na kami nakarating ng u.p. and by this time ay feeling ko mahihimatay na ako. hindi naman ako nahimatay pero sobrang sama na ng pakiramdam ko na hindi ko na alam kung paano ako nakatulog kagabi.
enjoy naman yung field trip pero dahil hindi gaano maganda yung pakiramdam ko, i did not enjoy it as much as i expected to. ang happy thought na lang siguro na ibabaon sa trip ay nahiritan ng mga kaklase ko si sir na wala kaming class sa geog1 tomorrow. hehehe!
walang relasyon: nakita ko lang sa isang status message na nanalo si teresa licaros sa binibining pilipinas. i checked kung siya nga yung kilala kong teresa licaros and turns out na siya nga yun. may ghad! who would have thought na yung dati kong kaservice ay magiging binibining pilipinas-universe. hehehe! congrats sa kanya kahit di naman kami close.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment