nafrufrustrate na ako sa paglalakad ng cs192. parang walang nangyayari. sayang lang sa effort. so i reassessed. kakayanin ba talaga namin mag 192 this summer? kaya ko nga bang magthesis na this coming semester?
ang nasagot ko sa mga tanong ay "kung gusto, kakayanin." then came another question. bakit nga ba gusto ko na mag 192? ang naisip kong primary reason ay gusto kong bawasan ang sakit ng ulo ng magulang ko. bukod sa ilang taon na kasi nila ako pinapaaral, gusto rin nila na matapos na ako agad para pagdating ng papers namin, wala ng problema. pangalawang reason ko ay dahil gusto kong kakilala ko ang magiging thesis mates ko. para sa akin kasi, mas madaling katrabaho minsan ang kakilala. finally ay gusto kong kasabay gumraduate ang mga kabatch ko. nakakahinayang lang kasi isipin na isang subject lang ako delayed kaya hindi ko sila kasabay.
pero kung icoconsider ko yung primary reason ko, siguro ok lang na hindi muna ako magtake ng 192 kasi ayoko pang umalis ng bansa. honestly kasi, the thing i am most afraid of happened and that is finding a reason to want to stay. kahit na yung bagay na yun ay sobrang labo at sobrang suntok sa buwan, still, that reason is enough for me to want to stay and if not graduating on time gives me more time to be here for that reason, then so be it. siguro kaya rin ayaw talaga kami pagbuksan ng 192 ay dahil meron pa rin akong unfinished business.
ewan, siguro sasabihin ng iba na ang labo ko rin. oo, minsan nalalabuan rin ako sa sarili ko. in my life, i have done quite a lot of stupid things. pero if those stupid things would make me happy naman then i don't regret doing them.
(i noticed that i did not use "hehe!" or "haha!" in any of the previous sentences... serious to!!! :P)
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
naks emo post.hehe...
ReplyDeletedon't go to canada yet!!! we labayu!!!
"(i noticed that i did not use "hehe!" or "haha!" in any of the sentences... serious to!!! :P)"
ReplyDeletekakagamit mo lang kaya :P
@stepanya: me too! i don't want to go naaa! hahaha!
ReplyDelete@nightfox: sorry na! tsk. revise ko pa tuloy. tae!