Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Thursday, March 01, 2007

dial tone

yeyness! may dial tone na!!! nung madaling araw lang daw nagkaroon ng dial tone pero ngayon ko lang nalaman. (just proves na ginagawa ko na lang tulugan itong bahay namin. hehehe!) salamat sa glaxo-smithkline-beecham (makers of aqua fresh... nagpromote?) dahil nagdemand sila na ayusin ang telephone lines at nadamay pati ang subdivision namin. whooo!

medyo good timing ang pagkakaroon ng internet dahil medyo kailangan ng internet sa mga panahong ito. medyo lang naman... nageexist pa rin naman ang mga libro sa library para makapagresearch para sa mga kailangan iresearch pero mas madali pag ginoogle mo na lang ang mga bagay bagay. hehehe!

so what has been up lately?

Yesterday
145 exam yesterday. 6 hours before the exam ay nasa 5th floor na kami at nagrereview... mali... nagcracram rather. hahaha! pero pagdating nung exam ay nangamote ako. hay. based sa reactions ng mga tao paglabas ng room, maraming nahirapan sa exam. even today, a day after the exam, ay ayaw pa rin pagusapan ng mga tao ang exam as if isa itong traumatic experience. hehehe!

Today
isang subject lang ang ipinasok ko today dahil wala nanamang cs130. feeling namin, busy si sir yap kaya walang pasok dahil nakita namin siya sa canteen carrying a tower of books. hindi ko alam ang status ko sa subject na ito dahil iisang exam pa lang ang natatake namin at wala pa kaming nadidiscuss for the next exam... scarryyy!

Tomorrow
medyo pondering mode ako sa kung paano iplaplano ang buhay ko. naaamaze ako dahil nagsisimula na akong magplano ng buhay. siguro epekto ito ng sandamukal na company talks na inattendan ko o di kaya it comes with the age. yaack! katandaan! hahaha! pero mabuti na rin na may plano para may patunguhan.

step 1 ng roadmapping ng buhay ay alamin kung saan nakikita ang sarili ko 5 years from now. so where do i see myself 5 years from now nga ba? if all goes well, nasa canada (ang hirap sabihin!!!) na ako. either may part time job and studying culinary arts or may scholarship sa kung anong course. i'd rather be in the first situation kahit na mukhang mas mahirap yun. at least masaya naman ako. hehehe! hanggang diyan pa lang ang naiisip ko. the rest is yet to come.

0 comment(s) :

Post a Comment