Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, December 06, 2009

Pamulatan

I was in 2nd year high school nang samahan ko ang mga kaibigan ko na mag-audition sa acting club na tinatawag naming Pamulatan. Required kasi kami magkaroon ng club kasi considered siya as a subject.

Para makasali ka, kailangan magaudition at magsulat ng 3 talent sa 1/4 sheet of paper (Yung white pa kasi hs pa lang eh. Hahaha!) Yung style ng audition is a bit impromptu. Bubunot ka ng line tapos bibigyan ka ng 30 seconds to think on how to act it out. Ang nabunot kong line ay something like "Clean the floor... Wash the dishes... Mow the lawn." Ginawa ko ay kunwari may inuutusan akong katulong at nagtataray ako na sobrang hindi ako kasi sobrang bait ko hindi ba? HAHAHA! Tapos ang manonood lang sa iyo ay yung club moderator at yung club president na NR THE WHOLE TIME. After nun binasa nila yung "talent" ko. HAHA! Nilagay ko cooking, baking at singing. Benta. Sobrang pambata.

Sabi nila kumanta daw ako bilang talent ko ang singing at di naman ako pwede magluto at magbake dun. Kanta naman ako tapos pinaulit pa nila ng mga 4 times kasi mahina ang aking boses as usual.

Pagkatapos nito, sinubukan rin namin yung ibang club kasi alam namin na di kami papasa. Pero after a week, bigla na lang may nagsabi sa akin na pumasa ako sa Pamulatan. Kagulat-gulat. HAHA! May actress pala ako within. Joke. So ayun I ended up being in that club for a year. Dun ko natutunan ang terminong "internalize" at iba pang paraan upang kapalan ang iyong mukha. Hahaha! Yun nga lang, di ako natuto magpatulo ng luha dahil masyado akong masaya at wala akong iiiyak.

Bakit ko ito kinukwento? Wala narealize ko lang kung gaano ako kacourageous noon to embark on different experiences. Walang isip-isip. Basta go lang. Even sa college. Kung anu-ano pinasukan ko. Pero ngayon parang nawala na yung ganong attitude. Ewan. I miss my old self. Nagbago na ang lahat.

0 comment(s) :

Post a Comment