Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, September 08, 2007

first half of the day

second cla ko na kanina. hehehe! pagdating sa tambayan, bumungad nanaman sa akin yung mga magkakablock na polsci apps. waaah! nadama ko nanamang matagal na panahon nanaman akong tatahimik. medyo mahirap kasi makisali sa usapan nila kasi sila sila lang naguusap. ang loser ko!!! mabuti na lang at meron pang ibang apps doon na gaya ko ay nanahimik lang rin. hehehe! ayun sa kanila na lang ako sumama. nakakatawa pa kasi di pa namin sure yung pangalan ng isa't isa eh halos patapos na yung sem. kamusta naman? pero ang mga pangalan talaga nila ay kim, queenie at abi. ako naman daw si hazelle. wahahahah! laging napagkakamalang hazelle pangalan ko. bakit kaya?

kami kami rin magkakasama sa sasakyan at siyempre dahil tahimik kami, yung dalawang mems lang na kasama namin ang nagsasalita. sina julian at mel. naguusap sila tungkol sa scavenger hunt nung past years at ang competitive spirit nung mga teams. this coming friday na kasi yung scavenger hunt this year. hehehe!

pagdating doon sa place ay wala yung mga kids so kinausap muna ni pat yung kailangan kausapin habang kaming iba ay nagintay sa loob ng tahimik na sasakyan. dahil tahimik kaming mga apps na kasama nina julian at mel the whole trip, natripan na lang nila magtanong ng mga apps. ako ang natripan. wow!

andun naman pala yung mga bata, iba lang yung pwesto. naassign ako originally sa grade 5. tapos pagdating namin dun, parang tatatlo lang yung grade 5 kaya inilipat na lang ako sa grade 2. medyo masama rin kasi ang pakiramdam nung mem na assigned doon na si aileen.

ako ang pinagcheck nung mga exercise na ginawa nila sa addition at subtraction. wehehehe! ang galing nila!!! karamihan mga 1 or 2 mistakes lang. tapos ako feel na feel ko maglagay ng check marks. nakakatuwa kasi dati pinangarap ko rin somehow maging teacher pero dahil nauutal ako sa harap ng maraming tao, hindi na lang din. hahaha! after nung math exercises nila ay dumating na yung favorite part nung mga bata. ang story telling! ngayon ay mas matino na yung story na shinare sa mga bata. yung nauna kasi ay og uhog na medyo gross. hehehehe!

nung paalis na kami, nagcollapse si aileen. masamang masama na pala yung pakiramdam niya. nakakatakot. ngayon lang ata ako nakakita ng taong nagcollapse na live. pero nagkaroon na naman ata siya ng malay on the way to lunch.

sa berkeley naglunch tapos may nakita kaming atenista na naglilinis ng aircon. hehehe! habang iniintay yung order namin, natripan ni pat na guluhin yung mga numbers namin. ayun, nalito kami kung ano ang para kanino.

after lunch ay balik na ng up. bumalik ako ng tambayan para intayin ang aking ama dahil may dadaanan kaming cake para sa birthday ng kaibigan ko mamaya. kasama sa tambayan ay si julian, pat at ang coapp ko na si kc. nakakahiya nga eh kasi parang inintay lang pala nila akong sunduin. waaah! pero ok naman dahil kung anu-ano nalaman ko. wahahahaha! nung una takot ako pareho kina julian at pat. takot kasi ako sa tao eh. pero, ok naman pala sila. di nangangain. hahahaha! labo.

yan ang unang bahagi ng araw. marami ng nangyari, di pa tapos ang araw. mamaya naman ay birthday ni miah. :)

5 comment(s) :

  1. hehe... grabe nga rin talaga 'pag magbuklod-buklod na ang polsci block.

    baka kamukha mo si hazelle aka monsee? hehehe.

    kailangan lang din talagang maging maingay pagdating sa tambs. wahaha.

    hayun... grabe sa kabusyhan o. hehe.

    ReplyDelete
  2. sinabi mo pa!

    hahaha! ganon? pero hazelle kasi yung dapat na ipapangalan sa akin. weird lang.

    sorry, di ako maingay tulad mo. hehehe!

    di ako busy. preoccupied lang. labo!!!

    ReplyDelete
  3. nakow... ngayon lang din ako naglakas loob na mag-ingay kasi DAPAT huling taon ko na. hehe. nilulubos lubos lang. haha.

    ayos yun ah. naramdaman nila ang dapat mong pangalan. ngee... hehe..

    ReplyDelete
  4. uyy preoccupied... may kilala din akong gumamit ng word na "preoccupied" hahaha la lang.

    ReplyDelete
  5. @jett: sige na ngaaa. di ka talagang maingay. bully lang. joke! hehehe!

    @diana: hmmm. parang di ko kilala yung preoccupied person. waaah! sino yan?

    ReplyDelete