Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, December 18, 2006

up acm christmas party

as said in the previous post ay sa mall of asia ang christmas party ng up acm. compared to other christmas parties, kaunti lang ang pumunta pero para sa akin ok lang yun para mas "intimate" yung affair (ching!)

about 10:15 na ako nakaalis dito sa bahay ng mga pinsan ko. buti na lang isinabay na ako ni kuya jigs papuntang ayala mrt station. kamusta naman kasi ang instructions sa akin ni john (kapatid ni kuya jigs) para makasakay papuntang mrt station from here. it goes something like this.

john: "alam mo yung jeep na sinasakyan natin noon papuntang badminton clinic?"
ace: "oo..."
john: "hindi dun, ililigaw ka dun"
ace: "eh saan?"
john: "alam mo yung jeep sa may intersection?"
ace: "oo, yun na ba yun?"
john: "hindi pa rin!"
[john and ace: bwhahahahahahahahha!!!]

craaap! hahaha! kulit rin eh! bata pa talaga. anyway, habang nakasakay sa mrt, may nakita akong isang pamilyar na mukha. SHIET! si maryann! hahaha! ayun, so kasabay ko na rin siya papunta ng moa para sa christmas party.

pagbaba ng taft station, mineet namin si mic at elaine na matagal na ata naghihintay sa akin. hehehe! from there ay sakay kami ng taxi na irereport ni maryann dahil walang metro. bhaad!

pagbaba ng moa ay mineet naman namin si denise na nagliliwaliw sa national bookstore. tapos diretso na kami sa pizza hut para imeet yung iba pang acm-ers.

sa pizza hut ay may nakita akong pamilyar na mukha. parang kakakita ko pa lang dito nung isang gabi ah. SHIET! SI MISS CIRCUIIIIIIITTTTT!!! (para sa mga di nakapanood ng ms engg, siya yung first runner up) anyway, siya pala si raffy. hahaha! kewl! member pala siya ng acm. galing galing!

so sa lunch ay the members got to know each other better. may usual pakilala portion na sobrang gulo. nakakaaliw kasi kahit yung iba first time pa lang halos magmeet ay game na makiclose sa iba.

after lunch ay pumunta kami ng music hall para panoorin si sabrina par (isa pang member) kasi opening number sila ni cholo ng stairway to heaven. ang kukulit rin ng mga members kasi kami lang sumisigaw para kina sab habang yung ibang mga tao dun ay keber habang kumakanta sila sab. si cholo lang talaga ang pinunta nila.

pagkatapos ng kakulitang iyan, nagdecide na kami ng bonding activity. after ng maraming voting and decision making strategies, nauwi kami sa ice skating! whooo! in fairness, di ako sumemplang! whooo! yun nga lang, may pasa ako sa aking dalawang paa. hahahaha!

kailangan kong ikwento ito nakakatawa kasi. nagsnosnow kasi dun sa skating rink every after some time span. tapos nung first and last time na nagsnow after namin umapak ng rink, galing kaming malayong lugar from the snowing part. since di kami kagalingan at sobrang gusto namin makatikim ng snow snowan, madali talaga kami to get to the snowing part. pero yung madali namin ay mabagal pa talaga sa pagong. so pagdating namin dun, mga last fall of snow na lang ang naabutan namin. wahahaha! JOLOGS! pero benta talaga... hahaha! daig pa kami nung mga little kids. grabeee!

mga 6:00 na kami natapos magskate. di ko naramdaman sakit ng katawan ko until i got to my cousins house. grabe! sakit talaga ng paa ko. pero kahit anong sakit pa ng katawan yan, ok lang kasi masaya naman yung party kahit na kaunti lang nakapunta. yey! sana next time dumami na para mas masaya!

0 comment(s) :

Post a Comment