wahahaha! naalala ko nung gradeschool to highschool days laging may essay about this after the break. kainis! tapos may mga 5 - 10 pupils na ipapashare nung sinulat nila. hahaha!
ako, habang hinihintay mag 12:00am ay nanood ako ng polar express sa hbo. hahaha! napaisip ako after nung film kung nakadinig ba ako ng bells nung bata ako. hahahaha! tapos nung 12:00 na, wala akong regalong binuksan dahil wala naman na nagreregalo sa akin sa tanda kong ito. hahahaha!
nagnoche buena kami sa mga ninong ko. as usual... hamon, queso de bola, tablea, egg and toast ang kinain namin. habang kumakain, napagusapan nanaman na baka huling pasko na dito. (hindi ko pa rin alam kung paano magrereact)
as expected, tanghali na ako nagising. punta uli kami sa mga ninong ko para maglunch. kaldereta at bbq lang ang natatandaan kong handa dahil yun lang ang kinain ko. hahahaha!
mga 5:00 pm nakompleto buo naming angkan sa bahay ng ninong ko. nagdinner muna kami bago binigay sa kids yung regalo nila. di ko alam kung normal ito pero nakagawian sa pamilya namin na mag"talent portion" muna bago mabigay yung regalo. tas nakapila yung mga kids by age. eh biglang tinopak mga magulang namin na pati tuloy kaming matatanda ay nagtalent portion rin. craaap! hahaha!
nakagawian na rin na may naggigitara at nagkakahon sa mga tito ko at kumakanta yung panganay kong pinsan ng kung ano ang matripan nila tuwing may family gathering. eh dahil adik nga ang mga magulang namin ngayong pasko, pati kaming di pala kanta pag may gathering ay pinakanta rin. whapak! buti na lang at duets lang kinanta namin ng pinsan ko. hahaha! di ko kakayanin ang solo. suskopo!!!
natapos ang gathering ng mga 11:00pm. nakakatuwa yung bunso kong pinsan nung pauwi na kasi inuuto na siya talaga ng mga tito ko. sabay sabay pinapagawa ang maraming bagay. sumasayaw na duling na nakalawit ang dila na umiikot na nakapikit at pagmulat ay duling pa rin. bwahahahahaha! benta!
(may something wrong sa paglog-in dito sa blogger using mozilla. tsk tsk! kanina ko pa gusto magpost eh pero dahil ang hirap maglog-in... naiba na yung gusto kong ipost hehehehe!)
anyway, di ko ramdam ang saya ng pasko ngayong taon. parang normal na araw pa rin ang mga nakaraang araw. mga theories sa kung bakit feeling ko di pa pasko:
1) wala kasi akong natatanggap na regalo *ehem* *ehem* wahahaha! (napakamaterialistic ng dating... bhad!)
2) baka ito na huli naming pasko dito... (don't know how to react here... ehe!)
3) namimiss ko lola at lolo ko both sides. hay.
4) matanda na ako at over na ako sa stage na dapat masaya pag pasko. nakikita ko na ang harsh realities of life. (masyado napaseryoso... wahahaha)
basta parang di talaga pasko. baka bukas mafeel ko na dahil magluluto kami ng kung anu ano saka 24 hours from now ay pasko na nga talaga. ahahaha!
yan ang toast namin kagabi ng aking hs friends (w/ special participation of venus the person and not the planet)
this year, we decided not to give gifts to each other dahil wala na kaming pera parepareho. instead, nagparty na lang kami together.
sabi nila 4:00pm daw ang "call time" sa bahay nina kristine at dahil lagi na lang ako early bird, i decided na magpalate naman ako ng kaunti since malapit ang bahay nina kristine sa amin. so i got there mga 5:00pm. pagdating ko dun... shiet! ako pa rin pinakamaagaaa! wahahaha! miah arrived ng 6:00pm while kate arrived ng 7:00pm. si special participant venus naman arrived nung asa volare na kami. siyempre todo tipid kami. di man lang kami nagorder ng drinks, water lang talaga. wahahaha! after kumain sa volareay nag ice monster naman kami. shiet! talk about calories!
after noon ay uwi ulit kami kina kristine para kumain uli at magcard games at uminom ng sparkling wine at ng novelino (in accordance sa sober december ni kristine) at manood ng the devil wears prada. nice film. yun nga lang, uber haba! hehehe! inabot kami ng 3:00 am at nagsimbang gabi pa si kristine ng 3:30. gudlak na lang sa kanya. hehehehe!
11:00 na kami nagising tapos medyo naging frantic kami kasi si kate ay nabadshot ata sa bahay nila. so from 11:00 - 12:00 nagiisip kami ng excuses para di siya mahuli sa bahay nila. after nun, umuwi na kami tas hanggang sa fx ay nagdarasal si kate na wag siya pagalitan. ilang meters mula sa bahay namin, nagtext si kate, sabi... "kaya pala ako pinauuwi ay para magbantay ng pamangkin ko! hahaha! im safe!" PORKCHOP! wahahahaha! benta!
namiss ko rin kahit papano mga hs friends ko kahit na may konting sama ng loob pa rin ako sa kanila. at the end of the day naman kasi kaibigan ko pa rin sila at marami na kaming napagsamahan.
NAKAKAIRITA ANG MGA TAONG WALA NAMANG MATINONG SASABIHIN PERO HIRIT PA NG HIRIT. PWEDE BA, IF YOU DON'T HAVE ANYTHING GOOD TO SAY... JUST KEEP YOUR STUPID MOUTH SHUT!!!
crap kasi eh. buti sana kung mga friends ko lang nakakabasa. pero nooo! shiet! bwisit talaga...
yun lang. hahaha! naglalabas lang ng pagkairita. :p [move on to the next post]
mamayang 7:00 pm ay makakauwi na rin ako. in fairness, 5 days rin ako nawala sa bahay 4 of which ay di kasama ang magulang ko. hehehe!
anywho, yesterday ay sinamahan ko yung pinsan ko para nga panoorin concert ng girlfriend niya. nakakatawa kasi ako pa lagi unang nakakahanap dun sa girlfriend niya kahapon kahit di pa kami ever nagkikita (sa pics lang :P)
taga u.p. girlfriend niya. lingguistics ang course niya at kaya namin siya pinanood ay dahil trainee siya sa upsa (woah! wait lang kuha akong tissue bina-linguyngoy ata ako hehehe) at charity concert nila yesterday.
grabe sa galing! nakakapikon! parang mga ibon na di mo maintindihan! hehehe! tumayo talaga lahat ng balahibo ko. as in parang nakagel na siya sa pagkakatayo sa galing nila. whoooo! tapos nakita ko si onyx. yes, the phil idol guy. hehehe! maganda naman pala ang kanyang boses. naka ilang solo rin siya throughout the performance. pero ang favorite ko na pinerform nila ay yung circle of life with matching animal sounds. hehehe! benta nga kasi inisip namin kung ano mangyayari sa performance nila pag nilagyan ng kung anu anong animal sounds. for example, biglang may mag-"moooooo" bwhahaha! WEIRD!!!
after nilang magperform, nagmistulan akong chaperone sa pinsan ko at girlfriend niya. craaap! talk about kesonesssss! wahahaha! subuan pa sila ng kinakain. excuse me! hehehe! ako pakasaya na lang sa kinakain. wahahahaha! i love my foooood!
in fairness naman kay gf, nice naman siya. yun nga lang pino-po ako pero ok na rin yun. senyales yun na magalang siyang tao. yun nga lang ubod ng galang kasi di pa naman ako katandaan para i-po. hehehe!
ayun kinukulit rin ako ni gf na magapply ng upsa (wait! kuha lang uli ako ng tissue!) wahahaha! sinasagot ko na lang sa kanya... "gudlak sa aking kabuhayan" hahaha! di ko carry yun noh! di ako ibon! wahahaha! mga hanggang imbentong singing group lang ako tulad ng enggsoc chorale. hehehehe!
mga 12:30 am na kami nakauwi kasama si gf dahil di na niya kayang umuwi ng binan o ng cainta. yes, kanayon ko pa si gf. wahahaha! buti na lang ay legal si gf sa side ng cousin ko dahil kung hindi baka di na kami nakatulog that night. in fairness, sa room pa talaga ng parents nung pinsan ko natulog yung gf niya kasama ako. hahaha! from there malalaman niyo na mabait ang lahi namin. basta maayos kang tao at ipapakilala ka ng matino, welcome ka lagi.
wala akong maisip na paraan para iend tong post na ito so period na lang. [period] hehehe!
as said in the previous post ay sa mall of asia ang christmas party ng up acm. compared to other christmas parties, kaunti lang ang pumunta pero para sa akin ok lang yun para mas "intimate" yung affair (ching!)
about 10:15 na ako nakaalis dito sa bahay ng mga pinsan ko. buti na lang isinabay na ako ni kuya jigs papuntang ayala mrt station. kamusta naman kasi ang instructions sa akin ni john (kapatid ni kuya jigs) para makasakay papuntang mrt station from here. it goes something like this.
john: "alam mo yung jeep na sinasakyan natin noon papuntang badminton clinic?" ace: "oo..." john: "hindi dun, ililigaw ka dun" ace: "eh saan?" john: "alam mo yung jeep sa may intersection?" ace: "oo, yun na ba yun?" john: "hindi pa rin!" [john and ace: bwhahahahahahahahha!!!]
craaap! hahaha! kulit rin eh! bata pa talaga. anyway, habang nakasakay sa mrt, may nakita akong isang pamilyar na mukha. SHIET! si maryann! hahaha! ayun, so kasabay ko na rin siya papunta ng moa para sa christmas party.
pagbaba ng taft station, mineet namin si mic at elaine na matagal na ata naghihintay sa akin. hehehe! from there ay sakay kami ng taxi na irereport ni maryann dahil walang metro. bhaad!
pagbaba ng moa ay mineet naman namin si denise na nagliliwaliw sa national bookstore. tapos diretso na kami sa pizza hut para imeet yung iba pang acm-ers.
sa pizza hut ay may nakita akong pamilyar na mukha. parang kakakita ko pa lang dito nung isang gabi ah. SHIET! SI MISS CIRCUIIIIIIITTTTT!!! (para sa mga di nakapanood ng ms engg, siya yung first runner up) anyway, siya pala si raffy. hahaha! kewl! member pala siya ng acm. galing galing!
so sa lunch ay the members got to know each other better. may usual pakilala portion na sobrang gulo. nakakaaliw kasi kahit yung iba first time pa lang halos magmeet ay game na makiclose sa iba.
after lunch ay pumunta kami ng music hall para panoorin si sabrina par (isa pang member) kasi opening number sila ni cholo ng stairway to heaven. ang kukulit rin ng mga members kasi kami lang sumisigaw para kina sab habang yung ibang mga tao dun ay keber habang kumakanta sila sab. si cholo lang talaga ang pinunta nila.
pagkatapos ng kakulitang iyan, nagdecide na kami ng bonding activity. after ng maraming voting and decision making strategies, nauwi kami sa ice skating! whooo! in fairness, di ako sumemplang! whooo! yun nga lang, may pasa ako sa aking dalawang paa. hahahaha!
kailangan kong ikwento ito nakakatawa kasi. nagsnosnow kasi dun sa skating rink every after some time span. tapos nung first and last time na nagsnow after namin umapak ng rink, galing kaming malayong lugar from the snowing part. since di kami kagalingan at sobrang gusto namin makatikim ng snow snowan, madali talaga kami to get to the snowing part. pero yung madali namin ay mabagal pa talaga sa pagong. so pagdating namin dun, mga last fall of snow na lang ang naabutan namin. wahahaha! JOLOGS! pero benta talaga... hahaha! daig pa kami nung mga little kids. grabeee!
mga 6:00 na kami natapos magskate. di ko naramdaman sakit ng katawan ko until i got to my cousins house. grabe! sakit talaga ng paa ko. pero kahit anong sakit pa ng katawan yan, ok lang kasi masaya naman yung party kahit na kaunti lang nakapunta. yey! sana next time dumami na para mas masaya!
dahil di pa ako umuuwi sa amin since friday ay di ko na nakwento yung miss eng'g. hence, ngayon ko na lang siya ikwekwento lahat ng nangari since then.
sabi sa ticket, 7:00pm ang miss engg pero it started at around 9pm. ang tagal kasi bago napapasok ang mga tao at in fairness feeling ko mamamatay na ako sa pila dahil walang kontrol ang mga tao. may isang kuya kasi dun na ang laki laki tapos nangiipit at nangcucut sa pila. nakakaasar siya ng sobra! sabi ko sana matalo yung isusupport niya... pero turns out, pareho kami ng manok! bwahahah! galing pala sa kabilang org nung miss engg ng enggsoc. stupidity! but still, wala siya talagang modo! boo!
benta yung host ng miss eng'g. as in may command talaga siya sa stage. kayang kaya niyang patahimikin lahat ng tao kahit wild na kami. wahahaha! yun nga lang... medyo di namin alam kung nananadya siya sa mga grammatical errors niya o ano. tapos lagi pa siyang banggit ng banggit ng "we have a..." lahat na lang dinugtungan ng linyang yan.
"we have a [insert name of org]" "we have a [insert name of judge]" "we have a [insert part of programme]"
hahaha! pero kahit ganon, ok pa rin siyang host. di tulad last year. pati host binabarubal ng mga tao! hahaha!
anyway, crush ko si ms. erg! as in nastun ako sa beauty niya! oo, nakakatibo siya! hahaha! pero ok lang kasi kunwari bading naman siya eh... :P tapos tinitigan namin siya talaga to see if gwapo siya pag lalaki. pati dun sa part na pinapakita silang lalaki, hinahanap namin siya pero di namin siya narecognize. oh well. ok lang yan. hahaha!
after miss engg christmas party ng enggsoc pero di kami sumama. hahaha! good girls kasi kami at inuman yun! bwhahahaha! saka late na rin at makikiuwi lang kami sa bahay ni steph.
fast forward: nakauwi na kami sa bahay ni steph
dun pa lang kami nakakain ng dinner. mga 12:00am na yun. gudlak naman at 10-12 ng tanghali pa ang huli naming kain lahat. anywho, nakakatawa kasi biglang naglabasan ang mga sakit namin palibhasa, doktor nanay ni steph. muntik pa ngang magpadala ng ambulance dahil sa sakit ng tiyan ni julie eh. hahaha! at benta ang suggestion ni steph, padala na lang daw ng ambulance pero yung ambulance ang may dala ng gamot. ano yun? delivery? hehehehe! benta talaga.
medyo buhay pa ang mga dugo namin kaya di kami nakatulog agad. konting kwento muna bago tuluyang nakatulog. pagkagising namin, 10:00 am na! sabi pa naman nung iba 6:00 sila aalis. hahahaha! pero nooo... mga 11:30 na kami nakaalis. pagkagising ko ay may allergies ako. grabe! tapos wedding pa ng pinsan ko nung hapon. hahaha!
fast forward: wedding ng pinsan ko
pormal pormalan ang wedding. ang suot ko ay yung uniform dress ko na sinuot ko na in three other occassions. hahaha! ginanap ang wedding sa don bosco kung saan sila nagkakilala as choir mates. tapos cool kasi tatlong pari ang nagconcelebrate sa wedding nila. yung isa si father tom. yung paring close sa family namin. yung isa naman si father edwin soliva. ang alam ko close siya to the couple pero siya rin yung naging retreat master namin nung 4th year hs. yung pangatlong pari di ko na kilala. yung reception ay ginanap sa enterprise building. hahaha! benta yung pagpunta namin sa enterprise kasi sa sakayan ng jeep kami binaba. eh kamusta naman sa pormal na suot namin. so habang naglalakad papasok nung building ay kunwari wala na lang kaming pakielam sa mundo. wahahaha!
fast forward uli: ako'y refugee nanaman sa bahay ng mga pinsan ko. hehehe! galing kasi kami ng wedding ng cousin ko nung saturday tapos mamaya naman ay pupunta ako ng mall of asia for the acm christmas party. pero i'm going to stay here until wednesday dahil sasamahan ko yung pinsan ko panoorin yung girlfriend niya na kaaway niya ngayon. hahaha!
hanggang dito na muna kasi inaantok na pinsan ko at gamit ko laptop niya. hahaha! :)