it's already my third year as a computer science student and first time kong nafeel na may cs week pala talagang nagaganap palibhasa bigla akong naging part volcorps... hehehe! masaya naman ang nakaraang linggo. bukod sa walang pasok sa karamihan ng cs subjects, napapalibre kami ng pagkain! whooo!
monday
ito ang most active day of all. parang buong araw akong attend ng attend ng kung anu-ano. hahaha! nagsimula sa opening ceremonies hanggang student-teacher dialogue. hanggang ngayon ay di ko maatim isipin na nasa stage ako at kinakausap ang mga titser. shiets! scarrry. hahaha! buti na lang ay dinamayan ako ni rap nung opening ceremonies kundi nagkalat na ako. tapos buti na lang rin at dumating ng medyo on time si pepz. whew. actually kahit non-existent ako carry naman nilang dalawa eh.
after nito ay may grand pakain naman. siyempre, hindi ako mawawala dito! libreng food eh! wahahaha! ika nga eh P&G (pinagarang tawag sa Patay Gutom) kami nagserve ng food sa mahabang pila ng cs students. nung una nangangamba kaming walang pagkaing matitira sa amin. ngunit nagkamali kami kasi marami-rami naman yung natirang pagkain for us. yeyness!
we then attended love @ up hoping na may free microsoft vista na ibibigay sa amin. (sings: libre lang mangarap...) pero nabalitaan naman namin na may free planner so attend pa rin kami. ngunit subalit datapwat... naubusan kami ng planner. huhuhuhu! so sad.
dahil wala akong magawang matino sa buhay ko, nag sit-in ako sa eee9 ng mga tao. at hindi sila naglesson. binigay lang ang exam nila at siyempre hindi mawawala ang pangaasar sa mga tao by doing the ever so effective clapping of hands. hahaha! sit in na nga lang, nanggugulo pa eh.
ayaw ko pang umuwi sa panahong iyan kaya attend lang uli kami ng talk. yung talk ay sa trend micro and about av engineers. amazing yung work nila at mukhang great yung compensation pero parang dudugo utak mo sa pagpasok doon. it was during this talk na napaisip ako tungkol sa aking magiging future sa cs o kung may future nga ba ako sa course na ito. ang tough kasi ng competition eh. i mean, the companies are of course looking or better yet investing on the best of the best. eh goodluck naman sa akin. sa first best nga ng "best of the best" di man lang ako sakop. kawawang helen. tsk tsk.
nagkaayaang kumain sa philcoa after niyan. dapat sa mcdo (cheeseburger meal go big time) pero pagdating doon ay sarado dahil mukhang nirerenovate yung place. so nagend-up kami sa greenwich. siyempre onting kwentuhan at biruan at picture picture! tapos uwi na... getting ready for the next day.
tuesday
first class ko ay mul13 dapat pero turns out, nakiayon ang aking subject sa kawalan ng pasok. wala kaming pasok the whole week pero kailangan daw namin pumunta dun sa talk about theories on asian music (something like that) sa tuesday during class hours. parang ganon ang intindi ko sa sinabi nung kaklase ko. hahaha! so punta na akong engg para simulan ang cramming for cs165 project. nag-sit-in na kami sa cs145 nung kabilang class para dirediretso na kami sa hapon pero walang kwenta pala ang pagsisit-in namin dahil balikan pala ng results ng first long exam. kahiya pa kasi narepeat performance nanaman yung pagkakamali kong magraise ng hand sa conflict-kuno sa exam. waaah! siyempre mega kaba naman kami dahil during totoong class hours pa namin matatanggap yung amin.
dahil nga di kami sigurado sa score namin, pumunta na rin kami dun sa talk ng MySys dahil may +5 points daw dun sa exam if we do attend. sa talk na ito, narealize ko na mukhang may compatible company naman para sa akin na nasa field ng computer science. hehehe! mukhang medyo business related kasi siya. if ever di ko na mapursue ang plano kong magculinary arts someday, gusto ko actually magtrabaho sa bangko pero kung paano ko magagawa yun, yun ang hindi ko alam. hahaha!
after the talk, nagattend na kami ng 145 class. starstruck heartbeat: dug-dug dug-dug... ang hirap iestimate kung papasa ka sa subject na ito. nag hirap kasi nung exam. may multiple choice na multiple answers part at pamatay yung last part. gosh! sobrang layo ng sinagot ko at handa na talaga akong bumagsak sa first exam. since alphabetically arranged yung papers, natawag agad ako. "survivor" pasang awa. whew! galing kasi ako, si mark at si irene ay pumasang lahat... yeyness! dahil balikan lang naman ng papers, diretso trabaho na sa cs165. hanep! simula talaga sa wala ang lahat at friday na yung first presentation namin. kaya kayod talaga kami. napagtanto namin na kinakailangan na naming magovernight.
wednesday
pumasok ako ng school at parang hindi wednesday sa dami ng tao. hehehe! andami kasing asa school dahil bukod sa cs week ay may cs165 deadline nga sa friday kaya meeting meeting ang mga groups. ang group namin ay nakatakdang magovernight that day. we ended up sa office ng tita ko dahil
1) di pwede sa bahay dahil napakagulo at walang net 2) di pwede sa lagro dahil nanganak yung aso ng mga tita ko at nandoon sa room na pwede naming pagstayan.
in fairness, ang sosyal nung aso dahil nakaaircon pa siya.
pagdating namin dun, feel na feel namin magwork kasi office space nga siya. hahaha! medyo marami naman kaming naaccomplish considering na napakabagal nung isa naming binalak gamitin (at hindi na rin nagamit dahil nga sa sobrang kakuparan)
sa group, ako ang may pinakamaraming tulog dahil sadyang matakaw ako sa tulog. feeling ko isa yun sa mga long-term effects ng paginject ng anaesthesia sa katawan ng isang tao. pero feeling ko lang yun. hahaha!
thursday
1:00 pa class ko pero maaga kami umalis dun sa office ng tita ko. tuloy uli sa paggawa ng project habang wala yung ibang groupmates. actually, iba na yung kulay ng flooring dun sa engg na lagi naming inuupuan sa dalas ng pagupo namin doon. hahaha! hindi na rin ito kinakailangang linisin ni ate tuwing umaga dahil nalilinis na yun ng pants namin.
sa aking geog 1 class ay nakaltasan ng 850 ang aking bulsa para sa field trip namin sa march 3. sayang dahil march 3 rin dapat ang alumni homecoming sa aking hs ngunit dahil required na pumunta sa field trip ay mas priority ito. after class tuloy uli sa paggawa ng 165. go lang ng go.
friday
this is it. presentation na ng project. nung morning ay konting ayos ayos pa uli ng project pero medyo ok na siya. nung ok na, nagattend uli kami ng talk. orange and bronze yung name ng company. isa sila sa mga naghahanap ng best of the best type of people meaning... not me! isa pa, hanap nila ay hardcore programmers... not me again! hahaha!
about 1:00 pumasok na kami for presentation. scary kasi medyo nagalit si maam dahil konti uli ang students ng class namin. tapos na-cut pa yung first group ng di pa talaga nakakapagpresent. starstruck heartbeat: dug-dug dug-dug. to make matters worse, we had to present after pa nina james. scaaary. may pababa-baba pa yung isang form nila at connected na sa database. waaah!
nung kami na magprepresent, nagkaron pa ng aberya dahil di ko alam kung ano ang pipindutin para mapaproject ang screen ng laptop sa projector. dahil nga pressed for time, nagpapanic ako at umabot sa hindi ko maalala ang password, nagstandby at naghibernate pa yung laptop. shiets! hehehe! buti na lang ay nagpatulong na si mark kay james. wahahaha!
medyo ok naman yung presentation namin. yun nga lang ang squalogs ng design namin compared to other groups. after magpresent, tinanong kami ni maam joyce kung sino daw yung volcorps so mega raise hands naman kami. inexcuse niya kami dahil kailangan daw ng tour guides for saturday's activity. so ayun, ang dapat na usher role ay biglang naging tour guide role.
pagdating dun ay tinuor kami ni sir festin sa new building dahil kami naman in turn ang magtotour sa guests the following day. medyo parang maze ang dating nung ibang rooms at medyo nakakahilo. sabi ko nga if all else fails, tatalon na lang ako dun sa gitnang part ng building kasi yun lang talaga ang alam kong puntahan. hahahaha!
after frolicking around the building, bumalik ako ng engg para intayin ang game ni elaine otherwise known as joy joy. hahaha! in fairness, ang dami niyang supporters nung game. may mga cursor, hk at siyempre majority ng third year population. hahaha! kahit di sila nanalo ok lang dahil nakakaaliw naman panooring ang mga bloopers nung game tulad nung pagtapon ni barbie ng bola sa ulo ng kalaban at paghabol ni elaine ng bola hanggang bleachers. wahahahaha! walang preno eh.
saturday
the last day of the cs week. coelacs (read as kwela cs or kwelaks ata) opening and alumni homecoming. dahil eager volunteers, 12:40 ay andun na kami kahit ang calltime ay 1:30. actually, bandang 1:30 ay wala pa rin kaming natutulong. nagsimula na lang ata kaming makakilos ng bandang 2:00.
medyo nakakangalay sa paa ang pagtayo lalo na pag wala kang ginagawa sa buhay mo. buti na lang at nasa 1st floor ako at maraming makakausap. hehehe! bandang 4:00 nagsimula ang tour pero mabibilang ko lang sa daliri ko ang grupo ng natour ko. may point nga yung isang alumni eh. bakit magtotour eh wala pa namang laman yung rooms? hahahaha! onga naman...
5:30 ay wala na kaming ginagawa. hahahaha! kumain na lang kami ng sandwich at nakikain sa snacks ng alumni: squidball/kikiam, isaw, ice cream cone at water. after niyan ay nagstay na kami sa 2nd floor para makinood ng programme.
in fairness, may discovery kami. may hidden talent pala si sir leng. amazing ang layo sa mic. mga 1 meter but still malakas ang boses.
tapos ang most awaited moment of all time. ang surprise tribute kay sir quiwa. weee! nakilala namin yung mga leaf nodes niya. hahahaha! si left son at right son. meron rin siyang daughter at daugher-in-law na isa rin palang cs student. hahaha! kewl!!! tapos nakita rin namin yung book niya. shiets! gusto ko rin ipasign yung session notes ko.
after nung tribute ay kumain na ang lahat ng dinner. siyempre huli kaming kumain pero marami namang food. masarap yung fish. ngayon lang ako nakakain ng masarap na fish sa isang buffet. hahaha!
around 9:00pm na kami nakaalis at siyempre with freebies galore. yan ang mga perks ng pagiging volcorps (nagplug?! hahaha!)
grabeee! wala kaming landline sa bahay! whooo! total isolation! kung bakit ba naman kasi ninakaw ang transformer ng aming subdivision? yan tuloy, 1 month walang telepono ang subdivision namin. bigla kong naisip, mamaya niyan magkaron na kami ng umalohokan para lang makapag disseminate ng information. hahaha! (as if naman walang celepono)
for that reason, i'd be saying au revoir muna from the web. galing!!! kung kailan kailangan ko saka mawawala. awwww...
anyway, sa notepad muna ako magsusulat ng aking daily experiences at saka na lang ipopost dito (if applicable! :P)
"sino ang mas pipiliin mo? si mr right o yung soulmate mo?"
tapos binalik ko sa kanya yung tanong...
"eh ano ba ang difference? di ba pareho lang yun?"
sabi niya...
"para sa akin hindi. si mr right kasi has all the qualities you're looking for. ang soulmate mo naman ay yung taong comfortable ka and ka-jive mo ng sobra"
hindi ko actually nasagot ang tanong dahil mahirap yung tanong. pero napansin ko sa mga romantic movies na yung soulmate ang karaniwang napipili sa huli and mr right does not turn out to be the right person afterall.
ganon rin kaya sa totoong buhay? will we always end up with our soulmates? hehehe!
wala lang. just questions. moving on...
galing ito sa urbandictionary.com:
A hopeless romantic dreams of who they will spend the rest of their life with and what the two of them will do together. They want to be romanced with sweet simple things and the thoughtful amazing surprises. They dream of being loved but also loving somebody. They don't just want somebody to hold them. They also want to hold someone. They realize that love isn't just about one person but both people. they are hopelessly in love with being loved AND loving back.
...and i think that i'm a hopeless romantic. hehehe! natatawa nga ako kasi nung bata ako, parang hindi ako naniniwala sa idea ng romantic love. around 10 years old ata ako noon tapos sinasabi ko sa nanay ko na paglaki ko, papairalin ko talaga ang isip kaysa puso. head over heart. magiging practical ako. aanhin ko ang pagibig kung gutom naman ako kind of thinking. pero sabi ko lang pala yun... magiiba na pala yun pag may kaunting karanasan na sa buhay at pagibig(?) hehehe! lalo na siguro pag tinamaan ka na ng pana ni mr. kupido... todo na yun! pero siyempre, hindi dapat kalimutan na magtira ng pagmamahal at respeto sa sarili. paano ka nga naman mamahalin ng iba o paano ka magmamahal ng iba kung hindi mo mahal ang sarili mo. with that, i will conclude this post by declaring my love for............
just came home galing sa chocolate buffet... this was the replacement sa pagpunta sana sa fair (pero hindi pwede dahil may pasok kinabukasan) since mga 7:30 pa lang ay tapos na kami.
after the super-fast-forward lesson with sir talamayan (na amazingly ay mas naintindihan ko) nagtungo na ako ng CHE para nga sa chocolate buffet. when i got there... i saw a face na antagal ko nang hindi nakikita sa sangka-UP-han. si sherry!!! (ito ang taong nakapagpapatawa sa akin ng sobra... AS IN!!! highschool pa lang grabe naaa!). naalala ko na hirm nga pala course niya at sila ata ang naghahandle nung event. tapos after namin magkulitan ng kaunti ni sherry, may tumawag nanaman sa akin. si arlene paguio! whahaha! namental block nga ako sa pangalan niya eh kasi antagal ko na rin siya hindi nakikita. isang malakas na "HELLOOOO!" na lang ang nasabi ko.
ITO NA ANG MAIN KWENTO... THE CHOCOLATE BUFFET!!!
pinapasok na kami sa kainan. meron kaming nakasama na mom ata nung isa sa mga students dahil 3 lang kami nina dy at reggie sa table at good for 4 yung tables. formal talaga kung formal ang service. may script pa yung servers. "welcome to blah blah blah... i am _____ your server for tonight" nyahaha! tapos nung sinerve na yung pasta, meron pa uli speech!!! "for your first course, this is a sweet pasta with chorizo, bacon and tomato sauce" (something like that).
pasta nga ang first course at sa totoo lang ay nabusog na ako after kong kumain nun. pero ang main event talaga ay yung dessert dahil chocolate buffet nga. hahaha! nung nilabas na yung mga chocolates, nahihiya kaming pumunta agad kasi nga may mom kaming kasama sa table. pero dinaan namin sa pagbibiro kay mommy kaya nauna pa rin kami sa pagkuha ng chocolates. ayon sa aking pagkakatanda, yung first set ng chocolates sa buffet ay chocolate tarts, chocolate marble cake, brownie ala mode and yung parang chocolate chip cookies. akala namin, yun na yung buffet so kuha kami ng generous-but-not-so-selfish amount ng bawat isa. hahaha!
sa gitna ng pagkain ay sinabi sa akin ni dy na busog na siya. pero inencourage ko siya. sabi ko, tandaan niya na 350 ang binayad namin at kailangan namin itong masulit. bawat subo, itatatak sa isipan na 350 yun!!! hahaha! patapos na kaming kumain nang napansin namin na may lumalabas nanamang second set of chocolate sa chocolate buffet. whooooo! parang charlie and the chocolate factoryyyy!
feeling namin di kami matitinag ng kahit anong amount ng tsokolate so kuha pa uli kami. this time, ang nakahain ay decadent triple chocolate thingy, chocolate truffle, cupcake and another type of chocolate chip cookie. pagkatapos kong kainin yung decadent chocolate churva, sumuko na ako! naramdaman ko na ang bigat ng aking sikmura. hahahaha! biglang nagslow down ang pagkain ko. pati si dy, ganoon na rin. pero si reggie, go na go pa rin! si mommy naman, nahihirapan na rin. sabi niya, baka hinahighblood na siya. wahahahaha! humirit pa si reggie na after pala daw nung dinner, may lecture about diabetes.
nakakapit na ako sa silya ko dahil hindi ko na talaga kinaya ang kabusugan. tapos maya maya, nakita kong may inilalabas nanaman silang pangatlong set ng chocolates. waaaah! sa mga panahong ito, sinusumpa ko na ang chocolate. namamamanata na akong isang taon akong hindi kakain ng chocolate. hahaha! grabe. sayang pa naman kasi masarap pa rin yung pangatlong nilabas na set ng chocolates. chocolate crepe, chocolate butterfinger at ang pinakakinaasar ko sa lahat, yung chocolate mousse. waaaah! hindi na ako nakakuha kasi masasayang lang dahil hindi ko na talaga kayang kainin.
kung inaakala niyong tapos na dito ang listahan ng chocolates sa chocolate buffet, nagkakamali kayo dahil may chocolate fountain pa! waaah! hahaha! ang hirit nina alvin ay nagbabato nga daw sila ng coins doon ng patalikod! wahahaha! tapos meron pa. nangingisda pa sila doon gamit ang sibat! wahahaha! napakakulit talaga.
natapos kami ng mga 7:30 at sugar high na kaming lahat sa oras na yan. hahaha! hanggang ngayon nga ata ay may remnants pa rin ako ng pagkahigh. whooo! naglolokohan nga kami na ituloy na namin sa fair ang trip na ito. hahaha! pero siyempre hindi pwede dahil bukod sa wala na kaming pera, may pasok pa nga kinabukasan.
totoo palang may sugar high talaga. umiikot kasi ang mundo naming lahat pagkatapos kumain ng sandamukal na chocolate. tapos tawa lang kami ng tawa (pero ito hindi ko alam kung dahil lang ba sa chocolate ko talagang nakakatawa ang mga pinagsasasabi namin. hahaha!)
conclusion: masayang magchocolate buffet! whoooooo! bukod sa masarap ang chocolates, masarap magunwind with alvin, angel, dy, hannah, julie, maryann, reggie and steph! yehey!
how accident prone am i? isipin na lang na kahit sa pagkain ng lunch ay naaksidente pa rin ako. hahaha! nung kukuhanin ko na kasi yung sizzling chicken teriyaki, nahulog ko yung sizzling plate. agaw eksena pa kasi sobrang ingay nung pagkakabagsak. nagpaikot ikot pa yung plate. tapos umiral ang katangahan. dahil sa panic tinry kong pigilin yung pagikot ikot ng plate by holding it... at after 2 seconds, saka ko narealize na sizzling plate nga pala yun at napapaso na ako. hahahaha!
siyempre, may grasa grasa pa yung damit ko dahil nadaplisan pa ako nung plato bago ko mahulog. mabuti na lang at sinauli ko kay steph yung shirt na hiniram ko sa kanya last week kanina so nahiram ko uli yung shirt. hahahaha! nakakatawa nga eh kasi parang nasense ko na magkakaganon kaya ko dinala yung shirt.
buti na lang, pinalitan ng canteen yung chicken teriyaki free of charge kahit kasalanan ko naman talaga ang pagkakahulog. hehehe! tapos nakakatouch pa dahil inofferan pa ako ng petroleum jelly ni ate at nung naluto yung pangalawang chicken teriyaki, special delivery pa from kuya. meron pang isa, nung humingi ako ng ice from ate sa labas para sa aking mga daliring napaso ng todo, kinamusta niya yung kamay ko. eh nangyari ang lahat sa loob na canteen. nyahahaha!
i therefore conclude na i am VERY accident prone. hahahaha!
this survey is from fleur at dahil natuwa ako sa mga sagot niya at ayaw ko abalahin most people in my friendster friend list for something they wont be interested in, dito na lang! hahahaha! i make the rules here anyway!!!
1.anong masasabi mo sa mga tao sa mundo? System.out.println("hello world!");
2.kinilig ka ba ngayong araw? not really.
3.sino madalas mong ksma? si mamamamark... leona! (parang mamamamy sharona!) . groupmate ko ba naman sa dalawang subjects. hahaha!
4.kailan birthday mo? october 27... malayo pa!
5.magbgay k ng birthday ng ibang tao? july 29... malapit na! (happy birthday... mommy!)
6.may ring ka bang suot? wala. pero nung bata ako meron. ring na rosary na bigay ng parents ko na nahulog sa lababo. masama talaga ang mga tagpo pag ako at ang lababo nagtapat. hahaha!
7.may kinakain ka? ngayon? wala... gabi na noh!
8.magpapakamatay ka ba kapag hindi ka mahal nung mahal mo? nako naman! hindi... ang drama niyan. hahaha! iiyak lang siguro. ayun eh!
9.naglaslas ka na ba? hindi. pero sugat sugat kamay ko. walang hiyang lababo!!!
10.naospital ka na ba? oo naman. yung lababo kasi... hahahaha!
11.anong memorable ngayong araw? i dont actually remember it kasi may buyer daw na tumingin sa bahay. tapos pumasok sila sa kwarto nang tulog pa ako. talk about privacy.
12.may ka chat ka? yep. buti na lang. ilabshu fleur!!!!!!!
13.nag lunch ka ba? yeppers. oven baked chicken.
14.may gusto ka bang batukan ngayon? OO! para matauhan na ang dapat matauhan. crap!
15.pinaka ayaw na banda? wala naman.
16.favorite number? 27 and any multiple of 5
17.ano gusto mo kapag hindi ka pala tao? gusto kong maging butterfly kasi maraming changes sa buhay nila yet they still get to be beautiful creatures. yes! deep! hahahaha!
18. ano last napakinggan mo na album? hindi naman whole album. ordinary people lang ni john legend. :)
19. ano gusto mo gift ngayong valentines? magiging ipokrita ako kung sasabihin kong valentines is just a commercial holiday kaya people are not supposed to give gifts. siyempre, just like any other hopeless romantic out there, i want the old fashioned flowers and chocolates noh! may damdamin rin ako. hahahaha!
20. ano pinapakinggan mo ngayon? "it must have been love... but its over now..." (dahil pinapatugtog siya sa pretty woman na siyang pinanonood ko ngayon)
21. ano gagawin mo sa friday? magpapasa ng mp sa cs150 at me sa cs145 tapos, uuwi ng bahay sa gabi.
22. ano gusto mo mangyari ngayon? gusto kong masabi ang gusto kong sabihin...
23. ano pinakamagandang nangyare kahapon? steak ang ulam nung gabi! happinessss.
24. sino iniisip mo? siya. hahaha! yun eh! pagbigyan na. minsan lang to.
25. bigyan mo nga ako ng linya sa kanta "cause it was just my imagination... running away with me"
next survey....
Sometimes you hate cellphones because___? > wala namang nagtetext sa akin at wala rin akong tinetext so its useless.
Paano patayin ang ipis? > kumuha ng tsinelas, ihampas dito, kuha ng walis, itapon.
Nahulog kna ba sa Stairs? > hindi pa naman. wala namang stairs sa loob ng bahay.
Msg mo sa mahal mo? > helen, mahal kita! hahahaha!
Gaano ka kaloyal? > depende kung gaano kaloyal yung tao.
Have you fallen in love with your bestfriend? > never had a bestfriend.
Naiilang ka ba pag ikaw lang ang kumakain at nakatingin lang ang mga kasama mo? > OO! sugapa ang tawag sa hindi maiilang sa ganyang sitwasyon. hehehe!
Bakit may mga taong manhid? > "kasi ang taong nagmamahal, nakasentro ang pagtingin sa taong mahal niya. walang ni sino man ang makakapasok sa mundong iyon." *palakpak* GALING NI FLEUR!!!
Anong Maganda/Masarap Gawin sa Outing w/Barkada? > umupo around ng isang bonfire tapos magshare ng mga kwento.
How was your 2006 Summer? > gosh! maraming nangyari. i'd say na yung experiences ko then made me a little more mature. yehes! that's what you call a meaningful summer.
How long was your longest telebabad? > 6 hours?! ngayon, i rarely use the landline... even my cell. hahaha!
Last place you've been to? > flaming wings katipunan. happy birthday dc!
They say you are: > i don't know. i still have to ask.
Last thing you drank? > dolfenal 250.
Last thing you bought for yourself. > coke float and apple pie. comfort foods to comfort me. hahaha!
You want to? > do what i love most. know who i am. be close to Him again just like in high school (i sincerely miss morning prayers and peace moments and first friday mass!!!)
You have a crush on.. > too many to mention. i crush a lot. hahahaha! :P
kakatapos ko lang ng number one sa problem set (out of three questions) sa cs130 shiets! tapos magaattempt pang gawin ang mp sa cs150 at ang so called machine exercise (m.e.) sa 145. parang hindi yun m.e. eh kasi kung iisipin, parang mas mahirap siya dun sa may emulator na machine problem (m.p.) kasi start from scratch. hahaha! ewan...
by the way, hindi natuloy ang quiz (na parang exam naman talaga dahil pinagdadala kami ng blue book) namin sa geog AND hindi rin natuloy ang pasahan ng problem set sa cs130. hence, sayang ang pagpupuyat ko as seen from the previous post. shiets! hehehe!
gosh! wala pa rin akong field magpasahanggang ngayon para dun sa first long group exam sa cs130... eh parang hindi ko rin naman talaga linya ang comp sci eh (mentioned for the nth time in this blog! hehehe! kakasawa na!!!). i have a feeling na it would be one of the weirdest exams i would ever take and not just weird... mukhang mahirap rin siguro yun. hahaha! nageexpect na talaga for the worst eh... kaya mukhang kailangan talagang subukang tapusin ang problem set para kung sablay man sa first long, may pansalo. hahaha!