dammit! dahil naputulan na kami ng cable at umiral nanaman ang tv addict side of me, humanap ako ng pwedeng panoorin and to my surprise... meron akong stack of cds na hindi ko pa rin napapanood since last summer. grabe!!!
i know i should have studied instead dahil sa patong-patong na exams next week pero wala eh... tv is just simply my best friend. well technically, hindi ako nanood sa tv set pero dahil tv series naman yung pinanood ko, tv addict pa rin. hehehe!
kainis lang dahil sobrang nakakabitin yung last episode na napanood ko. argh!!! dahil diyan, may first mission na ako this summer, that is, to find the remaining episodes of how i met your mother (the title of the series i watched) hehehe!
sitcom siya about this guy who in the year 2030 is telling his kids how he met their mother. so yung series mismo ay parang flashbacks to the present. basta, ang cute lang nung mga episodes at sort of nakakarelate ako dun sa guy. hahaha! anywho... ngayon ay kinakabahan na ako dahil parang dapat yata ay nagaral ako. wahahahaha! biglang ganon eh... wahahahaha!
due to insistent public demand, nilibre kami ni maryann, rodrey and elaine dahil magkakalapit ang birthday nila at halos sunod sunod hehehe! buti na lang tatlo sila dahil 16 kaming palamunin.
the 16 include... 1) maryann: (unang celebrant) na sobrang goddess na talaga dahil inuwi ang red ribbon (makes things more beautiful) 2) rodrey: (pangalawang celebrant) na nasa spotlight for the past few days dahil sa kanyang nakaraan with... oo, siya... hahaha! 3) elaine: (pangatlong celebrant) na ang birthday wish ay pedicab... improvement! hehehe! 4) reggie: na nagmukhang class adviser naming 16 dahil sa kanyang pormal na kasuotan 5) julie: na nag-ala madame auring sa pagbasa ng horoscope ng tatlo for the day 6) jaymee: na himalang nandoon at magtatanggol sa amin sa dilim 7) alvin: na nahanapan na rin namin (after 3 years) ng maaasar 8) hannah: na siyang natagpuan naming maaasar kay alvin 9) pedro: na ayaw pa daw nung chocolate mousse pero said na said ang plato 10) steph: na nasa meeting na may patok jeep-like sounds 11) dy: na tahimik dahil sa kanyang inner lagnat... awww 12) mark: na sobrang natuwa sa pagkakaroon ng banyo doon 13) kristel: na cool na cool with her new red eyeglasses look 14) david: na tumayong aming camera man 15) denise: na nilalamig... BRRRRRRRRRRR! 16) at ako! hehehe!
sa bora grill naganap ang kanilang panlilibre. hindi ko inaakalang may nageexist na ganong lugar malapit sa up at medyo parang kainan sa boracay yung itsura ng lugar. hahaha! kulang na lang white sand beach, feel na feel na talaga ang summer ahahaha!
sulit na sulit naman yung libre nila. parang walang tigil nga ang pagdating ng pagkain eh. hahaha! tipong di tumitigil sa paggalaw yung mga tao dun dahil ang bilis maubos ng kanin. hahaha! nakaramdam rin ako ng pagod sa tuloy-tuloy na pagkain... parang nanumbalik nga ang feeling sa chocolate buffet eh. hahaha!
siyempre, hindi nawala ang picture taking at sa lahat ng maaaring makaligtaan dalhin, camera pa talaga ang nakalimutan. hahaha! mabuti na lang at techy world na ngayon at may camera na sa cellphone. after niyan ay uwian na dahil marami pa ring mga deadlines. mabuti na lang at may dumaan na ikot na wala halos laman doon sa sakayan at nagkasya kaming lahat sa iisang jeepney. hehehe!
pagdating sa vinzons, nagpaalamanan na at nasaid ang laman ng jeep. hehehe!
anyway, kung nababasa niyo man ito...
HAPPY BIRTHDAY GODDESS, RODNEY AND JOYJOY! hehehe! sa uulitin! :)
next stop: semender! sama lahat! the more the plentier!
dahil for the past two days, grey's anatomy lang ang napapanood ko sa tv, tungkol sa grey's anatomy ang aking topic for this post. may linya si meredith sa grey's anatomy na goes something like this:
At some point, you have to make a decision. Boundaries don't keep other people out. They fence you in. Life is messy. That's how we're made. So, you can waste your lives drawing lines. Or you can live your life crossing them. But there are some lines... that are way too dangerous to cross.
kung ganon nga lang sana kadali magcross ng kung ano mang line eh di sana wala ng problema. masaya ang lahat! ngunit, hindi. ang hirap kasi eh. tulad ng laging tinuturo sa cs, laging may trade-off...
may dalawa akong pasalubong from kuya jigs who came home from china two weeks ago. yung isa ay pretty na notebook which i am saving for a special purpose. yung isa naman ay lucky charm na half dragon and half dog na for studies daw. sana totoong lucky charm nga siya. hehehe! pero if ever hindi man totoong nageexist ang lucky charm, siguro it would serve as a reminder na lang to study well. (na sana magawa ko! hehehe!)
bakit ako nagpost ng ganito?!
reason 1: natouch lang ako na pinasalubungan ako ni kuya jigs. hehehe! kung magkakaroon ako ng mas matandang kapatid, siya na siguro ang gusto kong maging kuya. gusto ko talaga na kuya. ayaw ko ng ate dahil ayon sa mga kaibigan kong girls na may mga ate, madalas daw kayo magaaway. mas ok daw na kuya dahil parang magseserve daw ang protector of sorts. hehehe!
reason 2: nagpapanic ako dahil wala akong ginagawa pero dapat meron akong ginagawa sa acads. so feeling ko naman makakatulong ang lucky charm?! hahaha!
reason 3: naputulan na kami ng cable dahil lilipat na kami so i'm left with internet na lang and the grey's anatomy dvd na i finally got to borrow na after x weeks. :D
medyo late na ako nakauwi nung friday dahil nagaya si elaine sa sm north. besides doing what i had to do, we ate dinner sa tokyo tokyo and played sa arcade. unexpectedly ay maraming sumama kahit na maraming deadlines for the next week at kahit na ang dahilan ng pagpunta doon ay trip trip lang. siguro, people just wanted to unwind before sumabak sa final 3 bloody weeks of the semester. hehehe!
when i got home i had to sleep early dahil 6:15 daw yung departure ng bus for the field trip sa geog 1 the following day. before sleeping i had to take a painkiller dahil sobrang sakit ng puson ko.
i arrived school a few minutes after 6:00. hindi ko ineexpect na maraming students sa field trip. i even saw some computer science students pero by face ko lang kilala yung iba. nakita ko rin agad si julie. we left u.p. around 6:30 na and arrived subic ng 10:00. ngayon ko lang narealize na matagal yung biyahe namin pero dahil tulog lang ako most of the time, hindi ko na napansin yun.
pinick-up muna namin yung tourist guide tapos nagrolling tour muna kami sa subic. actually, third time ko na sa subic. yung unang punta memorable dahil first time ko na makapag-jetski. yung pangalawa naman memorable dahil may kalokohang ginawa ang pamilya ko. hehehe!
11:30 nakarating na kami sa pamulaklakin trail. nakapunta na ako dito nung second trip namin. may demonstration muna from the aetas tapos mayroong 2 trails na pwede mong tahakin. isang maikli (nakalimutan ko na yung exact length) na nilakad namin nung second trip and yung isang mahaba na 1.5 kilometers na siyang nilakad namin yesterday. sa gitna ng trail ay masama na ang pakiramdam ko dahil second day ng monthly period ko yesterday. medyo namumutla na nga daw ako sabi ni julie pero dahil ayaw kong mawala in the middle of the forest, kailangan kong ituloy ang laban. hehehe! around 12:00 kami nagstart and 2:30 na kami natapos. at this point ay wala pa kaming lunch at may nawala pa ata kaming classmates. 3:00 na lumitaw ang nawawala naming kaklase at dahil di naman ako close sa mga classmates ko, di ko alam kung ano talaga ang nangyari sa kanila.
3:15 na ata kami nakapaglunch sa rali's grill (na included dun sa binayaran namin). masarap naman yung pagkain pero based sa nakita namin sa menu ay mukhang mahal yung kinain namin. we then headed sa mangrove. sobrang ganda ng view at napakapeaceful nung lugar. gusto ko na lang sana manatili doon forever pero we had to move forward.
the next stop was sight seeing ng mga fish. ang linaw nung water kaya kitang kita yung fishes. hindi talaga ako fond sa fish dahil medyo alien-looking sila for me pero kakaiba yung mga fish doon. hehehe! habang nagvieview ng fishes ay gusto ko na sana tumalon sa water dahil mainit at masarap sana lumangoy. 15 minutes lang kami doon dahil late na kami sa schedule at may final stop pa kami. ang final stop... duty free.
1 hour ang binigay sa amin for shopping pero dahil wala naman kaming pera, sobra sobra yung isang oras. bumili lang ako ng ilang pasalubong na chocolate and candies (hehehe! parang ilang araw lang ang nakakalipas na sinusumpa ko ang chocolate) tapos natripan namin ni julie na pumunta sa national bookstore. umikot kami saglit tapos sakto lang ang pagbalik sa bus dahil umalis na rin kami kaagad. a few minutes after 6:00 kami nakaalis. habang pabalik sa manila ay sumakit nanaman yung puson ko and to add to that, nagkamigraine pa ako. binali wala ko lang dahil akala ko mawawala lang rin naman yung pain pero palala talaga ng palala. 9:30 na kami nakarating ng u.p. and by this time ay feeling ko mahihimatay na ako. hindi naman ako nahimatay pero sobrang sama na ng pakiramdam ko na hindi ko na alam kung paano ako nakatulog kagabi.
enjoy naman yung field trip pero dahil hindi gaano maganda yung pakiramdam ko, i did not enjoy it as much as i expected to. ang happy thought na lang siguro na ibabaon sa trip ay nahiritan ng mga kaklase ko si sir na wala kaming class sa geog1 tomorrow. hehehe!
walang relasyon: nakita ko lang sa isang status message na nanalo si teresa licaros sa binibining pilipinas. i checked kung siya nga yung kilala kong teresa licaros and turns out na siya nga yun. may ghad! who would have thought na yung dati kong kaservice ay magiging binibining pilipinas-universe. hehehe! congrats sa kanya kahit di naman kami close.
yeyness! may dial tone na!!! nung madaling araw lang daw nagkaroon ng dial tone pero ngayon ko lang nalaman. (just proves na ginagawa ko na lang tulugan itong bahay namin. hehehe!) salamat sa glaxo-smithkline-beecham (makers of aqua fresh... nagpromote?) dahil nagdemand sila na ayusin ang telephone lines at nadamay pati ang subdivision namin. whooo!
medyo good timing ang pagkakaroon ng internet dahil medyo kailangan ng internet sa mga panahong ito. medyo lang naman... nageexist pa rin naman ang mga libro sa library para makapagresearch para sa mga kailangan iresearch pero mas madali pag ginoogle mo na lang ang mga bagay bagay. hehehe!
so what has been up lately?
Yesterday 145 exam yesterday. 6 hours before the exam ay nasa 5th floor na kami at nagrereview... mali... nagcracram rather. hahaha! pero pagdating nung exam ay nangamote ako. hay. based sa reactions ng mga tao paglabas ng room, maraming nahirapan sa exam. even today, a day after the exam, ay ayaw pa rin pagusapan ng mga tao ang exam as if isa itong traumatic experience. hehehe!
Today isang subject lang ang ipinasok ko today dahil wala nanamang cs130. feeling namin, busy si sir yap kaya walang pasok dahil nakita namin siya sa canteen carrying a tower of books. hindi ko alam ang status ko sa subject na ito dahil iisang exam pa lang ang natatake namin at wala pa kaming nadidiscuss for the next exam... scarryyy!
Tomorrow medyo pondering mode ako sa kung paano iplaplano ang buhay ko. naaamaze ako dahil nagsisimula na akong magplano ng buhay. siguro epekto ito ng sandamukal na company talks na inattendan ko o di kaya it comes with the age. yaack! katandaan! hahaha! pero mabuti na rin na may plano para may patunguhan.
step 1 ng roadmapping ng buhay ay alamin kung saan nakikita ang sarili ko 5 years from now. so where do i see myself 5 years from now nga ba? if all goes well, nasa canada (ang hirap sabihin!!!) na ako. either may part time job and studying culinary arts or may scholarship sa kung anong course. i'd rather be in the first situation kahit na mukhang mas mahirap yun. at least masaya naman ako. hehehe! hanggang diyan pa lang ang naiisip ko. the rest is yet to come.