Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Saturday, April 14, 2007

hindi ako galit

ang weird lang kasi tatlong beses ko ata sinabi ang linyang ito sa mga tao sa loob ng linggo na ito. hindi naman ako madaling magalit o kung magalit man ako, sobrang short lived temper lang lalo na kapag makita ko agad yung effort na kausapin ako. kahit di masyadong apologetic basta hindi rin masyadong righteous ang dating. hehehe!

ayun, so sa mga taong feeling nila galit ako sa kanila, well nagkakamali kayo. ako pa?! bait bait ko eh. hahahaha! ang yabang ko!!! hahahaha!

(naiiklian ako sa post so dadagdagan ko pa ng something na di related!!! hehehe!)

natatawa ako sa tito kong thai dahil hindi niya mapronounce ng matino ang pangalan ko. "ace" kasi ang tawag sa akin sa bahay at medyo hirap ata siya mag "s." so ang kinalabasan, ang tawag niya sa akin ay "little girl" hahaha! ang weird lang dahil magtwetwenty-one na ako. (shiet ang tanda ko na!) hehehe! anywho, yun nga so little girl nga ang tawag sa akin.

kanina, may inask siya na favor sa akin. magemail daw ako dun sa isa niyang friend sa thailand. akala ko naman, email lang talaga but no! kinailangan ko palang kausapin yung friend niya over the phone para kunin ang email address. may ghad! nakulitan nga ako dun sa pagdictate ng email address eh. kasi pag letter "t" yung dinidictate, ganito sasabihin: "t, thailand" hahaha! nung una, hindi ko nagets. kasi akala ko "p, philippines" yung letter at trip lang niya sabihin yung "thailand" dahil taga thailand siya. ang bobo! pero nung kinuha na uli nung tito ko yung phone para iverify, "t, thailand" pala yung letters at in fairness, ganon rin sinabi ng tito ko. "t, thailand" hahaha! shiets!

so life here in novaliches is not as boring as the life back in cainta thanks to my tito. hehehe! ginawang entertainment ang tito?! hehehe!

0 comment(s) :

Post a Comment