Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Friday, November 18, 2005

ang chocolate

pagsakay ng bus papuntang baguio para sa retreat namin dalawang taon na ang nakakalipas ay may baon akong chocolate. chocolate ang binaon ko kasi bukod sa paborito ko ito at bawal magbaon ng junkfood, simple lang ito, madaling kainin at pwedeng i-share.

hindi ko naubos lahat ng baon kong chocolate at dahil tanghali na kami nakarating ng baguio ay halos natutunaw na sila. dahil sa worried sila na lalanggamin ang mga pagkain na dala namin at dahil puno na rin ang ref ng retreat house, pinalagay na lang sa isang baol ang mga pagkain namin at kasama na siyempre dito ang chocolate ko. isang linggo ang stay namin sa baguio at dahil sa dami ng ginawa namin, nakalimutan ko na yung chocolate ko doon sa loob ng baol. naalala ko na lang siya nang pauwi na kami. pagkuha ko sa baol, nagulat ako kasi mas matigas yung chocolate kaysa nung pinasok ko siya.

i am what i ate. ako ang chocolate. kumpara noong pumasok ako sa retreat house, mas matatag ako nang lumabas. marami talagang nagawa sa akin ang retreat namin noon sa baguio.

12 comment(s) :

  1. Allegory of the chocolate
    Haha! Goodbye friendster account! huhuhu...

    ReplyDelete
  2. Ayos ang kwento...
    Tunaw ka pala dati, Helen.

    Bye-bye friendster ka na rin, Abby?

    ReplyDelete
  3. Haha! Ikaw din ba Mang Rod. Gusto mo pareho nating isumpa ang friendster? Naka-globe kb Mang Rod?

    ReplyDelete
  4. Ayokong isumpa ang friendster ® dahil ... basta... Pero para sa akin, ang Friendster ay basurahan na lang (no offense).

    Nope.. ako'y smart.

    ReplyDelete
  5. tsktsktsk
    I curse Friendster.

    ReplyDelete
  6. (concerned) anong problema niyo sa friendster?! have you created enemies through it?!

    ReplyDelete
  7. Enemyster? Haha! cool ito!

    ReplyDelete
  8. wala na kasing kwenta ang Friendster ®... Sinasayang ng friendster ang kapangyarihan ng net...

    ReplyDelete
  9. Mang Rod, gawa ka naman ng enemyster! Para naman kahit dito lang, maka 2 account ako. Haha! Tsaka ayoko kasi ng mga positibong testimonials.

    ReplyDelete
  10. Testimonials are expected to be positive...

    ReplyDelete
  11. Dapat alisin ng Friendster yung pwede mong i-reject ang testimonials, para lahat e natural.

    ReplyDelete
  12. Haha! Gusto ko negative. Haha!

    ReplyDelete