just came home galing sa chocolate buffet... this was the replacement sa pagpunta sana sa fair (pero hindi pwede dahil may pasok kinabukasan) since mga 7:30 pa lang ay tapos na kami.
after the super-fast-forward lesson with sir talamayan (na amazingly ay mas naintindihan ko) nagtungo na ako ng CHE para nga sa chocolate buffet. when i got there... i saw a face na antagal ko nang hindi nakikita sa sangka-UP-han. si sherry!!! (ito ang taong nakapagpapatawa sa akin ng sobra... AS IN!!! highschool pa lang grabe naaa!). naalala ko na hirm nga pala course niya at sila ata ang naghahandle nung event. tapos after namin magkulitan ng kaunti ni sherry, may tumawag nanaman sa akin. si arlene paguio! whahaha! namental block nga ako sa pangalan niya eh kasi antagal ko na rin siya hindi nakikita. isang malakas na "HELLOOOO!" na lang ang nasabi ko.
ITO NA ANG MAIN KWENTO... THE CHOCOLATE BUFFET!!!
pinapasok na kami sa kainan. meron kaming nakasama na mom ata nung isa sa mga students dahil 3 lang kami nina dy at reggie sa table at good for 4 yung tables. formal talaga kung formal ang service. may script pa yung servers. "welcome to blah blah blah... i am _____ your server for tonight" nyahaha! tapos nung sinerve na yung pasta, meron pa uli speech!!! "for your first course, this is a sweet pasta with chorizo, bacon and tomato sauce" (something like that).
pasta nga ang first course at sa totoo lang ay nabusog na ako after kong kumain nun. pero ang main event talaga ay yung dessert dahil chocolate buffet nga. hahaha! nung nilabas na yung mga chocolates, nahihiya kaming pumunta agad kasi nga may mom kaming kasama sa table. pero dinaan namin sa pagbibiro kay mommy kaya nauna pa rin kami sa pagkuha ng chocolates. ayon sa aking pagkakatanda, yung first set ng chocolates sa buffet ay chocolate tarts, chocolate marble cake, brownie ala mode and yung parang chocolate chip cookies. akala namin, yun na yung buffet so kuha kami ng generous-but-not-so-selfish amount ng bawat isa. hahaha!
sa gitna ng pagkain ay sinabi sa akin ni dy na busog na siya. pero inencourage ko siya. sabi ko, tandaan niya na 350 ang binayad namin at kailangan namin itong masulit. bawat subo, itatatak sa isipan na 350 yun!!! hahaha! patapos na kaming kumain nang napansin namin na may lumalabas nanamang second set of chocolate sa chocolate buffet. whooooo! parang charlie and the chocolate factoryyyy!
feeling namin di kami matitinag ng kahit anong amount ng tsokolate so kuha pa uli kami. this time, ang nakahain ay decadent triple chocolate thingy, chocolate truffle, cupcake and another type of chocolate chip cookie. pagkatapos kong kainin yung decadent chocolate churva, sumuko na ako! naramdaman ko na ang bigat ng aking sikmura. hahahaha! biglang nagslow down ang pagkain ko. pati si dy, ganoon na rin. pero si reggie, go na go pa rin! si mommy naman, nahihirapan na rin. sabi niya, baka hinahighblood na siya. wahahahaha! humirit pa si reggie na after pala daw nung dinner, may lecture about diabetes.
nakakapit na ako sa silya ko dahil hindi ko na talaga kinaya ang kabusugan. tapos maya maya, nakita kong may inilalabas nanaman silang pangatlong set ng chocolates. waaaah! sa mga panahong ito, sinusumpa ko na ang chocolate. namamamanata na akong isang taon akong hindi kakain ng chocolate. hahaha! grabe. sayang pa naman kasi masarap pa rin yung pangatlong nilabas na set ng chocolates. chocolate crepe, chocolate butterfinger at ang pinakakinaasar ko sa lahat, yung chocolate mousse. waaaah! hindi na ako nakakuha kasi masasayang lang dahil hindi ko na talaga kayang kainin.
kung inaakala niyong tapos na dito ang listahan ng chocolates sa chocolate buffet, nagkakamali kayo dahil may chocolate fountain pa! waaah! hahaha! ang hirit nina alvin ay nagbabato nga daw sila ng coins doon ng patalikod! wahahaha! tapos meron pa. nangingisda pa sila doon gamit ang sibat! wahahaha! napakakulit talaga.
natapos kami ng mga 7:30 at sugar high na kaming lahat sa oras na yan. hahaha! hanggang ngayon nga ata ay may remnants pa rin ako ng pagkahigh. whooo! naglolokohan nga kami na ituloy na namin sa fair ang trip na ito. hahaha! pero siyempre hindi pwede dahil bukod sa wala na kaming pera, may pasok pa nga kinabukasan.
totoo palang may sugar high talaga. umiikot kasi ang mundo naming lahat pagkatapos kumain ng sandamukal na chocolate. tapos tawa lang kami ng tawa (pero ito hindi ko alam kung dahil lang ba sa chocolate ko talagang nakakatawa ang mga pinagsasasabi namin. hahaha!)
conclusion: masayang magchocolate buffet! whoooooo! bukod sa masarap ang chocolates, masarap magunwind with alvin, angel, dy, hannah, julie, maryann, reggie and steph! yehey!
Blog Archive
Powered by Blogger.
Copyrights @ Journal 2014 - Designed By
Templateism
- SEO Plugin by
MyBloggerLab
wahaha sugar high. next year na ulit ako titikim ng chocolate. hahaha
ReplyDeletehahaha! ako hindi eh, the following day naghanap agad ako ng chocolate! wahaha! adik!
ReplyDelete