dahil di pa ako umuuwi sa amin since friday ay di ko na nakwento yung miss eng'g. hence, ngayon ko na lang siya ikwekwento lahat ng nangari since then.
sabi sa ticket, 7:00pm ang miss engg pero it started at around 9pm. ang tagal kasi bago napapasok ang mga tao at in fairness feeling ko mamamatay na ako sa pila dahil walang kontrol ang mga tao. may isang kuya kasi dun na ang laki laki tapos nangiipit at nangcucut sa pila. nakakaasar siya ng sobra! sabi ko sana matalo yung isusupport niya... pero turns out, pareho kami ng manok! bwahahah! galing pala sa kabilang org nung miss engg ng enggsoc. stupidity! but still, wala siya talagang modo! boo!
benta yung host ng miss eng'g. as in may command talaga siya sa stage. kayang kaya niyang patahimikin lahat ng tao kahit wild na kami. wahahaha! yun nga lang... medyo di namin alam kung nananadya siya sa mga grammatical errors niya o ano. tapos lagi pa siyang banggit ng banggit ng "we have a..." lahat na lang dinugtungan ng linyang yan.
"we have a [insert name of org]"
"we have a [insert name of judge]"
"we have a [insert part of programme]"
hahaha! pero kahit ganon, ok pa rin siyang host. di tulad last year. pati host binabarubal ng mga tao! hahaha!
anyway, crush ko si ms. erg! as in nastun ako sa beauty niya! oo, nakakatibo siya! hahaha! pero ok lang kasi kunwari bading naman siya eh... :P tapos tinitigan namin siya talaga to see if gwapo siya pag lalaki. pati dun sa part na pinapakita silang lalaki, hinahanap namin siya pero di namin siya narecognize. oh well. ok lang yan. hahaha!
after miss engg christmas party ng enggsoc pero di kami sumama. hahaha! good girls kasi kami at inuman yun! bwhahahaha! saka late na rin at makikiuwi lang kami sa bahay ni steph.
fast forward: nakauwi na kami sa bahay ni steph
dun pa lang kami nakakain ng dinner. mga 12:00am na yun. gudlak naman at 10-12 ng tanghali pa ang huli naming kain lahat. anywho, nakakatawa kasi biglang naglabasan ang mga sakit namin palibhasa, doktor nanay ni steph. muntik pa ngang magpadala ng ambulance dahil sa sakit ng tiyan ni julie eh. hahaha! at benta ang suggestion ni steph, padala na lang daw ng ambulance pero yung ambulance ang may dala ng gamot. ano yun? delivery? hehehehe! benta talaga.
medyo buhay pa ang mga dugo namin kaya di kami nakatulog agad. konting kwento muna bago tuluyang nakatulog. pagkagising namin, 10:00 am na! sabi pa naman nung iba 6:00 sila aalis. hahahaha! pero nooo... mga 11:30 na kami nakaalis. pagkagising ko ay may allergies ako. grabe! tapos wedding pa ng pinsan ko nung hapon. hahaha!
fast forward: wedding ng pinsan ko
pormal pormalan ang wedding. ang suot ko ay yung uniform dress ko na sinuot ko na in three other occassions. hahaha! ginanap ang wedding sa don bosco kung saan sila nagkakilala as choir mates. tapos cool kasi tatlong pari ang nagconcelebrate sa wedding nila. yung isa si father tom. yung paring close sa family namin. yung isa naman si father edwin soliva. ang alam ko close siya to the couple pero siya rin yung naging retreat master namin nung 4th year hs. yung pangatlong pari di ko na kilala. yung reception ay ginanap sa enterprise building. hahaha! benta yung pagpunta namin sa enterprise kasi sa sakayan ng jeep kami binaba. eh kamusta naman sa pormal na suot namin. so habang naglalakad papasok nung building ay kunwari wala na lang kaming pakielam sa mundo. wahahaha!
fast forward uli: ako'y refugee nanaman sa bahay ng mga pinsan ko. hehehe! galing kasi kami ng wedding ng cousin ko nung saturday tapos mamaya naman ay pupunta ako ng mall of asia for the acm christmas party. pero i'm going to stay here until wednesday dahil sasamahan ko yung pinsan ko panoorin yung girlfriend niya na kaaway niya ngayon. hahaha!
hanggang dito na muna kasi inaantok na pinsan ko at gamit ko laptop niya. hahaha! :)
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment