Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Wednesday, July 29, 2009

Exam Proper

I never expected na marami pala magtatake ng IELTS exam. I am guessing that most of them are the same as my age or older. Kaunti lang yung bata so may chance pa ako in life. Haha!

And so the story is, umupo ako sa isang table sa waiting area tapos may umupong lalaki. "Paupo ha?" Nagulat ako dahil tinagalog niya ako kasi normally napapagkamalan akong Chinese or Vietnamese. Tas narealize ko na nakalabas pala passport ko kaya nalaman niyang Pinoy ako. Haha!

So ayun para di awkward tinanong ko siya kung ready na siya. Nalaman kong 2nd take na pala niya ng IELTS. Naglapse na kasi yung unang result niya na ginamit niya noon for Australia. Basically, di niya sinagot tanong ko. Haha! A few awkward moments later, dumating ang kanyang friend. Super enthusiastic ang kanyang friend. Pakilala siya agad, "Hi! Anong name mo girl?" Sinagot ko siya tas nagpakilala siya "I'm Angel." Best guess ko ay galing yun sa Angelo. Iniisip ko ngayon kung may reaction ba ako or what. Nakakahiya kasi kung meron.

So ayun. Naghintay kami together for the exam. Nalaman ko na healthcare professionals sila at galing silang Baguio at nagboboywatching sila at the same time. Haha! Dahil sa kanilang entertaining presence, hindi ako kinabahan for the exam.

And then and then, mega bloopers yung listening exam kasi nadelay yung pagplay ng recording tapos nung sinabi ng "Open your booklets..." naghang yung recording so parang may "official leakage." Haha!

Natapos ang exam around 12 noon tapos ang interview ko ay scheduled ng 4pm. I decided to stay within the testing center kahit na 15 minutes away lang ang bahay para hindi ako mawala sa exam mode. 4 hours rin ako naglounge sa waiting area. May grupo ng matatandang Pilipino sa isang table pero di ako nakijoin dahil hindi ko alam kung paano sasama sa kanila.

Interview proper, ang topic ay Science. Parang pageant lang ang mga tanong. Kulang na lang naka-long gown ako. Hahaha! Example: "Do you think that it is right to say that men are more apt to be in the field of sciences?" "What area of science do you think is most relevant in today's world?" "Does the government need to monitor scientific research or should researchers be given freedom to do their own research?" Kadugo ng utak. This went on for 15 minutes.

Parang nun lang uli nayugyog ang utak ko. Hahaha! Pero at least tapos na. Now I just have to wait for the results. :)

3 comment(s) :

  1. makakahabol naman yung results para sa start ng acad year?

    ReplyDelete
  2. helen mukhang fuuun day 'to!

    ReplyDelete
  3. @jett: i don't know. basta ang deadline for documents and grades ay aug 1 at aug 7 yung results. tinanong ko sila kung pwede madelay ng kaunti ang sagot nila ay basta magtake ako ng exam. laking tulong di ba? haha!

    @yann: oo! tapos nanood pa ako ng harry potter after. haha! tinodo ko ang araw na ito.

    ReplyDelete