Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, September 08, 2007

second half of yesterday

just got home from miah's 21st birthday! hehehe! and still awake!!!

after 100 years, i got to see kate, pinay and andrea. kristine and joca were also there. most of the other guests were ateneans pero taga st scho si miah. go figure! wahahaha! ako rin naguluhan.

grabe sobrang namiss ko sina kate, pinay and andrea. ngayon na lang kasi uli nagpakita. si kate may braces na pala. di ko man lang nalaman. hahaha! just like me, she's also delayed. boo subject-delayers!!! kate and i always get each other! filipina a.k.a. pinay is still the same. medyo dense pa rin na ewan. hahaha! tanungin ba naman ako kung kakakabit lang ng braces ko. uhm classmate ba kita nung highschool? hehehe! pero mahal ko si pinay. umiyak pa nga ako nung inawardan siya ng value award nung graduation eh. nanay? and andrea. shiet! umalis ng pilipinas ng di nagpapaalam, dumating ng di rin pinapaalam. anong klase ka? hahahaha! benta sama daw siya sa akin sa canada dahil gusto niya makakita ng bear. wahahaha! sana pumunta ka na lang ng zoo kung yun lang habol mo. ang cool lang niya kasi she took up culinary arts in california. waaaah! palit tayo.

anyway, benta kanina si andrea. dahil matagal siyang nawala sa circulation, madami siyang kinailangan ikwento. one of which siyempre ay ang kanyang mga boys. love triangle daw eh. pero tatlo yung boys. so where does that leave her? a point in the middle? wahahaha! di marunong ng shapes! paano ka nakapasa ng kinder? scary yung isang boylalu niya, irish na portugese na mexican. could you imagine what that person looks like? hindi kasi namin maimagine eh. irish pa nga lang, di na namin alam kung paano iimagine. wahahaha! pero tinulungan niya kami, she said he looks italian. hirit naman si pinay... "so mukhang pasta ba yan?" kami ni kate parang nagtinginan na lang at nagets na namin kung ano gusto iparating sa isa't isa. hahaha! grabe. namiss ko talaga sila.

andrea had to leave early. pero a few minutes before she left, corrinna came. benta si corrinna, parang nakakita ng multo when she saw andrea. sa sobrang stunned niya, nakalimutan batiin ang birthday celebrant. hahahaha! ayun we gave the remaining minutes of andrea to corrinna kasi parang naiiyak si corrinna nung nakita si andrea. wahahahaha!

after andrea left, reminiscing highschool days again. c.a.t. days, swimming days, intrams, graduation day, lahat na! may drama part pa na nagtatanong si corrinna ng "ikaw ba, are you the same you in highschool?" most of us, answered no kasi invetable naman kasi talaga ang change. tapos at that moment parang ang sarap lang bumalik sa highschool during our days dahil masaya talaga. although ewan, masaya rin naman ngayong college. para sa akin, pantay lang siguro.

back to the birthday celebrant. she must be the happiest person alive right now. kasi the guy she likes proposed to her kanina. waaaaahhh! kaya pala sobrang tahimik yung guy. nagpreprepare for the moment. wahahaha! kala namin pipi talaga eh. benta nga si pinay, nung may kausap sa phone, biglang hirit "nagsasalita pala siya!" wahahaha! ang samaaaa. pero yun nga, miah is now taken. hahaha! good for her. she deserves to be happy kasi yung previous relationship niya ay medyo arghhhh. hahahaha!

hmmm... ako kaya kailan? biglang ganon!!! whahahaha! joke. anyway, i'm happy for all my friends and with what they have become...

2 comment(s) :

  1. uyy nagpaparinig... ano yan! wahahha

    ReplyDelete
  2. eh kasi nauubusan na ako ng panahon. wahahaha! baka tumanda akong dalaga. nooooo!

    ReplyDelete