While waiting for the train after the Christmas party, may isang lalaking nagtanong kung hanggang anong oras nagrurun ang train kasi past 12 am na. Sagot naman ako na it runs until 12:45 so we might be catching the last one.
So akala ko tapos na paguusap namin. Pero nagtanong pa siya, "are you coming home from work?" Kwento naman ako na galing ako ng company party. At humaba pa uli usapan. Medyo iniiwasan ko na nga sumagot ng masyadong detailed questions after that kasi malay ko ba kung mapagkakatiwalaan siya lalo na't hatinggabi na at mag-isa lang ako. Pero nung nagsimula siya magshare ng details about him, medyo nakampante na ako but still a bit cautious.
Dumating ang train at di ako tinantanan ni stranger. Usap pa rin kami tungkol sa Vancouver kasi galing daw siya dun. Sa gitna ng usapan biglang sabi ni stranger...
"You know, your smile is infectious. Like when you smile, other people would smile too."
Ay echosero pa itong si stranger. "Thanks" na lang ang nasabi ko. HAHA!
Tapos usap naman kami tungkol sa winter at malamig na weather. Tapos biglang tinanong niya pangalan ko. Eh bilang honest being ako, sinabi ko naman totoo kong pangalan. "Helen, that's a beautiful name." Ako naman "yeah, I should thank my parents for that." Siya naman daw si Sam. Gusto ko sana sabihin.. "Sam, that's such a common name." Pero kabastusan lang. HAHAHA!
Some more awkward moments later, dumating na rin kami sa stop niya. At bago siya lumabas ng pinto meron pang nalalaman na "Nice meeting you, Helen. I'll remember your name."
Sa dami ng stranger moments ko, di ako nagtataka kung ang mapapangasawa ko ay makilala ko sa ganitong pamamaraan. Haha!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
haha nakakafreak out kung isipin mo na sa pilipinas yang stranger encounters mo. pag may nagtanong sakin ng mga ganyan aalis na ako agad hahahah
ReplyDeleteoo kung sa pilipinas talaga magfreakout ka na. eh dito kahit yung mga high o lasing kinakausap pa ng mga normal na tao. haha! kaloko.
ReplyDeletebaka nga, si mr. blue eyes? makita mo pag sakay ng bus one day...
ReplyDeletekailangan talaga blue eyes. bwahaha! malay nga natin di ba?
ReplyDelete