yey! new year na... palagay ko naman ay nafulfill ko yung resolution ko last year and in doing so ay nagkaroon ng kaunting direksyon ang buhay ko. this year, wala naman akong ginawang/nagawang resolution. marami kasing expected big changes sa buhay ko at naging preoccupied sa pagiisip niyan. bagong taon, bagong buhay talagaaa.
una na diyan ang maaaring paglipat ng bahay dahil itong tinitirhan namin ay gusto ng ibenta. tapos kung lilipat kami dun sa dating bahay ng lola ko sa lagro, may complications na mangyayari na medyo gagawing unstable ang aming buhay. grabe! at una pa lang yan. ang pangalawa ay tungkol naman sa aking pagaaral. di ko alam kung matatapos pa ako ng college dito (sa up o sa pilipinas) craaap! sabi ng nanay ko, basta ituloy lang daw na normal ang buhay at wag isipin yan pero minsan talaga di ko pa rin maiwasang isipin na parang pinaglololoko ko na sarili ko sa pag-take ng compsci lalo na ngayon at may ganyan pa. hay. and for the grand finale... clan diaspora. whoooo! mauubos na ang lahing gan (note: gan ang aking middle name) sa pilipinas.
puros yan ang pinaguusapan sa lahat ng family gathering namin nung pasko at ngayon. sobrang pinaplano na talaga ng lahat ang pag move doon. tapos kanina, tinanong na ako ng nanay ko ng "the question" (kung dito ko gusto magtapos o doon) at ang naisagot ko ay doon. naisip ko rin kasi na mahirap kung maghihiwalay pa kami eh tatatlo na nga lang kami sa pamilya - ako, nanay ko, tatay ko... bow. hahaha! at iniisip ko rin naman na di ko rin talaga linya ang computer science lalo pa nung nalaman ko na yung university na malapit sa lilipatan namin ay pinaggraduatan ni james gosling waaaaaaaaaah! freak out! hence siguro kung kailangan na nga naming umalis ay sasama na lang rin ako. siguradong marami akong mamimiss dito especially mga kaibigan, kakilala at gustong kilalanin kung sakaling matuloy kami this year.
sa ngayon, "tuloy pa rin ang awit ng buhay ko..." yeah.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment