.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, January 10, 2007

missing aa

copied and pasted from kristine's blog:

"...sabi ni sister Iris WIFI na ang buong AA. IN-FAIRNESS!!! hahah dalhin na daw natin laptops natin dun! i miss siter iris! haha napupuyat daw sha lately kasi nageenjoy sha sa wifi! haha ang cute!"

hahaha! benta talaga si sister iris (who is well known for going around the school with her handy dandy bike! AND hesitant ang students to talk to her kasi american nun siya...wahahaha!)

grabe! how i wish naabutan ko yan nung highschool pa ako and the "zen garden" as well. craaaap! i miss aa! ang tagal ko ng hindi nakakabalik... last time i was there, fleur and i picked up our yearbook.

ang namimiss ko sa aa ay yung "lazy afternoons" namin kasi laging walang classes for practice sa kung ano nanamang school production. hahaha! nakahilata lang kami sa mga classrooms with our mats tapos share share sa earphones ng cd players. tapos magscascavenge kami for food sa mga classmates na masipag magbaon ng lunch dahil wala kaming dalang lunch of our own at ayaw gumasta ng pera. waaahahahaha! awww... those were the days.

wishing na sana mag highschool reunion yung section namin. gragraduate na yung mga lasallians di pa kami nagkikita kita... waaaah!!!

Sunday, January 07, 2007

breaktime

nagbabasa ako kanina ng readings sa MuL13 at break ko ngayon. so far, i have learned that i can actually read required readings. hehe! usually kasi nagrerely lang ako sa notes o di kaya sa abridged version of the readings (also known as outlines). but this time, tinatangka kong may mapulot sa readings. hehehe! at dahil nagbabasa na ako ng reading, for the first time ever, naubusan ng tinta ang highlighter ko! whooooohoooooo! hahaha! natuwa pa.

at siya nga pala, deadline na ng problem set sa cs130 bukas at di ko ginawa! yehey! hahaha! excuse kuno na may upcoming exam sa tuesday but i could've done all this during the christmas break. hahaha!

Saturday, January 06, 2007

balot

nung bata pa ako, either dunkin donuts o balot ang pasalubong ng tatay ko sa akin. medyo weird kasi parang wala naman akong kakilala na pinapasalubungan ng magulang nila ng balot. hehehe! pero masarap naman talaga ang balot. wag mo lang iisipin na isa yung fetus ng ibon. (gaya ng di natin pagisip na ang fried chicken ay mga manok na tumitilaok tuwing umaga hehehe!)

nakwento ko yan kasi parang pateros ngayon sa dami ng balot sa bahay. paano, may dumaan na manlalako ng balot sa may tapat ng bahay namin. nagpabili ako sa nanay ko ng medyo marami kasi bigla akong napaibig sa balot. tapos paguwi ng tatay ko, bumili rin pala siya. hahaha! kaya ayun, balot happiness!

Friday, January 05, 2007

walang klase

kahit akala kong walang klase sa MuL13 kanina ay dumiretso pa rin ako ng college of music para magpaphotocopy ng additional lectures at bumili nung cd para sa ieexam namin sa tuesday. pagdating ko doon, nakita kong bukas pintuan ng room namin at may pumasok na parang student rin pero di ako sigurado kasi di pamilyar mukha niya sa akin. so after gawin ang pinunta ko doon ay sumilip ako sa loob para tignan kung may makikita akong more familiar face. at may nakita nga akong pamilyar na mukha. so i guess may pasok nga kami.

pagupo ko sa usual kong inuupuan, napansin ko na parang aral ng aral ang mga kasama ko sa room. pati yung cd ay parang memorize na nila. bigla akong kinabahan kasi si ate photocopy ay tinanong ako kung di pa raw ba exam today at baka nga exam na sa araw na ito. dahil napaka antisocial ko sa klaseng yun, naghintay na lang ako ng ibang taong magtatanong sa kanila. habang naghihintay ay nagiisip na ako kung aalis na lang ba ako ng room sa oras na malaman kong may exam nga sa araw na yun o itry na lang magexam kahit zero knowledge talaga. buti na lang may dumating na tao na nagtanong sa kanila at ang sagot ay "wala... sa january 9 pa." waaaaaah! kinabahan talaga ako doon.

dahil nga akala ko ay wala talagang pasok sa MuL13 ay di ako nagbreakfast sa bahay thinking na makakapagbrunch ako sa school. pero dahil nga nagklase ako sa MuL13, tiniis ko na ang gutom. buti na lang pagdating ko ng department, may christmas gift na polvoron si jaymee. hahaha!

wala ring klase sa cs165 at dahil gusto namin makauwi ng maaga, nagsit-in na lang kami dun sa earlier class ng cs145. nanood kami nung mahabang discussion/lecture ni cerf and karn (na akala ko talaga dati ay cerf and kahn dahil na rin siguro kay kublai kahn hahaha!) tungkol sa networking. habang pinapanood ang kanilang lecture ay alternate na naghihikab ako, nagwander ang utak ko at sinusubukan manood ng totohanan. hahaha! maikli talaga minsan ang attention span ko (o dahil ba gutom ako...? PALUSOT! hahaha!)

after ng klase ay nagsikain kami sa canteen. naibsan na rin ang aking gutom. kung dati ay dalawang tables lang ang kailangan para maaccomodate ang lahat, ngayon ay tatlo na. ginawa pa naming L-shaped yung hugis ng table. wahaha! nakakaaliw tignan na medyo nagiging komportable na maging magkakasama yung mga dating di magkakasama.

... at bigla akong binalot ng kalungkutan. huhuhu!

Wednesday, January 03, 2007

additional

...at wala pa rin akong nagagawa (na academically related) whooo! imbis na nagaaral ay kung anu ano ginawa ko (for example... the slide you now see at the left column :P)

tsk! itutulog ko na lang ang aking worries. bhad!!!

Tuesday, January 02, 2007

procrastination

anecdote muna about the title: before ako magcollege, iniisip ko for the longest time na ang ibig sabihin ng procrastination ay pagmumuni muni. hahaha!

anyway, sobrang i have put things off this christmas break to a point na wala pa rin akong nagagawa hanggang ngayon at bukas na ang first day of classes. ngayon ay kinakabahan na ako (pero di pa rin nagsisimula) *clap clap clap*

walang connection sa title: sumasakit ulo ko sa nanay ko dahil humihirit ng mga bagay na hindi dapat hinihirit ng nanay. hahaha!

Monday, January 01, 2007

mga pagbabago

yey! new year na... palagay ko naman ay nafulfill ko yung resolution ko last year and in doing so ay nagkaroon ng kaunting direksyon ang buhay ko. this year, wala naman akong ginawang/nagawang resolution. marami kasing expected big changes sa buhay ko at naging preoccupied sa pagiisip niyan. bagong taon, bagong buhay talagaaa.

una na diyan ang maaaring paglipat ng bahay dahil itong tinitirhan namin ay gusto ng ibenta. tapos kung lilipat kami dun sa dating bahay ng lola ko sa lagro, may complications na mangyayari na medyo gagawing unstable ang aming buhay. grabe! at una pa lang yan. ang pangalawa ay tungkol naman sa aking pagaaral. di ko alam kung matatapos pa ako ng college dito (sa up o sa pilipinas) craaap! sabi ng nanay ko, basta ituloy lang daw na normal ang buhay at wag isipin yan pero minsan talaga di ko pa rin maiwasang isipin na parang pinaglololoko ko na sarili ko sa pag-take ng compsci lalo na ngayon at may ganyan pa. hay. and for the grand finale... clan diaspora. whoooo! mauubos na ang lahing gan (note: gan ang aking middle name) sa pilipinas.

puros yan ang pinaguusapan sa lahat ng family gathering namin nung pasko at ngayon. sobrang pinaplano na talaga ng lahat ang pag move doon. tapos kanina, tinanong na ako ng nanay ko ng "the question" (kung dito ko gusto magtapos o doon) at ang naisagot ko ay doon. naisip ko rin kasi na mahirap kung maghihiwalay pa kami eh tatatlo na nga lang kami sa pamilya - ako, nanay ko, tatay ko... bow. hahaha! at iniisip ko rin naman na di ko rin talaga linya ang computer science lalo pa nung nalaman ko na yung university na malapit sa lilipatan namin ay pinaggraduatan ni james gosling waaaaaaaaaah! freak out! hence siguro kung kailangan na nga naming umalis ay sasama na lang rin ako. siguradong marami akong mamimiss dito especially mga kaibigan, kakilala at gustong kilalanin kung sakaling matuloy kami this year.

sa ngayon, "tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..." yeah.