.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Monday, December 07, 2009

Another Stranger Story

While waiting for the train after the Christmas party, may isang lalaking nagtanong kung hanggang anong oras nagrurun ang train kasi past 12 am na. Sagot naman ako na it runs until 12:45 so we might be catching the last one.

So akala ko tapos na paguusap namin. Pero nagtanong pa siya, "are you coming home from work?" Kwento naman ako na galing ako ng company party. At humaba pa uli usapan. Medyo iniiwasan ko na nga sumagot ng masyadong detailed questions after that kasi malay ko ba kung mapagkakatiwalaan siya lalo na't hatinggabi na at mag-isa lang ako. Pero nung nagsimula siya magshare ng details about him, medyo nakampante na ako but still a bit cautious.

Dumating ang train at di ako tinantanan ni stranger. Usap pa rin kami tungkol sa Vancouver kasi galing daw siya dun. Sa gitna ng usapan biglang sabi ni stranger...

"You know, your smile is infectious. Like when you smile, other people would smile too."

Ay echosero pa itong si stranger. "Thanks" na lang ang nasabi ko. HAHA!

Tapos usap naman kami tungkol sa winter at malamig na weather. Tapos biglang tinanong niya pangalan ko. Eh bilang honest being ako, sinabi ko naman totoo kong pangalan. "Helen, that's a beautiful name." Ako naman "yeah, I should thank my parents for that." Siya naman daw si Sam. Gusto ko sana sabihin.. "Sam, that's such a common name." Pero kabastusan lang. HAHAHA!

Some more awkward moments later, dumating na rin kami sa stop niya. At bago siya lumabas ng pinto meron pang nalalaman na "Nice meeting you, Helen. I'll remember your name."

Sa dami ng stranger moments ko, di ako nagtataka kung ang mapapangasawa ko ay makilala ko sa ganitong pamamaraan. Haha!

Sunday, December 06, 2009

Pamulatan

I was in 2nd year high school nang samahan ko ang mga kaibigan ko na mag-audition sa acting club na tinatawag naming Pamulatan. Required kasi kami magkaroon ng club kasi considered siya as a subject.

Para makasali ka, kailangan magaudition at magsulat ng 3 talent sa 1/4 sheet of paper (Yung white pa kasi hs pa lang eh. Hahaha!) Yung style ng audition is a bit impromptu. Bubunot ka ng line tapos bibigyan ka ng 30 seconds to think on how to act it out. Ang nabunot kong line ay something like "Clean the floor... Wash the dishes... Mow the lawn." Ginawa ko ay kunwari may inuutusan akong katulong at nagtataray ako na sobrang hindi ako kasi sobrang bait ko hindi ba? HAHAHA! Tapos ang manonood lang sa iyo ay yung club moderator at yung club president na NR THE WHOLE TIME. After nun binasa nila yung "talent" ko. HAHA! Nilagay ko cooking, baking at singing. Benta. Sobrang pambata.

Sabi nila kumanta daw ako bilang talent ko ang singing at di naman ako pwede magluto at magbake dun. Kanta naman ako tapos pinaulit pa nila ng mga 4 times kasi mahina ang aking boses as usual.

Pagkatapos nito, sinubukan rin namin yung ibang club kasi alam namin na di kami papasa. Pero after a week, bigla na lang may nagsabi sa akin na pumasa ako sa Pamulatan. Kagulat-gulat. HAHA! May actress pala ako within. Joke. So ayun I ended up being in that club for a year. Dun ko natutunan ang terminong "internalize" at iba pang paraan upang kapalan ang iyong mukha. Hahaha! Yun nga lang, di ako natuto magpatulo ng luha dahil masyado akong masaya at wala akong iiiyak.

Bakit ko ito kinukwento? Wala narealize ko lang kung gaano ako kacourageous noon to embark on different experiences. Walang isip-isip. Basta go lang. Even sa college. Kung anu-ano pinasukan ko. Pero ngayon parang nawala na yung ganong attitude. Ewan. I miss my old self. Nagbago na ang lahat.

Saturday, December 05, 2009

Idolatry

When I don't have anything better to do... I always watch this video



Or this one...



Kailangan ko pa bang sabihin na pangarap kong maging kasing galing niya? HAHAHA!

Friday, December 04, 2009

Snow Storm

Quel temps fait-il? Il neige et il fait mauvais. Oh-la-la...

Translation: How is the weather? It's snowing and it is bad. Oh-la-la.

May snowstorm kasi today. Dapat suspended rin klase!!! Madaya Pilipinas, ang daming suspension samantalang kami never pa nasuspend. Delikado rin dahil sa black ice. Yung tipong di mo alam na slippery pala yung road kasi clear yung pagkakafreeze ng ice. Sakit yan sa ulo ng mga motorista kaya minsan, imbis na magdrive sila, nag tratransit na lamang.

Speaking of transit... kapag mayelo problema rin ang transit. Laging delayed yung dating ng bus. Huhu. Ibig sabihin, kailangan gumising ng mas maaga kapag snowy. BOOOO! Eh mas masarap nga matulog kapag malamig!!!

Isa nanamang filler post para lang malagpasan yung 179 posts from last year. HAHAHA! 9 more to gooo. Weee.

Thursday, December 03, 2009

Pardon You

Hmm. Kanina may discriminatory comment na nasabi yung cs prof namin. Wahaha!

Habang nagdidiscuss kasi siya may naguusap na dalawang lalaki sa class. Tapos para tumigil siya, sabi niya... "Ladies..."

Napatingin siya sa aming dalawang babae tapos sabi niya... "Helen, Claire, pardon my unbecoming comment... I should have said... 'children' instead... CHILDREN!"

Pero hindi rin ba yung discriminatory para sa mga batang mature? Hahaha! Labo labo.

Di naman kami naoffend. Haha!

Wednesday, December 02, 2009

Two Days Of Absence

Hello katamaran!!! I have been absent for two days straight with no valid reason. Wala lang. Ayoko lang pumasok. Tipong gigising naman ako sa tamang oras pero ayokong lumabas ng bahay. Mga bata, wag tularan.

Pero bukas, promise, papasok na ako. Haha! May quiz kasi kami sa French at nahihiya na ako sa sarili kong balat.

Ano naman ang ginawa ko sa dalawang araw na yan? Wala rin. Hahaha! Tulog kain tv lang. Siguro napagod na yung sistema ko sa school-work-school life ko. Hays. Kaya kailangan next year, magbakasyon enggrande ako. Hahaha!

Para naman kunwari may sense ang post na ito... Family Guy: Something, Something, Something Dark Side trailer



I LOVE STEWIE!

Tuesday, December 01, 2009

Artis-liko

I just saw on the news na tatakbo si Roderick Paulate for a position along with many other artists. One day magigising na lang ang Pilipino at puro artista na ang nagpapatakbo ng gobyerno. Talagang pinapakita lang na tila popularity contest ang elections sa atin. Kung maganda intention nila eh di mabuti pero di ko maiwasan isipin na gagawin nilang "source of income" ang position nila.

Kailan kaya magbabago ang magulong gobyerno natin? Nakakalungkot isipin na isa yan sa mga dahilan kung bakit ang dami dami talagang gusto ng mangibang bansa. Nawalan na ng tiwala sa gobyerno at pag-asa na magiimprove pa ang situation natin. I must say ganyan ang naramdaman ng pamilya namin. Walang nakikinitang future sa Pilipinas.

Ewan, what went wrong? Bakit humantong sa ganito ang gobyerno natin? Hay.

On a happier note... FIRST DAY OF DECEMBER NAAA! YEHEY!