.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, January 24, 2006

february

S.O.S, february is fast approaching! argh! sa lahat ng buwan sa taong 2006, pebrero siguro ang pinaka ayaw kong month so far. paano ba naman, unang linggo pa lang eh dudugo na ata ilong ko sa pinagsanib na puwersa ng mga subjects ko ngayon. tama bang halos sabay sabay exam ko sa lahat ng subjects ko... oo! mapa-major or g.e. may exam ako sa unang linggo ng pebrero. tsk! kamusta naman di ba?! idagdag pa dito ang inaanticipate kong anxiety attack pag-apak ng feb 1 so paano na ako? di kaya mabuwang na ako paglipas ng unang linggo ng february? ehe!

kahit nakapaloob sa buwan na ito ang araw ng mga puso, wala akong pakielam! ayaw ko pa rin sa kanya!!! february should be erased from the calendar. we can spread the love anytime we want to... in fact isang malaking kamalian na magset ng iisang araw para sa puso, nalilimit tuloy ang panahon para ipakita ang love sa buong mundo! kaya tanggalin ang february! tanggalin na yan!

hahaha! isang malaking kalokohan ang post na ito, kaya kung binasa mo ito, pasensiya na lang... hehehe!

Monday, January 16, 2006

trailer

sabi nila, pag mamamatay ka na daw ay magflaflash sa iyo ang mga nangyari sa buhay mo. sa naiimagine ko, para siguro itong isang trailer ng sine na mapapanood mo bago ka mamatay. in full color at may background music. sa ngayon, wala pa sigurong dalawang minuto yung trailer na mapapanood ko. para kasing marami pa akong gustong mangyari sa buhay ko, although hindi ako yung tipo ng tao na maraming nakaset na goals. para pating hindi ko pa nagagawa yung dapat kong magawa. kung baga "your purpose in life." ito naman kasi talaga ang dahilan ng existence natin eh.

Tuesday, December 20, 2005

my resolution

I was going through my things the other day when I saw our highschool ring. Engraved on it were the words "In Christ, I Live, I Love, I Serve." I tried the ring on but it was kind of loose. Then I felt a certain void in me. I felt that something was missing. Just like the gap between my finger and the ring.

It is not until now that I realized what was missing. It was there right in front of me all along. Yes, it is Christ.

I used to be His girl. But I don't know what happened. Maybe, I got caught up in the haste of today's world. I no longer have time for Him even though I could make time for less important matters.

Which brings me to what I have chosen to be my New Year's resolution. This coming year, I would try to live up to the words we chose to be our motto. I would try to live a life of love and service in Him.

Tuesday, December 13, 2005

an underdog story

sa totoo lang hindi ko inaasahan ang mga pangyayari kahapon. noong una confident pa ako pero nung may narinig akong nagprapractice dun sa 4th floor, bigla akong pinanghinaan ng loob. mas lalo akong pinanghinaan ng loob nung namoblema kami kasi parang tumaas yung tunog ng keyboard at nung nasa backstage na kami at ang dami na naming naririnig na nagrerehearse na ibang orgs. sabi ko nga kay ate miriam, "grabe! naririnig mo ba sila" sagot sa akin ni ate miriam "oo nga eh, hindi ko inakalang ganito ka-seryoso ito." pero ang pinaka nakakapanghina ng loob noon ay nung performance na talaga namin. para kasing nilamon ng theater ang boses namin. feeling namin ang hina kasi wala man lang reaksyon ang audience nang matapos kami. wala pang halos supporters. iilan lang sila nun? marami na siguro ang sampu.

"third place" biglang katahimikan tapos in unison the three hosts announced "UP ACES!!!" ganyan ang rinig ng tenga ko. bigla akong nagtaka dahil nagsisitalon ang mga katabi kong eng'g soc at aba, pumunta pa ng harapan at kinuha pa nila ang trophy. ano ang nangyayari?! hindi ako makapaniwala third kami!!! my ears have failed me. hanggang sa stage ba naman ay nabingi ako. "UP ENG'G SOC" pala ang totoong sinigaw ng tatlong hosts. at di pa nagtatapos dito ang storya. after iannonce lahat ng nanalo namely UP ALCHEMES who won 2nd place and UP CURSOR who won first, i saw the awitan members of eng'g soc huddling. parang may sasabihing importante si jemmy. "guys ganito isipin niyo" ang intro niya. "nilapitan ako ng judge tapos sabi niya sa akin 'ang galing niyo pero yung piece niyo lang talaga malaki ang effect dun sa score niyo...' guys para iapproach ako ng judge iba na yun!" waaaaaaaaaaaaaaaahhhhhh!!!!!!!!!! grabe na ito! walang hinto ang pagsasaya ng eng'g soc. sayang nga lang at di ako nakasama sa philcoa.

sa maaaring last year ko dito sa university, matuturi kong isa ito sa mga di ko malilimutan na pangyayari sa aking college life. lahat ng paghihirap namin ay sulit. sa totoo lang kahit di kami nanalo, sulit pa rin ang lahat.

Tuesday, November 29, 2005

aawitan kita

natatandaan ko pa noong inoorient (nirerecruit) ang g10 ng cursor dun sa tambayan nila... nabanggit nila ang awitan kung saan meron silang place. siyempre, dahil gusto kong kumanta at dahil nagmamagaling ako sa pagkanta kahit hindi naman talaga ako magaling, yun ang bagay na nagsilaw sa akin na sumali (dapat) sa cursor. pero dahil sa isang di mapaliwanag na phenomenon, miyembro ako ngayon ng eng'g soc. siyempre, sumali ako ng awitan. nung una, kunwari pa akong nahihiya. pero ngayon... kinakareer ko na ito! haha! nabansagan na nga akong "ms. b" (nagmula sa mr. c ng pamosong mr. ryan cayabyab) dahil sa attempt na iarrange ang isang piece na kakantahin namin. masaya kumanta lalo na kapag isang grupo kayo na iba-iba ang boses. kakaiba talaga pakiramdam. nakakapanindig balahibo kung maganda talaga ang blending.

dahil unang beses ito sumali ng eng'g soc sa awitan, gusto ko sana na kahit papano ay maganda ang kalabasan. kung kakayanin... gusto kong mag-first kami. sa palagay ko naman, kakayanin namin konting practice pa. siya nga pala... sa mga nagbabasa ng walang kwentang blog ko na ito na puro tungkol sa sarili ko dahil isa akong selfish na tao... iniimbitahan ko kayong manood ng awitan sa december 12. your 60 pesos will go a long way... makakarinig kayo ng iba't ibang broadway hits!

p.s. ang dahilan ng post na ito ay para makabenta ako ng tickets... hahaha! yun lang... tapos na

Wednesday, November 23, 2005

sa panahon ngayon bawal magkasakit

ano ba itong nararamdaman ko? parang magkakasakit ata ako pero... hindi pwede! hindi pwede! hindi pwede! ayokong magabsent! madami akong mamimiss na lessons. oo! tama ang nababasa niyo. medyo nag-aaral na ako sa mga panahon ngayon. gusto ko lang itry na maging responsable sa (kung sakali) ay huling semester ko sa up. hayyyy.
---
sakit ba yung pakiramdam na in-love ka kahit walang tao na kakain-love-an?! haha! ganon kasi nararamdaman ko pag malapit na ang pasko. siguro dahil sa simoy ng hangin. ika nga ng kanta... "malamig ang simoy ng hangin, kay saya ng bawat damdamin, ang tibok ng puso sa dibdib, para bang hulog na ng langit"
---
masakit na ulo ko sa kakaisip kung paano aayusin ang g10 christmas party! help! bakit kasi ako sinasabihan ng mga tao na magkaroon kami ng party? hindi naman ako ang blockhead?! haha! oh well, gusto ko rin namang matuloy eh kasi feeling ko magiging masaya yun since marami ng magkakakilala sa amin. unlike last year na kailangan pang magpakilala ng mga tao before magstart ang party haha! basta, kailangan ng makapagplano as soon as possible

Friday, November 18, 2005

ang chocolate

pagsakay ng bus papuntang baguio para sa retreat namin dalawang taon na ang nakakalipas ay may baon akong chocolate. chocolate ang binaon ko kasi bukod sa paborito ko ito at bawal magbaon ng junkfood, simple lang ito, madaling kainin at pwedeng i-share.

hindi ko naubos lahat ng baon kong chocolate at dahil tanghali na kami nakarating ng baguio ay halos natutunaw na sila. dahil sa worried sila na lalanggamin ang mga pagkain na dala namin at dahil puno na rin ang ref ng retreat house, pinalagay na lang sa isang baol ang mga pagkain namin at kasama na siyempre dito ang chocolate ko. isang linggo ang stay namin sa baguio at dahil sa dami ng ginawa namin, nakalimutan ko na yung chocolate ko doon sa loob ng baol. naalala ko na lang siya nang pauwi na kami. pagkuha ko sa baol, nagulat ako kasi mas matigas yung chocolate kaysa nung pinasok ko siya.

i am what i ate. ako ang chocolate. kumpara noong pumasok ako sa retreat house, mas matatag ako nang lumabas. marami talagang nagawa sa akin ang retreat namin noon sa baguio.