Copyrights @ Journal 2014 - Designed By Templateism - SEO Plugin by MyBloggerLab

Tuesday, May 15, 2007

saan ako nagtungo

after another overnight (hindi na coding session dahil nanood kami ng 2 movies! ahaha!) for 165 last saturday, i went home sa cainta kasi we were going to spend mother's day there. on the way home, my mom told me that she passed ielts. happy naman ako for her. pero hindi ko alam kung happy ako sa nangyari. o shocks! it's getting nearer and nearer.

the following day, mother's day! nagulat ako nung dumating si kuya jigs kasi hi-nug niya ako tapos sabi niya "i missed you." hindi naman kasi kami touchy feely na magpipinsan kaya weird talaga ang nangyari. ang physical contact na namin yung tipong hampas o di kaya sinuntok. hahaha! oh well, siguro nagsesentimental lang yun dahil malapit na sila umalis. hehehe!

after lunch inasar ko ang aking littlest cousin of all. ang bochog kasi niya eh saka ang sarap asarin. hahaha! talagang pumatol sa bata eh. saka siyempre frustrated akong magkaroon ng kapatid na ibubully. nyahaha! dahil binubully ko nga siya sinumbong niya ako sa mga tita namin tapos "napagalitan" ako. pasaway!

siyempre hindi maiiwasan ang election talk. dahil hindi naman ako registered voter, no comment lang ako. ang tumatak lang sa isip ko ay nung pinagtatawanan namin yung campaign ni ralph recto. benta/weird kasi yung pagkakasabi ng "ibalik natin si papa sa senado." tapos may humirit pa na parang binublly daw ni lucky si christian kaya nagkaganon. wahahaha!

late na naguwian ang lahat dahil wala namang pasok the following day saka siyempre, maximizing time together. hehehe! pero dahil we were going to our lady of manaog the following day, election day, i had to sleep early.

about 6:00am na kami nakaalis sa cainta tapos dumating kami ng hacienda lusita ng mga 8:00am to have breakfast tapos lakbay nanaman hanggang 10:30am. manaog na!

hindi ko first time makarating doon pero hindi ko na rin matandaan kung kailan ako huling nakapunta. we first went doon sa isang chapel doon kung saan pwede mo itouch yung figure ng our lady of manaog. nung turn ko na to touch, hindi ako naging successful dahil nagstruggle ako sa dami ng layers nung damit niya at feeling ko aandar nanaman ang kaclumsy-han ko at may mangyayaring masama doon sa imahe. oh well... at least nakita ko yung super daming diamonds na crown niya.

habang nagdadasal kami doon sa simbahan na mismo, may naramdaman akong flash ng camera. dahil usisa ako, lumingon lingon ako para malaman kung saan nanggaling yun. akala ko photographer lang na travelling around pero galing pala yung flash dun sa personal press nina manay gina de venecia at ni jose de venecia. so ayan, kahit hindi ako bumoto nung election day may nakita akong politician. ang galing! nakakabadtrip lang kasi agaw eksena talaga sila eh dasalan kaya yun. after ko magdasal lumabas na lang ako kasi nakakaasar.

dumaan kami for a while doon sa parang shop ng simbahan. pinapili ako ng nanay ko ng rosary. white yung napili ko tapos nung naplastic na and all bigla kong nakita na it's a rosary daw for purity. huwaaat? so ano ako hindi pure? hahaha! tapos dahil may binili pa silang ibang bagay, umikot ikot ako tapos may nakita akong chart para malaman mo kung sino yung guardian angel mo. according sa chart, ang guardian angel ko daw ay si archangel raphael dahil tuesday ako pinanganak. kaaliw lang. ngayon ko lang nalaman yun.

about 11:30 na kami nakaalis doon. mahaba nanamang lakbayan ang naganap. dahil super bored na ako sa paglalakbay namin kung anu-ano ang napapansin ko. tulad nung parang mirage effect pag mainit at asphalt yung dinadaanan niyo. tinanong ko sa nanay ko kung bakit ganon. hindi ko naintindihan ang explanation niya. kaya hanggang ngayon, isang malaking mystery pa rin yun sa akin. hahaha!

dumating kami ng bahay ng ninong ko ng mga 3:30 tapos nagsisimula ng magsilabasan sa tv ang election results. nung una 19-19 ata yun, tie sina legarda at escudero. tapos natulog ako. pagkagising ko, lamang na ng about 100,000 si escudero kay legarda. hahaha! pero honestly, wala naman akong masyadong pakielam sa kung sino ang mga uupong senators. siguro kung concerned man ako, yun ay yung wag lang makaupo yung tulad nina prospero pichay na dapat itinatanim sa lupa at ni victor wood na tumatakbo pala sa senado. kainis!

dahil wala nga akong pakielam sa election results, nanood na lang ako ng shrek 2 at ng mr. and mrs. smith (at talagang kahapon ko lang napanood ang mga ito.) hahahaha!

ngayong araw naman ay dapat makikisabay lang ako sa ninong ko hanggang katipunan dahil pauwi na ako ng lagro. pero nadecide na ihatid na akong diretso sa lagro. yun nga lang, naghintay muna ako sa p.s.b.a at dumaan sa miriam dahil inasikaso niya yung grades ng mga students niya. ok lang naman dahil ginawa ko yung iba pang kailangan gawin for 165 habang naghihintay sa faculty room ng p.s.b.a. may isang faculty na tinanong ako kung saan ako nagaaral at kung ano ang course ko. nung nalaman niya na computer science ako sa up... tinanong ako kung medyo flip ba daw ako. ang labooo!!!

habang ipapasa naman ang grades sa miriam, naalala ko yung highschool days ko na puro halaman at babae lang nakikita ko. hahaha! tapos in fairness, meron pa silang babaeng di ko maintindihan kung receptionist or guard doon sa entrance na dinaanan namin. tinuro rin sa akin ng ninong ko yung isang area nila na wap zone. parang cafe ang dating na ewan. kung wala pang bagong library, maiinsecure siguro ako pero dahil maganda yung bagong library ng cs at eee... well... sila dapat mainsecure! hahaha!

5 comment(s) :

  1. ang habaaaaaaa...
    ahehehe...
    ang rami mo namang napuntahan.. :)

    ReplyDelete
  2. onga eh napahaba... at di pa kompleto kwento diyan hahaha!

    ReplyDelete
  3. ahahaha...
    pero binasa ko buo! ahahaha adik...
    grabe, narealize ko lang na mahaba hanggang dun sa nasa meriam ka na...

    ReplyDelete
  4. wow long post talaga. parang naipon ng isang buwan. haha.

    pero funneh... pure ka. hahahaha

    ReplyDelete
  5. @dy: hindi ka rin bored noh?! hahaha! thanks for reading the useless long post! :)

    @stepanya: gash! oo nga eh... feeling namiss ng mga tao! hahaha! FEELING!

    ReplyDelete