Aminado akong di ako masyado kumikilos sa bahay noon sa Pilipinas. Ang pinakagawaing bahay na sa akin noon ay ang magluto.
Pero dito sa ibayong lupain (dibdiban na ang pananagalog!!!), natuto at gumagawa na ako ng iba't ibang gawaing bahay. Naglalaba na ako pero may daya dahil gamit ko ang washing machine at dryers. Naglilinis din ako gamit ang vacuum cleaner (madaya uli!). Pero ang di ko na madadaya ay ang pamamalantsa. Grabe! Tila isang malaking tagumpay (ito na ang pinakamaayos na pagsasaling wika ko ng achievement) ang makapagplantsa ng isang piraso ng damit para sa akin.
Masaya ako dahil natuto na rin ako sa wakas ng pamamalantsa! Dati talaga ay namamangha ako kung paano namamalantsa ang mga tao. Haha! Mababaw na kaligayahan pero ito'y isang bagay na mahalagang matutunan lalo na ng isang babae. Hahaha! Ayun lamang.
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
Congrats! Sa iyong bagong natutunang kakayahan:D
ReplyDeleteMadalas ko gamiting dahilan yan e, yung kunwari hindi ko alam kung paano:) Tamad kasi e, hehe.
Salamat. Bawal lang talaga tamad dito kaya kailangan matuto na ako. Hahaha!
ReplyDeleteBakit kasi wala pang plantsa machine na available sa market!
ReplyDeleteYun bang ilalagay mo lahat ng damit na gusot tapos lalabas nang plantsado... parang mga paper from the photocopy machine! Astig diba?
Haha! Totoo ka diyan!!! Nakakapagod nga rin pala magplantsa...
ReplyDeletegreat! yihee.marunong na sya mag-iron ng clothes. :)
ReplyDelete