before anything else, my tito updated us. sabi niya, aiden is recovering na daw. yehey!!! thank God. sana continuous recovery na talaga... :) --- kanina ay field trip namin papunta ng accenture. like any other field trip, masaya ang panahon na nasa loob lang ng sasakyan. hehehe! meron pa akong ginawang kalokohan. meron kasing little boy na nageemote dun sa school bus niya. tapos nilalagyan namin ng script kunwari ang pageemote niya. then, kumaway ako. shiet! nung kumaway ako, biglang lumingon sa amin. nagtago naman ako. wahahaha! parang tanga lang. nakakatawa pa kasi nung maghihiwalay na yung van namin at school bus niya, nagwave back si little boy. hahaha!
pagdating sa accenture, hindi kami agad pinapasok dahil may kailangan atang list or something. so hintay lang kami sa labas kung saan maraming nagyoyosi break. nung pinapasok na kami, ang first stop ay isang team na related sa java... nakalimutan ko na kung ano yung particular name nung team. basta may relasyon sa java! hahaha! nagask for questions yung nagbrief sa amin. wala kaming matanong. wahahaha! wala kasi si james. kunwari na lang tinanong kung kailangan bang super interested sa computers para makapasok doon. wahahaha!
second stop ay yung team na parang naghahandle ng account ng mga mamahaling alcohol. hindi ko alam kung pwede ko imention kasi may non disclosure agreement na pinirmahan. di ko na lang sasabihin kasi ayokong makulong ng dahil lang sa pagbanggit lang ng brand ng alak. wahahaha! dito sa part na ito ay may tanong nanaman. hindi namin nasagot. napakagaling na mga bata!!!
final stop. pizzaaaaa!!! wahahaha! yun lang talaga naalala? hehehe! ang dami kasi eh. naka 4 na slices kami nina irene, alvin at kristel. whoooo! whoooo! sa final stop na ito ay parang nasa conference room kami na napakaganda. diliman na lang, pwede ng maging bar. (as if nakapasok na sa bar? wahahaha!) dito diniscuss sa amin yung hardcore software testing stuff. siyempre memory gap na tungkol dito dahil masarap talaga yung pizza. wahahaha! PG!!! after nito ay nagkaroon ng q&a with some accenture employees.
hebigatin ang mga tanong. meron pang nalalaman mga kaklase ko na "theorists versus practitioners." grabe talaga. wahahaha! pati yung mga empleyado, sinasabi na "wala bang mas madaling tanong?" kulang na lang kasi, itanong ang "what's the meaning of life." wahahaha! pero ayun, parang lahat sila natutuwa naman sa pagkakapasok sa accenture. marami naman daw kasing "extra-curricular" activities na ginagawa doon. sabi pa nga nung isang employee, baka hindi matapos ang discussion pag inenumerate niya yung mga iba pang pwedeng gawin sa accenture besides your job.
nasagot din pala ang tanong kung bakit si tiger woods ang icon ng accenture. ang sagot: tulad kasi ni tiger woods, they excel in their field and get back from their slumps. kumbaga sa pilipinas daw, si manny pacquiao ito. pero parang ang pangit naman. imagine mo, makikita mo sa mga accenture ads si manny pacquiao with his signature ready to punch pose? wahahaha! parang isang malaking lokohan...
on the way back, napatunayan kong grabe ang friendster connection sa 173. kasi nga di ba si maam moie ay gf ng kapatid ni fleur. aba! hindi nagpahuli si maam joan. bukod pala sa pinsan niya si james, ang bf naman pala niya ay kapatid ni tina. *breaks into song* it's a small world after all...
masaya uli sa loob ng van nung pauwi . naubusan na kami ng matitira sa sasakyan kaya mga bagay na lang na nakikita namin sa labas ang pinagdiskitahan namin. wahahaha! walang magawa sa buhay... birthday nga pala ni rem kaya nagsilbing parang birthday party niya ang field trip. ang sosyal!!!
please pray for my youngest cousin aiden. i just found out yesterday na he's in the icu. nirush siya sa ospital kasi nadapa siya tapos nagsplit yung tongue niya. tapos habang asa hospital, nagseizures siya. kaya ayun, inadmit na siya sa icu and laging pinapatulog kasi everytime daw na nagigising siya, nagseiseizures lagi.
kanina binalita sa akin ng tita ko na sabi daw ng neurologist ay under observation siya for 5 days and today is his third day. hindi na nasabi ng tita ko sa akin what would happen after 5 days at hindi pa siya gumagaling and i was also afraid to ask. hopefully, gumaling na siya before matapos yung 5-day observation period na sinasabi. hindi pa rin talaga ako makapaniwala hanggang ngayon na nangyari ito sa kanya. parang nadapa lang siya tapos heto na ang nangyari? grabe talaga. sana gumaling na siya... :(
bilang saling ketket sa choir, nagattend ako nung students' mass. hehehe! first time ko ata magsimba sa u.p. ng sunday kahapon. ang cool kasi parang may mini orchestra pang nalalaman. complete with violin and uhm bass? basta yung malaking violin. whahaha!
apektado pa rin ako sa homily hanggang ngayon. sabi kasi iba daw yung kind sa principled at we should be principled. hala na. i'm kind. wahahahaha! so ayan, marami pa talaga kailangan baguhin sa buhay kong itong patapon. wahahaha! yun lang.
day 2: the challenge of the day... magdistribute ng pm snacks. grabe! namuo ata muscles ko dun sa pagkuha ng mga pagkain. kasi naman, akin yung aisle na maraming seats per row. tipong kung 12 seats per row sa isang aisle, 20-24 ata yung akin. come on! wahahaha! meron pa akong nakasama na nawala. nako, uubusin ko talaga fluids mo sa katawan hijo. hahahaha! buti na lang tinulungan ako ni maryann. pero kahit tinulungan niya ako, hindi pa rin namin nadistribute ng maayos yung drinks. inabutan na kami ng uwian, di pa rin tapos ang pagdistribute. buti na lang walang faculty lurking around. hayop kasi makapagreklamo yung mga faculty. parang katapusan na ng mundo pag hindi mo nabigyan ng isang straw. wahahaha! pero di mo rin sila masisi kasi nagbayad nga naman sila para doon. pero kahit na! volunteers lang po kami. sisihin ang organizers!!! joke!
day 3: maaga ulit nagvolunteer. naassign again sa cinema 10. hindi agad dumating ang kits kaya kinailangan tatakan yung kit na stub. grabe. napuno ng ink yung kamay ko. poor hand.
nalate mga volunteers sa 131 kasi dumagsa bigla ang mga tao nung panahong dapat umaalis na kami. huhuhu! i don't understand the lesson anymore. HELP!!!
nung hapon, bumalik uli sa sm north. pero bago ang lahat, contact prints!!! hehehe! nakita na rin sa wakas ang mahiwagang contact prints ni kristel. hehehe! nagcut ng eee 8 para sa distribution ng pm snacks. less haggardous. dalawang rows na lang ang sinervan ko. salamat naman. hehehe!
scavenger hunt: after magserve ng pm snacks, balik nanaman ng up para sa scavenger hunt. masaya naman. maraming nadiscover na new places and trivias. competitive pala kung competitive doon. nakakatakot. di pa nagsisimula, hala! wahahaha! pero lokohan lang naman... i think. jokes are half meant? ewan! wahahaha! di ko talaga alam kung ano nagaganap. anyway, second daw team namin. yey! congrats sa memcom who won first. hahaha! di naman nila to nababasa so useless. wahahaha! nakakapagod talaga siya lalo na yung rotonda. pero ayos naman. nakalimutan naman na maraming deadlines next week... whoooo!
its that time of the year again. kahit super daming academic work, volunteer to the max pa rin sa y4it. in the end, wala ng nagagawa for acads.
ang sarap lang kasi magvolunteer. parang nagkakaroon ng break from the stresses of the cs world. yun nga lang, medyo stressful din this year ang volunteer work delegated to upacm. simula pa lang kahapon ay napagod na ako. pero parang hindi naman talaga dapat ako pagod kasi nagtupi lang ako ng papel, nagtali ng 2 bundles ng bag at naglagay ng ilang flyer. after nun, wala na. nangasar na lang ako ng mga tao dahil sa pagkabagot mula sa paghihintay ng shirt at pagkain. hahaha! kawawa tuloy si irene. pero totoo naman eh. ang sexy niya. parang line lang yung tiyan niya!!! waaaah!
pero shiet. kaninang umaga na ata pinakamaagang gising ko sa buong taon. my gosh! 4:30 ako nagising. feeling ko tutumba ako anytime eh kasi 12:00 am na nakauwi ng bahay. garabeeee! mabuti na lang maingay ang kapaligiran ng sm north kung saan ginanap ang y4it kundi, tiyak, natulog na talaga ako dun sa pile ng mga bags. wahahaha!
mga lunchtime kami umalis sa mga binabantayan namin na cinemas. ayun, nasaid ang volunteers dahil sama sama yung mga 4th year. paano kaya next year? wala ng 4th year. sana maging active yung mga natitirang members ng acm. naks. concerned kuno sa org. hehehe! pero kahit papano mahal ko na rin ang acm. kaya nga medyo nafrufrustrate ako sa side events. parang hindi kasi well prepared yung event talaga. sayang lang.
anyway, 2 more days left for y4it. yey! then, victory party. hehehe! ang weird lang talaga nung victory party kasi it's planned during planning of y4it rin. so parang... sure na sure na sila na victory ang y4it. wahahaha!
just got home from miah's 21st birthday! hehehe! and still awake!!!
after 100 years, i got to see kate, pinay and andrea. kristine and joca were also there. most of the other guests were ateneans pero taga st scho si miah. go figure! wahahaha! ako rin naguluhan.
grabe sobrang namiss ko sina kate, pinay and andrea. ngayon na lang kasi uli nagpakita. si kate may braces na pala. di ko man lang nalaman. hahaha! just like me, she's also delayed. boo subject-delayers!!! kate and i always get each other! filipina a.k.a. pinay is still the same. medyo dense pa rin na ewan. hahaha! tanungin ba naman ako kung kakakabit lang ng braces ko. uhm classmate ba kita nung highschool? hehehe! pero mahal ko si pinay. umiyak pa nga ako nung inawardan siya ng value award nung graduation eh. nanay? and andrea. shiet! umalis ng pilipinas ng di nagpapaalam, dumating ng di rin pinapaalam. anong klase ka? hahahaha! benta sama daw siya sa akin sa canada dahil gusto niya makakita ng bear. wahahaha! sana pumunta ka na lang ng zoo kung yun lang habol mo. ang cool lang niya kasi she took up culinary arts in california. waaaah! palit tayo.
anyway, benta kanina si andrea. dahil matagal siyang nawala sa circulation, madami siyang kinailangan ikwento. one of which siyempre ay ang kanyang mga boys. love triangle daw eh. pero tatlo yung boys. so where does that leave her? a point in the middle? wahahaha! di marunong ng shapes! paano ka nakapasa ng kinder? scary yung isang boylalu niya, irish na portugese na mexican. could you imagine what that person looks like? hindi kasi namin maimagine eh. irish pa nga lang, di na namin alam kung paano iimagine. wahahaha! pero tinulungan niya kami, she said he looks italian. hirit naman si pinay... "so mukhang pasta ba yan?" kami ni kate parang nagtinginan na lang at nagets na namin kung ano gusto iparating sa isa't isa. hahaha! grabe. namiss ko talaga sila.
andrea had to leave early. pero a few minutes before she left, corrinna came. benta si corrinna, parang nakakita ng multo when she saw andrea. sa sobrang stunned niya, nakalimutan batiin ang birthday celebrant. hahahaha! ayun we gave the remaining minutes of andrea to corrinna kasi parang naiiyak si corrinna nung nakita si andrea. wahahahaha!
after andrea left, reminiscing highschool days again. c.a.t. days, swimming days, intrams, graduation day, lahat na! may drama part pa na nagtatanong si corrinna ng "ikaw ba, are you the same you in highschool?" most of us, answered no kasi invetable naman kasi talaga ang change. tapos at that moment parang ang sarap lang bumalik sa highschool during our days dahil masaya talaga. although ewan, masaya rin naman ngayong college. para sa akin, pantay lang siguro.
back to the birthday celebrant. she must be the happiest person alive right now. kasi the guy she likes proposed to her kanina. waaaaahhh! kaya pala sobrang tahimik yung guy. nagpreprepare for the moment. wahahaha! kala namin pipi talaga eh. benta nga si pinay, nung may kausap sa phone, biglang hirit "nagsasalita pala siya!" wahahaha! ang samaaaa. pero yun nga, miah is now taken. hahaha! good for her. she deserves to be happy kasi yung previous relationship niya ay medyo arghhhh. hahahaha!
hmmm... ako kaya kailan? biglang ganon!!! whahahaha! joke. anyway, i'm happy for all my friends and with what they have become...
second cla ko na kanina. hehehe! pagdating sa tambayan, bumungad nanaman sa akin yung mga magkakablock na polsci apps. waaah! nadama ko nanamang matagal na panahon nanaman akong tatahimik. medyo mahirap kasi makisali sa usapan nila kasi sila sila lang naguusap. ang loser ko!!! mabuti na lang at meron pang ibang apps doon na gaya ko ay nanahimik lang rin. hehehe! ayun sa kanila na lang ako sumama. nakakatawa pa kasi di pa namin sure yung pangalan ng isa't isa eh halos patapos na yung sem. kamusta naman? pero ang mga pangalan talaga nila ay kim, queenie at abi. ako naman daw si hazelle. wahahahah! laging napagkakamalang hazelle pangalan ko. bakit kaya?
kami kami rin magkakasama sa sasakyan at siyempre dahil tahimik kami, yung dalawang mems lang na kasama namin ang nagsasalita. sina julian at mel. naguusap sila tungkol sa scavenger hunt nung past years at ang competitive spirit nung mga teams. this coming friday na kasi yung scavenger hunt this year. hehehe!
pagdating doon sa place ay wala yung mga kids so kinausap muna ni pat yung kailangan kausapin habang kaming iba ay nagintay sa loob ng tahimik na sasakyan. dahil tahimik kaming mga apps na kasama nina julian at mel the whole trip, natripan na lang nila magtanong ng mga apps. ako ang natripan. wow!
andun naman pala yung mga bata, iba lang yung pwesto. naassign ako originally sa grade 5. tapos pagdating namin dun, parang tatatlo lang yung grade 5 kaya inilipat na lang ako sa grade 2. medyo masama rin kasi ang pakiramdam nung mem na assigned doon na si aileen.
ako ang pinagcheck nung mga exercise na ginawa nila sa addition at subtraction. wehehehe! ang galing nila!!! karamihan mga 1 or 2 mistakes lang. tapos ako feel na feel ko maglagay ng check marks. nakakatuwa kasi dati pinangarap ko rin somehow maging teacher pero dahil nauutal ako sa harap ng maraming tao, hindi na lang din. hahaha! after nung math exercises nila ay dumating na yung favorite part nung mga bata. ang story telling! ngayon ay mas matino na yung story na shinare sa mga bata. yung nauna kasi ay og uhog na medyo gross. hehehehe!
nung paalis na kami, nagcollapse si aileen. masamang masama na pala yung pakiramdam niya. nakakatakot. ngayon lang ata ako nakakita ng taong nagcollapse na live. pero nagkaroon na naman ata siya ng malay on the way to lunch.
sa berkeley naglunch tapos may nakita kaming atenista na naglilinis ng aircon. hehehe! habang iniintay yung order namin, natripan ni pat na guluhin yung mga numbers namin. ayun, nalito kami kung ano ang para kanino.
after lunch ay balik na ng up. bumalik ako ng tambayan para intayin ang aking ama dahil may dadaanan kaming cake para sa birthday ng kaibigan ko mamaya. kasama sa tambayan ay si julian, pat at ang coapp ko na si kc. nakakahiya nga eh kasi parang inintay lang pala nila akong sunduin. waaah! pero ok naman dahil kung anu-ano nalaman ko. wahahahaha! nung una takot ako pareho kina julian at pat. takot kasi ako sa tao eh. pero, ok naman pala sila. di nangangain. hahahaha! labo.
yan ang unang bahagi ng araw. marami ng nangyari, di pa tapos ang araw. mamaya naman ay birthday ni miah. :)