.sideb
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Sunday, May 27, 2007

krispy kreme


first time kong kumain ng krispy kreme doughnuts december last year. after nung reception ng wedding ng pinsan ko, nagcrave si kuya jigs for them. take note: after ng reception so imagine na lang kung gaano kami kabusog at nagcrave pa. hahaha! ayun kaya kahit naka wedding attire pa kami, ayun diretso kami sa the fort at pumila ng mahabang pila para makabili ng linshak na doughnuts na yan. masarap naman although mas mahal ata siya sa gonuts. sadness. im no food critic pero if i would compare the two, ang gonuts ay mas cake-y at mas mabigat sa tiyan kaysa krispy kreme na mas doughnut ang dating for me. hehehe!

ayun yesterday, nakita ko na may upcoming krispy kreme store sa trinoma so ako naman ang nagcrave. hahaha! siyempre dahil upcoming pa lang siya di pa bukas so umuwi akong sawi. pero to my surprise dumating ang aking magulang with that green dotted box of krispy kreme! yeyness! pero ubos na siya ngayon kaya im just sharing my happy memories of krispy kreme.

Saturday, May 26, 2007

pirates 3

hanggang ngayon, nalilito pa rin ako kung anong subtitle(?) nito. at the worlds' end? at the world's end? pero ang totoo, at world's end. hahaha! weird lang kasi yung title. this is actually the only installment i have watched kaya medyo hindi ko naintindihan. dagdagan pa ng super weird accents nung calypso character and the yo-ho-ho accent of the pirates. buti na lang, steph was kind enough to explain some parts of the movie. super haba ng movie pero honestly, medyo hindi ko napansin. siguro dahil sa effort na idecipher lahat ng pinagsasabi nila kaya ganon.

ang funny ni johnny depp and i agree with steph dun sa hand gestures niya hahahaha! i had no idea na may parts rin pala na funny pala itong pirates. pag pinapalabas kasi sa hbo, parang ang haba and ang dragging. pero i should have gotten that they'd insert some comic reliefs dahil afterall ay disney movie naman siya.

besides the movie itself, may isa pang nangyari sa sinehan. the "can you not" event. goodluck naman, hindi ko kinaya ang pageffort ng pageenglish ni kuya!

after the movie, reggie a.k.a. naruto treated us (steph, dy, jaymee, kristel, rj and i) for dinner! yeah! natuloy na rin ang libre sa wakasss! a few tables away from our table ay table pala ni sherry and her family. hahaha! shiets! hanggang sa trinoma nakikita ko si sherry :P

when we got out of the mall, umuulan pala ng malakas and guess what? wala akong payong. great! buti na lang dumadaan yung jeep sa harap ng bahay namin kundi hello ubo't sipon! hehehe!

going back to pirates of the carribbean, after watching the third installment, i think i'd like to watch the first two na. maling mali pala yung impression ko about pirates. hahaha! weird.

Friday, May 25, 2007

all about helen

for fun's sake, take this quiz (All About Helen) hehehe! wala lang magawa...

btw, ito na ang haggardness picture:



bwahahaha! epitome ng haggardness :P

Thursday, May 24, 2007

saying i love you

ok. nagfreafreak out na ako. masyado nang nagiging expressive ang magulang ko sa pagsabi ng "i love you." as in bawat text nila sa akin ang ending may "i love you." hindi ko na kinakayaaaa! hindi naman dating ganito or hindi ko lang napapansin?! hahaha!

hindi naman sa ayaw kong sinasabi nila yun. ang problema ko lang, pag nagtext sila siyempre kailangan kong magreply eh hindi nga ako mahilig magsabi ng "i love you" so medyo nahihirapan ako kung ano irereply ko. kaya tatlong smiley na lang nilalagay ko sa dulo. wahahaha! parang katumbas eh noh?! but of course that doesn't mean i don't love my parents. i really just find saying those three words to anybody very... not me. mas gusto ko kasing pinapakita na lang kaysa sinasabi. although medyo weird rin kasi hindi rin ako mahug at makiss at maholding hands na person.

i guess my parents get that naman. after 20 years of raising me up, siguro gets na naman siguro nila kung paano ko pinapakita na mahal ko sila. hahaha! o shocks. dramaness!

Wednesday, May 23, 2007

tapos na

after 1 semester at 1 summer... natapos na rin sa wakas ang project sa 165! *clap* *clap* documentation na lang at peer evaluation. hahaha!

i shall really miss yung pangaasar namin kay mark bilang isang markaholic dahil walang tigil ang pagcocode. seryoso! tipong kahit half asleep na siya nagcocode pa rin siya. garabe! saludo kami sa kanya kaya't siya ang aming mahal na pinuno (kahit ayaw niyang tanggapin na siya ang lider). i shall also miss bullying angel around hahahaha! ang mga hirit na kailangan laging may chikka para maasar siya. tapos siyempre... laking pasasalamat namin ang libreng samba dahil kumikita na siya! garabe! ibang klase talaga pag chumichikka. carinyo brutal!and of course... rexie! laughtrippp mhan! benta ang kanyang tawa. tapos benta rin ang tawa ko sa kanya so pag tumawa kami... vicious cycle. wahahahaha! pero through thick and thin... kaming dalawa ang dakilang alipin nina angel at mark. hahaha!

we also watched several movies during our last season together. what lies beneath (sigaw ng sigaw si angel! wahahaha!), the deep end (babala: wag panoorin ito. nakakabobo.) a series of unfortunate events (na unfortunately, tinulugan ko) at so close (uhm... bat nawawala ang sugat nila?!?!?!)

ito nga pala ang progress ng mga itsura namin throughout the project

SEASON 1


*tama bang gawing table ang folding bed?! wahahah! si mark at si angel... kunwari di pa tumitingin sa camera. come on!!!

*yan ang grupo namin! yey! (commercial voice: isipin niyo na lang si irene si angel)


SEASON 2


*this was taken two nights before project submission. walang tulog kaya ganyan mga mata. wahahahaha! yes... hindi natulog si angel! *clap* *clap*


*double time! hahaha! gosh! nabenta na itong lugar na ito... pero di pa rin natapos ang project. wahahaha! kitang kita kung gaano kachaotic ang place. shocks.

SEASON 3


*the smiles reflect kung gaano kami kasaya na tapos na at siyempre masaya kami na kami ang magkakagrupo. whoooo! WiSH granted. wahahaha! corneeeey.

Friday, May 18, 2007

kalimutan daw ba

habang nagreresearch para dito sa cookies thingy for 165 at kumakain ng spaghetti happy meal na pinilit ipakain sa akin ng employee ng tita ko para may shrek at fiona toy siya, nakita ko yung mail ni maam joyce about cs165 presentations.

as almost everyone knows, bukod sa pagiging super volcorps, ang cs165 project completion ang aking pinagkakaabalahan. ngunit nang nabasa ko yung email kanina, naalala kong kami pala yung isa pang group na hindi nakakapagset with maam ng date to present. wahahahaha! of all things na pwedeng makalimutan, yung pagschedule pa talaga ng presentation... ang labo!

anyway, ngayon confused ako kung bukas ba kami magprepresent or what. feeling ko kasi di pa kami prepared. wahahahaha! so many friday-to-saturday overnights... di pa rin kami prepared! kainis! hahaha! well kasalanan rin naman namin dahil may panood-nood pa kami ng movies pag nastrestress na kami sa paggawa na nalalaman. plus ang takaw ko pa matulog so parang nagsluslumber party lang talaga kami. waahahaha!

i just wish matapos na ito dahil may dvd pa akong kailangan imarathon! wahahaha!

Tuesday, May 15, 2007

saan ako nagtungo

after another overnight (hindi na coding session dahil nanood kami ng 2 movies! ahaha!) for 165 last saturday, i went home sa cainta kasi we were going to spend mother's day there. on the way home, my mom told me that she passed ielts. happy naman ako for her. pero hindi ko alam kung happy ako sa nangyari. o shocks! it's getting nearer and nearer.

the following day, mother's day! nagulat ako nung dumating si kuya jigs kasi hi-nug niya ako tapos sabi niya "i missed you." hindi naman kasi kami touchy feely na magpipinsan kaya weird talaga ang nangyari. ang physical contact na namin yung tipong hampas o di kaya sinuntok. hahaha! oh well, siguro nagsesentimental lang yun dahil malapit na sila umalis. hehehe!

after lunch inasar ko ang aking littlest cousin of all. ang bochog kasi niya eh saka ang sarap asarin. hahaha! talagang pumatol sa bata eh. saka siyempre frustrated akong magkaroon ng kapatid na ibubully. nyahaha! dahil binubully ko nga siya sinumbong niya ako sa mga tita namin tapos "napagalitan" ako. pasaway!

siyempre hindi maiiwasan ang election talk. dahil hindi naman ako registered voter, no comment lang ako. ang tumatak lang sa isip ko ay nung pinagtatawanan namin yung campaign ni ralph recto. benta/weird kasi yung pagkakasabi ng "ibalik natin si papa sa senado." tapos may humirit pa na parang binublly daw ni lucky si christian kaya nagkaganon. wahahaha!

late na naguwian ang lahat dahil wala namang pasok the following day saka siyempre, maximizing time together. hehehe! pero dahil we were going to our lady of manaog the following day, election day, i had to sleep early.

about 6:00am na kami nakaalis sa cainta tapos dumating kami ng hacienda lusita ng mga 8:00am to have breakfast tapos lakbay nanaman hanggang 10:30am. manaog na!

hindi ko first time makarating doon pero hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling nakapunta. we first went doon sa isang chapel doon kung saan pwede mo itouch yung figure ng our lady of manaog. nung turn ko na to touch, hindi ako naging successful dahil nagstruggle ako sa dami ng layers nung damit niya at feeling ko aandar nanaman ang kaclumsy-han ko at may mangyayaring masama doon sa imahe. oh well... at least nakita ko yung super daming diamonds na crown niya.

habang nagdadasal kami doon sa simbahan na mismo, may naramdaman akong flash ng camera. dahil usisa ako, lumingon lingon ako para malaman kung saan nanggaling yun. akala ko photographer lang na travelling around pero galing pala yung flash dun sa personal press nina manay gina de venecia at ni jose de venecia. so ayan, kahit hindi ako bumoto nung election day may nakita akong politician. ang galing! nakakabadtrip lang kasi agaw eksena talaga sila eh dasalan kaya yun. after ko magdasal lumabas na lang ako kasi nakakaasar.

dumaan kami for a while doon sa parang shop ng simbahan. pinapili ako ng nanay ko ng rosary. white yung napili ko tapos nung naplastic na and all bigla kong nakita na it's a rosary daw for purity. huwaaat? so ano ako hindi pure? hahaha! tapos dahil may binili pa silang ibang bagay, umikot ikot ako tapos may nakita akong chart para malaman mo kung sino yung guardian angel mo. according sa chart, ang guardian angel ko daw ay si archangel raphael dahil tuesday ako pinanganak. kaaliw lang. ngayon ko lang nalaman yun.

about 11:30 na kami nakaalis doon. mahaba nanamang lakbayan ang naganap. dahil super bored na ako sa paglalakbay namin kung anu-ano ang napapansin ko. tulad nung parang mirage effect pag mainit at asphalt yung dinadaanan niyo. tinanong ko sa nanay ko kung bakit ganon. hindi ko naintindihan ang explanation niya. kaya hanggang ngayon, isang malaking mystery pa rin yun sa akin. hahaha!

dumating kami ng bahay ng ninong ko ng mga 3:30 tapos nagsisimula ng magsilabasan sa tv ang election results. nung una 19-19 ata yun, tie sina legarda at escudero. tapos natulog ako. pagkagising ko, lamang na ng about 100,000 si escudero kay legarda. hahaha! pero honestly, wala naman akong masyadong pakielam sa kung sino ang mga uupong senators. siguro kung concerned man ako, yun ay yung wag lang makaupo yung tulad nina prospero pichay na dapat itinatanim sa lupa at ni victor wood na tumatakbo pala sa senado. kainis!

dahil wala nga akong pakielam sa election results, nanood na lang ako ng shrek 2 at ng mr. and mrs. smith (at talagang kahapon ko lang napanood ang mga ito.) hahahaha!

ngayong araw naman ay dapat makikisabay lang ako sa ninong ko hanggang katipunan dahil pauwi na ako ng lagro. pero nadecide na ihatid na akong diretso sa lagro. yun nga lang, naghintay muna ako sa p.s.b.a at dumaan sa miriam dahil inasikaso niya yung grades ng mga students niya. ok lang naman dahil ginawa ko yung iba pang kailangan gawin for 165 habang naghihintay sa faculty room ng p.s.b.a. may isang faculty na tinanong ako kung saan ako nagaaral at kung ano ang course ko. nung nalaman niya na computer science ako sa up... tinanong ako kung medyo flip ba daw ako. ang labooo!!!

habang ipapasa naman ang grades sa miriam, naalala ko yung highschool days ko na puro halaman at babae lang nakikita ko. hahaha! tapos in fairness, meron pa silang babaeng di ko maintindihan kung receptionist or guard doon sa entrance na dinaanan namin. tinuro rin sa akin ng ninong ko yung isang area nila na wap zone. parang cafe ang dating na ewan. kung wala pang bagong library, maiinsecure siguro ako pero dahil maganda yung bagong library ng cs at eee... well... sila dapat mainsecure! hahaha!