grabe, parang isang linggong pahinga pa lang ang nakakalipas, tumatambak nanaman ang trabaho. hindi ko na alam kung saan ako magsisimula. parang halos lahat kasi ng subject ko ngayon ay nakalagay sa alanganin. di ko alam kung ano ang pagtutuunan ng pansin. gusto ko mang bigyan ng ample amount of time ang bawat subject, parang di ko magawa dahil parang kulang ang 24 hours in a day para magawa iyun.
alam kong wala akong karapatang mag-maktol tungkol sa mga bagay na ito kasi alam kong mas maraming tao na mas busy kaysa sa akin at nakakaya naman ang mga bagay na ito. nagtataka ako kung natutulog pa yung mga yun eh. para kasing ang dami nilang naaaccomplish within a day at take note! feeling ko effortless pa ito. bakit kaya may mga taong pinanganak na ganoon?! sana ganoon na lang rin ako...
siguro, sadyang tamad lang talaga ako. pero sa palagay ko naman, sumisipag na ako. ang labo! basta, gusto ko nang matapos ang lahat ng dapat matapos. gusto ko nang makatulog ng matino at payapa. (tamad talaga! hehehe)
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment