Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, April 10, 2007

summer and my new home

grabe!!! my summer just officially started today! yey yey yey! how did i spend it?! inexplore ko ang aming new home. hehehe! masaya naman dito sa lagro. medyo naninibago lang ako sa paligid kasi...

1) daanan ng jeep yung bahay namin. as in lalabas lang ako dito may jeep ng diretso papuntang philcoa. grabeee! yun ang aking tunay na ikinatuwa. kasi dati, bago ako makaabot ng up 4 na sakay ang kailangang maganap. ngayon, 2 na lang!!! yey!

2) may aso sa bahay! mabuti na lang at di na ako hikain kundi patay patay na. yun nga lang feeling ko may mild allergic reaction ako sa kanila dahil nangangati nanaman ang mga mata ko. pero nakakaaliw ang mga puppies! kakaanak lang kasi nung isang labrador. tapos ang kukulit nung mga tuta. pag nagaway ang dalawa makikisali yung iba. hehehehe! tapos nagaagawan sila ng laruan. ang cuuuute!!! yun nga lang di ko sila malapitan dahil takot talaga ako na makagat nila. hehehe!

3) kasama namin sa bahay ngayon yung tito kong thai. hehehe! ok naman siya. ang daldal kasi mahilig magimpart ng mga natutunan niya sa buhay. ang linya niya: "i tell you... [insert long story]... i tell you... you don't learn this in the book. you remember what your uncle teach you." tapos ang sasabihin ko lang "yes" tapos uulit nanaman siya! hehehehe! ok naman dahil magaganda naman yung mga story. minsan feeling ko may pagkamythical ang dating dahil thai ang nagkwekwento sa akin. wahahahhaa!

but i still miss cainta. grabe naman kasi! i spent my whole life there! saka andun ang relatives ko sa mother side to whom i am closer to. medyo nalungkot nga ako nung hindi ako nakasama sa mahayhay and nung easter. buti na lang magkakaron uli ng family gathering before summer ends. i hope this time ay makasama na ako. i really miss my cousins. pero siguro ok na rin na maging close naman ako this time sa father side ko. wala naman talagang problema sa kanila yun nga lang ako ang pinakabata sa kanila. tipong ako na lang ata ang walang asawa sa kanila. hehehe! tapos minsan lang rin talaga magkita unlike sa mother side na kulang na lang eh araw araw magsama. hehehe!

dagdag nga pala sa aking new home exploration ang pagpunta sa sm fairview. hehehe! di ko naman talaga ugali na pumunta sa mall kung walang kikitain na friend or kailangan bilhin or pag iniintay na sunduin ako ng tatay ko. pero bigla kong natripan pumunta ng mall today. wala pa atang five minutes ang layo ng sm fairview mula sa amin. ang ginawa ko lang doon ay umikot at umikot at umikot ng umikot. hehehe! mga 4 na oras rin akong nagikot. minemorize ko na kung saan ang ibang stores para kung may kailangan akong bilhin sa future, alam ko kung saan ako pupunta. hehehehe!

paguwi, may katangahan na nangyari sa akin. dahil nga bago pa ako dito sa lugar, habang nakasakay ng jeep pauwi ay tinitignan ko ang mga bahay bahay. tapos may nakita akong bahay at sabi ko... ang galing o! similar dun sa bahay namin. tapos shiet! yun na pala yung bahay namin! wahahaha!

ayun, hindi ko alam kung gaano pa kami katagal titira dito pero i could tell na i'm starting to feel at home na :)

0 comment(s) :

Post a Comment