While the weather was unusually nice and warm here, grabe na pala ang bagyo sa Pilipinas. May connection kaya? Kung meron is this a manifestation of global warming? Nakakatakot. Imagine 20 years from now. Gaano kagrabe ang mangyayari kung wala tayong gagawin? Scary thought but possibly true.
So kanina ay inintroduce na kami sa C++ syntax at siyempre ang first program ay may kasamang
cout << "Hello, world!"; Haha! Ang hirap palang magpanggap na hindi mo pa alam ang mga bagay na alam mo na. Pero minsan, may bago akong natututunan. Tulad ng ang tawag pala sa "<" at ">" ay angled brackets.
Binigay na rin sa amin ang first assignment namin. Our task is to solve 4 problems na gagawan namin ng paper explaining how we used Polya's Four Principles to arrive at a solution. Labo ko pa man din magexplain. Mas mahirap pa ito sa first ME noon kung saan magpriprint lang dapat kami ng "I love CS 11!" Hahaha! Howell. Binigyan kami ng 1 week to finish this. Goodluck to me!!!
Totally unrelated fact: Ang language na inaral nung instructor ko nung nagaaral siya ay PL1. Scary. Haha! Nasabi ko na pala ito. Hahaha!
Kanina sa French class, pinaparecite sa amin yung dates in French. May isa akong kaklaseng nagtake na ng French before at mega sagot siya ng mabilis. So parang ako, shut up please? Kung magaling ka talaga eh bakit andito ka sa level na ito? Pffft.
Nakakaasar lang kasi walang consideration. Hay... some people...