.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, July 29, 2009

Exam Proper

I never expected na marami pala magtatake ng IELTS exam. I am guessing that most of them are the same as my age or older. Kaunti lang yung bata so may chance pa ako in life. Haha!

And so the story is, umupo ako sa isang table sa waiting area tapos may umupong lalaki. "Paupo ha?" Nagulat ako dahil tinagalog niya ako kasi normally napapagkamalan akong Chinese or Vietnamese. Tas narealize ko na nakalabas pala passport ko kaya nalaman niyang Pinoy ako. Haha!

So ayun para di awkward tinanong ko siya kung ready na siya. Nalaman kong 2nd take na pala niya ng IELTS. Naglapse na kasi yung unang result niya na ginamit niya noon for Australia. Basically, di niya sinagot tanong ko. Haha! A few awkward moments later, dumating ang kanyang friend. Super enthusiastic ang kanyang friend. Pakilala siya agad, "Hi! Anong name mo girl?" Sinagot ko siya tas nagpakilala siya "I'm Angel." Best guess ko ay galing yun sa Angelo. Iniisip ko ngayon kung may reaction ba ako or what. Nakakahiya kasi kung meron.

So ayun. Naghintay kami together for the exam. Nalaman ko na healthcare professionals sila at galing silang Baguio at nagboboywatching sila at the same time. Haha! Dahil sa kanilang entertaining presence, hindi ako kinabahan for the exam.

And then and then, mega bloopers yung listening exam kasi nadelay yung pagplay ng recording tapos nung sinabi ng "Open your booklets..." naghang yung recording so parang may "official leakage." Haha!

Natapos ang exam around 12 noon tapos ang interview ko ay scheduled ng 4pm. I decided to stay within the testing center kahit na 15 minutes away lang ang bahay para hindi ako mawala sa exam mode. 4 hours rin ako naglounge sa waiting area. May grupo ng matatandang Pilipino sa isang table pero di ako nakijoin dahil hindi ko alam kung paano sasama sa kanila.

Interview proper, ang topic ay Science. Parang pageant lang ang mga tanong. Kulang na lang naka-long gown ako. Hahaha! Example: "Do you think that it is right to say that men are more apt to be in the field of sciences?" "What area of science do you think is most relevant in today's world?" "Does the government need to monitor scientific research or should researchers be given freedom to do their own research?" Kadugo ng utak. This went on for 15 minutes.

Parang nun lang uli nayugyog ang utak ko. Hahaha! Pero at least tapos na. Now I just have to wait for the results. :)

Friday, July 24, 2009

One More Chance

I shall take the IELTS exam tomorrow. Medyo nawalan ako ng gana magreview dahil nagkulang ako ng isang point sa isang area noon sa TOEFL. So ayan, ngayon lang ako nagreview. I hope I get a good score this time around. If not, wala talaga ako magagawa kung destiny ko ang makagraduate at the age of 30. Hahaha! Joke lang.

Hay. I want to get this over with. It's sheer torture!!!

Wednesday, July 15, 2009

Dreaming On

Bored -> Day dream -> This post. Haha!

Vacation House

In the list of things I want to do before I die, I wrote down that I would buy my parents a farmhouse.
If I can't find a farmhouse, then a beach house will also do.







Modern House

When I was in grade school, I used to see a modern house everyday on the road to school and everytime I see that house, I would tell myself that someday, I would own one like that.



Beetle Cabriolet

Wouldn't this pair nicely with the house? Huh?! Huh?! I simply adore this car.




Greek Island Vacation

I fell in love with the Greek Islands in movies like Mama Mia and The Sisterhood of the Travelling Pants. I wish I could go there someday.




End of Post -> Back to Reality -> Gosh. I hope I can get rich enough to afford all these. Hahaha!

Friday, July 10, 2009

August Rush

Sometimes the world tries ot knock it out of you. But I believe in music the way that some people believe in fairy tales. I like to imagine that what I hear came from my mother and father. Maybe the notes I hear, are the same ones they heard, the night they met. Maybe that's how they found each other. Maybe that's how they'll find me. I believe that once upon a time, long ago, they heard the music and followed it.

I just saw the film today before going to work. A nice feel-good movie. Made me want to believe in fairy tales again. Hehehe!

Sunday, July 05, 2009

Manggugupit

Nagpagupit nanaman ako at ngayon ko lang narealize na gusto ko na uli ng mahabang buhok. Hahaha!

Kwento lang tungkol sa naggugupit sa buhok namin. So yung Tita ko, may katrabahong Pilipina na suki ni Sandra (naggugupit ng buhok namin.) Dati nagtratrabaho siya sa mall tapos bigla siyang nagresign. Eh itong si Pilipina, si Sandra lang ang gustong maggupit ng buhok niya so pinahanap sa Tita ko si Sandra. Bakit sa Tita ko? Dahil yung mga anak daw ni Sandra ay nagtratrabaho sa Starbucks at yung pinsan ko (na anak ng Tita kong iyun) ay nagtratrabaho rin sa Starbucks. Tapos nakwento ng Tita ko sa nanay ko, at ako pala ang missing link dahil katrabaho ko ang isa sa kanyang mga anak. At dahil dito ay naging suking manggugupit na rin namin siya.

Anyway kanina, may bombang pinasabog itong si Sandra. Nagkakabolahan kasi after magpagupit. Ako raw ay pwede nang maghanap ng kasintahan. Ang sagot naman nitong si Sandra, huwag na lang daw ako maghanap, yung anak na lang daw niya. Why not? Sumakit ang bagong gupit kong bangs. Hahaha! Tapos ganito kababaw ang pamilya ko, patulan ko na lang daw para libre ang gupit nila. Grabe na. Ipagpapalit ako sa libreng gupit. Bwahaha. Oh well, katuwaan lang naman. Pero nakakatawa nang patulan ng nanay ko ang tanong na...

"Tita, eh boto ka ba naman sa anak ni Sandra?"

Sagot ni Ina, "Ay, hindi ko kasi siya kilala eh pero basta mahal ng anak ko, mamahalin ko na rin."

Winner!!! Hahahaha!

Thursday, July 02, 2009

The Filipino Store

Tumulong kami kahapon sa paglilipat ng bahay ng mga pinsan ko. Naging electrician, interior designer, workers kami for a day. Hahaha! Ito ang modern-day bayanihan.

Malapit sa bahay nila, may isang Filipino Store. Natripan namin pumasyal... at gambalain ang kapaligiran. Ang una nilang hinanap ay Reno Liver Spread pero hindi available. Ang una ko namang nakita na ikinatuwa ko ay C2 na red! Waaah! Ngayon ko lang narealize na isang taon na pala akong hindi nakakakita o nakakainom noon. Meron rin silang pan de sal na ayon sa mga tito't tita ko ay "lasang pan de sal." Hindi ko alam kung ano ang ibig nilang sabihin. Tapos nung bumili sila ng Royal Tru Orange with matching ensaymada tinanong ng tindera kung gusto rin ba daw nila ilagay sa plastic with straw. Hahaha!

Hindi ko naman alam kung ano natripan ng nanay ko na nung may pumasok sa store, biglang bumati ng "Welcome to our Filipino Store." Bwahaha! Benta. Sa kanya siguro ako nagmana sa kabaliwan ko.

And that was my Filipino Store Experience. Haha!

Tuesday, June 30, 2009

Sale Hysteria and Yuki

Bakit ang tao nagpapanic kapag sale? Haha! Sale kasi ngayon sa Zara. My gosh. Nagtatalsikan ang mga hanger at yung mga nakatiklop ng matino guguluhin talaga to the maximum level na sa gabi nagmumukhang tiangge na lang ang Zara. Haha!

Super kuripot din ng mga Chinese. Sila karaniwan nakakaaway ng cashiers kapag may non-returnable item. Buti na lang nababackup-an kami ng powers ng managers pagdating sa mga ganitong bagay.

At! Di pa rin ako marunong magtupi. Hahaha! Di ko alam kung paano ako nagsusurvive ng ganito sa store. Ohh. Meron rin akong bagong favorite person. Si Yuki na isang Haponesa. Gusto ko siyang iuwi. Hahaha! Nakakatuwa kasi siya. Parang nung isang araw, nagpakwento manager namin ng "best" (sarcastic) customer stories. Nagkwento naman tong si Yuki na tinulungan daw siya nung customer nang may nalaglag siyang damit na ihahang sana niya. Hahaha! Tapos wala siyang kinakain kundi bagel. Sabi niya baka daw may addiction problem na siya o pusa siya sa past life niya dahil iisa lang kinakain niya. Wahahaha!

Oh well. 5 days na ako nagtratrabaho ng sunod-sunod. Wala akong konsepto ng weekend nung nakaraang Linggo. Bukas ang unang off ko. Excited na akong magpakabum sa bahay! Haha!