Mike is his name. Management is his game. Shet! Ang sabog ko na. Haha! 7:00am kasi ang shift ko kanina at kailangan gumising ng 5:30am na medyo mahirap dahil masarap matulog lalo na't malamig ang panahon. Hahaha!
Gusto ko lang ikwento ang aming acting manager (di pa kasi siya ang tunay naming magiging manager which is kinda sad...) Ito ang mga attempts niya of making me feel comfortable:
1. Sinusubukan niyang makarelate sa Pilipinas.
"So Helen, (na ang dinig ko ay Heln dahil islang) do you eat pansit?" (which he pronounced as pahnseet)
"Do you like halo-halo?" (which he pronounced as halow halow)
Then someone would ask what language he is trying to speak. "Arabic..." he would say.
What the hell?
2. Ako ang sinisisi niya sa pagkawala ng mga Sharpies (Canadian version ng pentel pens)
In a joking manner...
"Ok guys, here are 5 Sharpies. If they are suddenly all gone, ask Heln for one (talagang dinelete ko na ang isa pang e sa pangalan ko). She'd have all of them in her pocket."
Grabe! Ang totoo niyan, mga kasamahan ko ang naghohoard ng Sharpey. Ako nga lagi nauubusan eh. Huhu!
3. Sinisiraan niya ako sa trainees.
"If you have any questions, just ask anyone..."
He then saw me.
"Except for Heln cause she doesn't know what she's doing..."
Sabay bawi...
"Just kidding Heln"
Gusto kong sabihin...
"Gee! Thanks for ruining my credibility..."
Kaya lang baka bigla na lang ako di sumweldo at shy pa talaga ako sa work. Hahaha!
4. Lagi kaming nagkakasalubong sa door ng back room.
"Watch it Heln! You're always in my way!!!"
Nung una akala ko galit talaga siya so mega sorry ako. Yun pala he's just messing around. Crap!
5. Nauubusan ako ng coins sa till so hihingi ako sa kanya in a very nice and polite manner
"Hey Mike, uhm... could I get some more (quarters or dimes or nickels or pennies)?"
"Gee Heln, stop bothering me. I'm trying to be the manager here"
Gullible talaga ako kasi natakot nanaman ako.
Sabay smile ang loko.
"What do you need again?"
Shet! Hahahaha!
Howell... More work stories to come. Medyo nagiging interesting na ang mga bagay-bagay sa aming kapihan. Haha! :p
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
Kuleeet naman ng acting manager nyo!
ReplyDeleteHahahha!
Sobra! Akala ko guni guni ko lang na ako lagi ang pinipick on niya. But someone commented na he's always picking on me. Haha! What's wrong with me?
ReplyDeleteBaka he got a crush on you! LOL.
ReplyDelete:D
natutuwa siguro sya sayo :) parang si boss han kyul sa coffee prince, pinagtitripan si eun chan... hahaha :D
ReplyDelete@emir: Wag naman ganon! Kay bago bago ko dito issue agad. Hahaha!
ReplyDelete@tina: Eh hindi naman ako mukhang lalaking babae eh! Joke!