Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, February 21, 2006

incoherent post

imbis na gumagawa ako ng m.p. o di kaya'y nagaaral para sa g.e. 1, ito ako, nagpopost sa blog na dadalawang tao lang ang nagbabasa (ako at si james) hahaha! james kung nababasa mo ito, ikaw pa lang kasi so far ang nakakaalam ng link sa blog ko.... uyyy! flattered! bwahahaha, let me explain kung bakit nagkaganon. kasi meron akong bagong rule... ibibigay ko ang link basta sila ang nagtanong. ayaw ko kasing mamigay ng address. ang labo. hahaha! so ayun, basically para akong sira ulo dahil alam kong dadalawang tao lang naman talaga ang nagbabasa ng blog na ito pero nagpopost pa rin ako. hahaha!

ok, ito na ang seryosong kwento for the day. kanina, mga tatlong beses ata naglabas-masok sa library para sa g.e. 1 at nakahiram ako for the first time ever ng libro sa library! o di ba, achievement (hehehe! ang babaw) pero yun talaga ang main reason kung bakit ako hindi kumikilos ngayon. feeling ko kasi i need a break. bukas na lang ako mag-oon-the-go. so dahil feeling ko ay kailangan ko ng break, sumama ako sa mcdo kina maryann at denise (w/ the special participation of elle, aa and cecille)

nung una, medyo light lang ang usapan pero nang lumaon ay naungkat na ang istorya ng bawat isa (tungkol sa buhay pag-ibig) hehehe! siyempre wala akong ishashare dahil jologs ako o kung may ishashare man ako eh jologs pa rin yung ishashare ko. hehehe! tapos on the way home, tinanong ako ni elle kung dapat bang malungkot sa pagkakaroon ng mga "lovestory" na laging sad ang ending. ang sagot ko naman sa tanong niya ay hindi kasi in my point of view, mas ok nang may "lovestory" ka kahit na laging masaklap ang ending kaysa zero, nada, o wala talaga. (hindi na ito parte ng sagot ko sa kanya... nasa isip ko na lang ito kanina) palagay ko kasi, mas matututo ka. maeexercise ang puso mo para pagdating ng panahon na andyan na talaga siya, kakayanin ng puso mo. hehehe!

which leads me to my next question, paano mo ba malalaman na ayun na siya? (shiet ang cheesy na nitong post na ito pero since irereiterate ko na dalawa lang ang nagbabasa nito, go lang ng go... bwahahaha) bigla ka bang makakarining ng music? bigla bang liliwanag ang iyong paligid? bibilis ba tibok ng puso mo? iikot ba mundo ko? ewan ko ba. basta ang alam ko lang, hindi ko pa siya nahahanap o baka naman hindi pa niya ako nahahanap o baka naman hindi kailangang maghanap dahil dapat natural lang. ang gulo talaga ng pag-ibig. masalimuot. nakakalito. pero kahit ganon, pilit ko pa rin siyang gustong maintindihan.

may isa akong nabasang forwarded e-mail (note: hindi talaga ako nagbabasa ng forwarded mail) at siguro sinadyang mabasa ko yun. tungkol siya sa views ng mga bata tungkol sa pag-ibig at ito na lang siguro ang ipangtatapos ko sa sobrang disorganized na post na ito. (parang organized naman yung previous post ko noh?)

ito ang favorite na sagot ko: "when someone loves you, the way they say your name is different. you just know that your name is safe in their mouth." (awwww!)

0 comment(s) :

Post a Comment