Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, January 05, 2007

walang klase

kahit akala kong walang klase sa MuL13 kanina ay dumiretso pa rin ako ng college of music para magpaphotocopy ng additional lectures at bumili nung cd para sa ieexam namin sa tuesday. pagdating ko doon, nakita kong bukas pintuan ng room namin at may pumasok na parang student rin pero di ako sigurado kasi di pamilyar mukha niya sa akin. so after gawin ang pinunta ko doon ay sumilip ako sa loob para tignan kung may makikita akong more familiar face. at may nakita nga akong pamilyar na mukha. so i guess may pasok nga kami.

pagupo ko sa usual kong inuupuan, napansin ko na parang aral ng aral ang mga kasama ko sa room. pati yung cd ay parang memorize na nila. bigla akong kinabahan kasi si ate photocopy ay tinanong ako kung di pa raw ba exam today at baka nga exam na sa araw na ito. dahil napaka antisocial ko sa klaseng yun, naghintay na lang ako ng ibang taong magtatanong sa kanila. habang naghihintay ay nagiisip na ako kung aalis na lang ba ako ng room sa oras na malaman kong may exam nga sa araw na yun o itry na lang magexam kahit zero knowledge talaga. buti na lang may dumating na tao na nagtanong sa kanila at ang sagot ay "wala... sa january 9 pa." waaaaaah! kinabahan talaga ako doon.

dahil nga akala ko ay wala talagang pasok sa MuL13 ay di ako nagbreakfast sa bahay thinking na makakapagbrunch ako sa school. pero dahil nga nagklase ako sa MuL13, tiniis ko na ang gutom. buti na lang pagdating ko ng department, may christmas gift na polvoron si jaymee. hahaha!

wala ring klase sa cs165 at dahil gusto namin makauwi ng maaga, nagsit-in na lang kami dun sa earlier class ng cs145. nanood kami nung mahabang discussion/lecture ni cerf and karn (na akala ko talaga dati ay cerf and kahn dahil na rin siguro kay kublai kahn hahaha!) tungkol sa networking. habang pinapanood ang kanilang lecture ay alternate na naghihikab ako, nagwander ang utak ko at sinusubukan manood ng totohanan. hahaha! maikli talaga minsan ang attention span ko (o dahil ba gutom ako...? PALUSOT! hahaha!)

after ng klase ay nagsikain kami sa canteen. naibsan na rin ang aking gutom. kung dati ay dalawang tables lang ang kailangan para maaccomodate ang lahat, ngayon ay tatlo na. ginawa pa naming L-shaped yung hugis ng table. wahaha! nakakaaliw tignan na medyo nagiging komportable na maging magkakasama yung mga dating di magkakasama.

... at bigla akong binalot ng kalungkutan. huhuhu!

0 comment(s) :

Post a Comment