bukas, huling araw na namin sa c.w.t.s. 2, hindi ako mapakali kasi nalulungkot ako. isang taon ko rin silang nakasama sa tawanan at damayan. obviously, hindi ko makakalimutan ang mga araw that i've spent with these people.
nung isang araw, tinawag kami ni sir andre para i measure katawan namin nina jaymee at angelica... has something to do ata with i.e. club. tapos nabanggit niya na minention daw nung isang junior instructor na ayos daw grupo namin. bukod sa totoong may ginagawa, nag-au2tomatic belaying kami. at get this, gusto daw niya pumasok na maaga bukas dahil excited daw siya sa helicopter!!! gusto ko sanang itanong kay sir andre "ok lang kayo kuya? anong nakain niyo?! ha? ha?" ehehe! pero kahit ganon yun, medyo mamimiss ko rin yun. kahit na hindi naman talaga close grupo namin sa kanya. kahit na hindi na kami gaanong nagkita ngayong semester. mamimiss rin namin yun kasi kami ang ever-loyal fans ni master rappeler. ehehe!
i can't imagine my third year (yes, i wish na mag third year ako) without c.w.t.s. masyado na siyang na instill sa sistema ko na parang kulang na pag wala siya. hay, nakakalungkot talaga. mamimiss ko talaga everything about c.w.t.s. sa totoo lang i always look forward to wednesdays (kahit na minsan ay may test pa kami sa c.s. 32) dahil sa kanila.
it's hard to say goodbye to friends. kaya see you around na lang team leader kahit na alam nating it wouldn't be the same. thanks for the happy memories.
at last! tapos na ang huling m.p. this semester. medyo mamimiss ko rin ang mga late nights na paggawa nun... naaahhhh! who am i kidding?! masaya ang walang masyadong iniisip. hehe!
malapit na ring matapos ang sem. mukhang aabot pa ako ng third year pero dadanak nanaman ang dugo sa acad life. haha! at least more time to be with ole and newly found friends! yey! yey! mamaya makikita ko kung magiging ka-course ko pinsan ko. haha! feeling ko pasado siya. so pano na yun? hmmm, pano kaya kung sumali siya ng cursor? haha! ang liit na ng mundooo!!! hehe! ayos lang, basta masaya ayos lang.
wala ng kwenta simusulat ko kasi naman anong oras na helen?! haha! shit! 8:00 nga pala pasok ko. tulog na ako.
current lss: will of the wind important verse: love would fade like summer into fall
yey! na stuck nanaman ako sa m.p. di ko na alam kung anong gagawin ko kaya for the mean time ay magpopost muna ako dito.
actually, ngayong araw lang ako nagstart gumawa ng m.p. dahil nung friday ay nilagnat ako tapos nung sunday naman ay nabinat ako haha! kamusta naman? pero ok lang. masaya namang lumangoy eh. masaya pa kasi andami kong nakitang ka-batch ko nung araw na yun tapos lahat sila suot yung swimsuit namin nung high school. hehe! dapat pala yun na rin yung sinuot ko para mas masaya.
naaalala ko nung 4th year kami. di ako nakapagswimming kasi halos kakahilom lang ng sugat ko sa kamay. kaya inggit ako sa mga classmates ko nun. hayyy, pero at least nung 1st year 1st sem ko naman ay swimming yung nakuha kong p.e. hehe! kahit halos alam ko na yung mga tinuro, marami akong techniques na natutunan non.
gusto ko sanang sumali ng swimming team ng u.p. pero ayaw kong patayin ang sarili ko. hahaha! ngayon pa nga lang na may 2 org ako at acads na iniintindi di na ako magkamayaw, pano pa pag sumali ako dun? saka i'm not competent enough. sure alam ko yung strokes (except sa butterfly) pero patay na pag endurance ang pinaguusapan. haha! di bale, i'll swim for liesure na lang. matagal na naman akong nabuhay sa ganoong gawain... nakakahinayang nga lang na di ko magamit ang aking "skills" in a usual basis. kung may pagkakataon lang saka nagagamit. di kaya magalit sa akin ang Diyos pag ganon? kasi di ba dapat use your talents daw? talent nga ba yun? ay ewan, ang gulo na ng utak ko. balik m.p. na nga lang...
imbis na gumagawa ako ng m.p. o di kaya'y nagaaral para sa g.e. 1, ito ako, nagpopost sa blog na dadalawang tao lang ang nagbabasa (ako at si james) hahaha! james kung nababasa mo ito, ikaw pa lang kasi so far ang nakakaalam ng link sa blog ko.... uyyy! flattered! bwahahaha, let me explain kung bakit nagkaganon. kasi meron akong bagong rule... ibibigay ko ang link basta sila ang nagtanong. ayaw ko kasing mamigay ng address. ang labo. hahaha! so ayun, basically para akong sira ulo dahil alam kong dadalawang tao lang naman talaga ang nagbabasa ng blog na ito pero nagpopost pa rin ako. hahaha!
ok, ito na ang seryosong kwento for the day. kanina, mga tatlong beses ata naglabas-masok sa library para sa g.e. 1 at nakahiram ako for the first time ever ng libro sa library! o di ba, achievement (hehehe! ang babaw) pero yun talaga ang main reason kung bakit ako hindi kumikilos ngayon. feeling ko kasi i need a break. bukas na lang ako mag-oon-the-go. so dahil feeling ko ay kailangan ko ng break, sumama ako sa mcdo kina maryann at denise (w/ the special participation of elle, aa and cecille)
nung una, medyo light lang ang usapan pero nang lumaon ay naungkat na ang istorya ng bawat isa (tungkol sa buhay pag-ibig) hehehe! siyempre wala akong ishashare dahil jologs ako o kung may ishashare man ako eh jologs pa rin yung ishashare ko. hehehe! tapos on the way home, tinanong ako ni elle kung dapat bang malungkot sa pagkakaroon ng mga "lovestory" na laging sad ang ending. ang sagot ko naman sa tanong niya ay hindi kasi in my point of view, mas ok nang may "lovestory" ka kahit na laging masaklap ang ending kaysa zero, nada, o wala talaga. (hindi na ito parte ng sagot ko sa kanya... nasa isip ko na lang ito kanina) palagay ko kasi, mas matututo ka. maeexercise ang puso mo para pagdating ng panahon na andyan na talaga siya, kakayanin ng puso mo. hehehe!
which leads me to my next question, paano mo ba malalaman na ayun na siya? (shiet ang cheesy na nitong post na ito pero since irereiterate ko na dalawa lang ang nagbabasa nito, go lang ng go... bwahahaha) bigla ka bang makakarining ng music? bigla bang liliwanag ang iyong paligid? bibilis ba tibok ng puso mo? iikot ba mundo ko? ewan ko ba. basta ang alam ko lang, hindi ko pa siya nahahanap o baka naman hindi pa niya ako nahahanap o baka naman hindi kailangang maghanap dahil dapat natural lang. ang gulo talaga ng pag-ibig. masalimuot. nakakalito. pero kahit ganon, pilit ko pa rin siyang gustong maintindihan.
may isa akong nabasang forwarded e-mail (note: hindi talaga ako nagbabasa ng forwarded mail) at siguro sinadyang mabasa ko yun. tungkol siya sa views ng mga bata tungkol sa pag-ibig at ito na lang siguro ang ipangtatapos ko sa sobrang disorganized na post na ito. (parang organized naman yung previous post ko noh?)
ito ang favorite na sagot ko: "when someone loves you, the way they say your name is different. you just know that your name is safe in their mouth." (awwww!)
grabe, parang isang linggong pahinga pa lang ang nakakalipas, tumatambak nanaman ang trabaho. hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. parang halos lahat kasi ng subject ko ngayon ay nakalagay sa alanganin. di ko alam kung ano ang pagtutuunan ng pansin. gusto ko mang bigyan ng ample amount of time ang bawat subject, parang di ko magawa dahil parang kulang ang 24 hours in a day para magawa iyun.
alam kong wala akong karapatang mag-maktol tungkol sa mga bagay na ito kasi alam kong mas maraming tao na mas busy kaysa sa akin at nakakaya naman ang mga bagay na ito. nagtataka ako kung natutulog pa yung mga yun eh. para kasing ang dami nilang naaaccomplish within a day at take note! feeling ko effortless pa ito. bakit kaya may mga taong pinanganak na ganoon?! sana ganoon na lang rin ako...
siguro, sadyang tamad lang talaga ako. pero sa palagay ko naman, sumisipag na ako. ang labo! basta, gusto ko nang matapos ang lahat ng dapat matapos. gusto ko nang makatulog ng matino at payapa. (tamad talaga! hehehe)
S.O.S, february is fast approaching! argh! sa lahat ng buwan sa taong 2006, pebrero siguro ang pinaka ayaw kong month so far. paano ba naman, unang linggo pa lang eh dudugo na ata ilong ko sa pinagsanib na puwersa ng mga subjects ko ngayon. tama bang halos sabay sabay exam ko sa lahat ng subjects ko... oo! mapa-major or g.e. may exam ako sa unang linggo ng pebrero. tsk! kamusta naman di ba?! idagdag pa dito ang inaanticipate kong anxiety attack pag-apak ng feb 1 so paano na ako? di kaya mabuwang na ako paglipas ng unang linggo ng february? ehe!
kahit nakapaloob sa buwan na ito ang araw ng mga puso, wala akong pakielam! ayaw ko pa rin sa kanya!!! february should be erased from the calendar. we can spread the love anytime we want to... in fact isang malaking kamalian na magset ng iisang araw para sa puso, nalilimit tuloy ang panahon para ipakita ang love sa buong mundo! kaya tanggalin ang february! tanggalin na yan!
hahaha! isang malaking kalokohan ang post na ito, kaya kung binasa mo ito, pasensiya na lang... hehehe!
sabi nila, pag mamamatay ka na daw ay magflaflash sa iyo ang mga nangyari sa buhay mo. sa naiimagine ko, para siguro itong isang trailer ng sine na mapapanood mo bago ka mamatay. in full color at may background music. sa ngayon, wala pa sigurong dalawang minuto yung trailer na mapapanood ko. para kasing marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko, although hindi ako yung tipo ng tao na maraming nakaset na goals. para pating hindi ko pa nagagawa yung dapat kong magawa. kung baga "your purpose in life." ito naman kasi talaga ang dahilan ng existence natin eh.