how accident prone am i? isipin na lang na kahit sa pagkain ng lunch ay naaksidente pa rin ako. hahaha! nung kukuhanin ko na kasi yung sizzling chicken teriyaki, nahulog ko yung sizzling plate. agaw eksena pa kasi sobrang ingay nung pagkakabagsak. nagpaikot ikot pa yung plate. tapos umiral ang katangahan. dahil sa panic tinry kong pigilin yung pagikot ikot ng plate by holding it... at after 2 seconds, saka ko narealize na sizzling plate nga pala yun at napapaso na ako. hahahaha!
siyempre, may grasa grasa pa yung damit ko dahil nadaplisan pa ako nung plato bago ko mahulog. mabuti na lang at sinauli ko kay steph yung shirt na hiniram ko sa kanya last week kanina so nahiram ko uli yung shirt. hahahaha! nakakatawa nga eh kasi parang nasense ko na magkakaganon kaya ko dinala yung shirt.
buti na lang, pinalitan ng canteen yung chicken teriyaki free of charge kahit kasalanan ko naman talaga ang pagkakahulog. hehehe! tapos nakakatouch pa dahil inofferan pa ako ng petroleum jelly ni ate at nung naluto yung pangalawang chicken teriyaki, special delivery pa from kuya. meron pang isa, nung humingi ako ng ice from ate sa labas para sa aking mga daliring napaso ng todo, kinamusta niya yung kamay ko. eh nangyari ang lahat sa loob na canteen. nyahahaha!
i therefore conclude na i am VERY accident prone. hahahaha!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
0 comment(s) :
Post a Comment